15/08/2026
πππ©π’π¬πππ‘ππ§ π§π’ πππ§ πππ«ππ’π¬π’π¨ π§π ππ¨π¦π οΌπ‘πΊππΊππ π¬πΊπππποΌοΌππππ«π¨π§ π§π π¦π π ππ’π§π π€π¨π-πππ¦πππ§π / πππ€π«π’π¬πππ§
Ngayong araw, ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, batang martir na tumugon sa tawag ng kanyang misyon bilang isang lingkod ng Diyos.
Si San Tarcisio labindalawang-taong-gulang noong panahon ng matindig pag-uusig ng mga Romano sa ikatlong siglo. Araw-araw, mula sa isang lihim na tagpuan sa katakumba kung saan nagtitipon ang mga Kristiyano para sa Banal na Misa, isang diakono ang ipinapadala sa mga bilangguan upang dalhin ang Eukaristiya sa mga Kristiyanong hinatulan ng kamatayan. Sa isang pagkakataon, walang diakonong maipapdala, kaya naman si San Tarcisio, isang batang lingkod, ang ipinadala upang dalhin ang Banal na Sakramento sa kanila.
Habang nasa daan, hinarang siya ng mga batang kasing-edad niya na hindi mga Kristiyano ngunit kilala siya bilang kalaro at mahilig sa mga laro. Inaya siyang sumali sa kanilang laro, ngunit sa pagkakataong ito ay tumanggi siya, at napansin ng grupo ng mga bata na may dala siyang kung ano. Nakilala rin siya bilang isang Kristiyano, at ang maliit na grupo ng mga bata na sabik na masilayan ang misteryosong hawak ni Tarcisio ay naging isang simula ng gulo at pagkuyog kay Tarcisio. Bumagsak siya dahil sa mga hampas, at pinaniniwalaang isang kapwa Kristiyano ang nagtaboy sa mga umaatake at sumaklolo sa batang lingkod. Ngunit kinalaunan ay binawian rin ito ng buhay, akap-akap ang Eukaristiya na kanyang pinagtanggol.
πππ§ πππ«ππ’π¬π’π¨ π§π ππ¨π¦π,
ππ©ππ§ππ₯ππ§π π’π§ π¦π¨ π€ππ¦π’!