23/03/2026
Minsan busy tayo sa paggawa ng “para kay Lord”
pero hindi na tayo nakikipag-usap kay Lord.
Active sa ministry.
Present sa rehearsals.
Laging game sa tasks.
Pero kailan ka huling umupo sa presence Niya?
Kailan ka huling nagbasa ng Word not to prepare a message but to be fed?
Here are some hard but honest questions:
• Nagse-serve ba ako dahil overflow ako o dahil ayokong mapansin na wala akong ginagawa?
• Mas excited ba ako sa platform kaysa sa prayer room?
• Kapag walang nakakakita, same pa rin ba ang passion ko?
• Kapag walang appreciation, tuloy pa rin ba ang obedience ko?
Realization:
Kapag devotion ang nawala, validation ang hinahanap.
Kapag intimacy ang kulang, applause ang nagiging fuel.
Kapag private altar ang malamig, public ministry ang nagiging mabigat.
Hindi masama ang mag-serve. Calling ‘yan.
Pero ang service ay bunga, hindi ugat.
Ang ugat ay devotion.
Sabi sa 1 Samuel 16:7,
“Man looks at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”
God is not after how visible you are.
He’s after how surrendered you are.
So bago tsyo tumayo sa harap,
lumuhod muna tayo sa lihim.
Bago tayo magsalita sa tao,
makinig muna tayo sa Diyos.
Because performance can fill a schedule.
But only devotion can sustain a calling.