Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje- Panamitan

Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje- Panamitan Official Page of Panamitan Chapel

𝙎𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙢𝙞𝙩𝙚𝙣̃𝙤, 𝙏𝙚𝙣𝙖'𝙩 𝙈𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙖𝙠𝙤𝙡! 𝖧𝖺𝗇𝖽𝖺 𝗇𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗁𝖺𝗅 𝗇𝖺 𝗉𝖺𝗍𝗋𝗈𝗇𝖺 - 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖 𝗌𝖺 𝗀𝖺𝗀𝖺𝗇𝖺𝗉𝗂𝗇𝗀 𝗄𝖺...
01/08/2026

𝙎𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙢𝙞𝙩𝙚𝙣̃𝙤, 𝙏𝙚𝙣𝙖'𝙩 𝙈𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙖𝙠𝙤𝙡!

𝖧𝖺𝗇𝖽𝖺 𝗇𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗁𝖺𝗅 𝗇𝖺 𝗉𝖺𝗍𝗋𝗈𝗇𝖺 - 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖 𝗌𝖺 𝗀𝖺𝗀𝖺𝗇𝖺𝗉𝗂𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗋𝖺𝗄𝗈𝗅 𝖻𝗎𝗄𝖺𝗌 𝗌𝖺 𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗋𝗋𝗂𝗈!

𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗌𝖺 𝗂𝗄𝖺-𝗌𝗂𝗒𝖺𝗆 𝗇𝖺 𝗍𝖺𝗈𝗇𝗀 𝖺𝗇𝗂𝖻𝖾𝗋𝗌𝖺𝗋𝗒𝗈 𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀𝖽𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗇𝗀 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗂𝗄𝖺𝗇𝗀 𝗂𝗆𝖺𝗁𝖾𝗇 𝗇𝗂 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗠𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗲𝗻𝗮 𝗌𝖺 𝖡𝖺𝗋𝗋𝗂𝗈 𝖯𝖺𝗇𝖺𝗆𝗂𝗍𝖺𝗇!

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟒:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐩𝐨𝐧

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗼 𝗣𝗼𝘁𝗼𝗹𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼: Sa loob ng mga nagdaang araw, naging saksi ang bawat pamilya sa pag...
29/07/2026

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗼 𝗣𝗼𝘁𝗼𝗹

𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼:

Sa loob ng mga nagdaang araw, naging saksi ang bawat pamilya sa pag-iwan ng Birhen ng kapayapaan, pagkakaisa, at pag-asa sa bawat pusong nagbukas ng kanilang pintuan para sa mahal na birhen ng Soledad.

Bilang Pasasalamat sa kanyang Paggabay at Pagbisita sa mga tahanan, Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa para sa huling yugto ng Dalaw Patrona sa darating na ika-31 ng Hulyo sa ganap na ika 5 ng hapon. Matapos ang banal na misa ay susundan ito ng Prusisyon patungo sa Barrio Panamitan upang doon ay muling mag patuloy ang pag dalaw ng Birhen ng Soledad.

Nawa ay patuloy tayong gabayan ng kanyang mapagpalang kamay, at baunin natin sa ating araw-araw na pamumuhay ang mga aral at biyayang ibinuhos niya sa ating komunidad.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐝𝐚𝐝!

=============================

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀Sa mga Komunidad Sa loob ng dalawampung taon ng ating Parokya, hindi lamang tayo ang lumalap...
29/07/2026

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀
Sa mga Komunidad

Sa loob ng dalawampung taon ng ating Parokya, hindi lamang tayo ang lumalapit sa ating Mahal na Ina—Siya rin ang patuloy na lumalapit sa atin. Mula sa Simbahan, tinatahak Niya ang mga lansangan, bumibisita sa mga pamayanan, at kumakatok sa bawat pusong handang tumanggap sa Kanyang mapagmahal na presensya.

Ang Dalaw Patrona ay higit pa sa paglalakbay. Isa itong paalala na ang ating Mahal na Birhen ng Soledad ay hindi nananatili sa altar lamang. Siya ay naglalakbay kasama ng Kanyang mga anak—nakikibahagi sa atin, nakikiramay sa ating mga luha, at patuloy na umaakay sa atin patungo kay Hesukristo.

Sa ikatlong yugto, ang ating Mahal na Patrona ay dadalaw sa Pamayanan ng Panamitan. Sa bawat pagdarasal, bawat awit, bawat kandilang sinisindihan, at bawat hakbang sa prusisyon, nawa’y maging buhay ang ating pananampalataya at mas mapalalim pa ang ating ugnayan sa Diyos.

Ang pagdalaw ng ating Ina ay isang paanyaya sa bawat isa—isang paanyayang muling magtiwala, muling manalangin, at muling maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mapagkalingang Ina.

Sa pagdiriwang ng Ika-20 Taon ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Soledad, sama-sama nating ipagpatuloy ang makabuluhang paglalakbay na ito ng pananampalataya.

Hulyo 29 | Kapilya ng Potol

4:15 ng Hapon – Pagdarasal ng Pitong Hapis ng Mahal na Birhen
5:00 ng Gabi – Misa ng Pamamaalam sa Mahal na Birhen ng Soledad ng Pamayanan ng Potol
6:00 ng Gabi – Prusisyon patungong Panamitan

Sa bawat tahanang Kanyang dinadalaw, nawa’y manaig ang kapayapaan. Sa bawat pamilyang Kanyang binabasbasan, nawa’y maghari ang pagkakaisa. At sa bawat pusong Kanyang hinihipo, nawa’y lalong mag-alab ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Halina at makiisa sa ating Dalaw Patrona. Sapagkat sa bawat paglalakbay ng ating Mahal na Ina, tayo rin ay inaanyayahang maglakbay—mula sa takot tungo sa pagtitiwala, mula sa pangungulila tungo sa pag-asa, at mula sa sarili tungo sa Diyos.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Hulyo 31 | Kapilya ng Potol

𝙎𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙢𝙞𝙩𝙚𝙣̃𝙤, 𝙏𝙚𝙣𝙖'𝙩 𝙈𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙖𝙠𝙤𝙡! 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗌𝖺 𝗂𝗄𝖺-𝗌𝗂𝗒𝖺𝗆 𝗇𝖺 𝗍𝖺𝗈𝗇𝗀 𝖺𝗇𝗂𝖻𝖾𝗋𝗌𝖺𝗋𝗒𝗈 𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀𝖽𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗇𝗀 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗂𝗄𝖺𝗇𝗀 𝗂𝗆𝖺𝗁...
28/07/2026

𝙎𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙢𝙞𝙩𝙚𝙣̃𝙤, 𝙏𝙚𝙣𝙖'𝙩 𝙈𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙖𝙠𝙤𝙡!

𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗌𝖺 𝗂𝗄𝖺-𝗌𝗂𝗒𝖺𝗆 𝗇𝖺 𝗍𝖺𝗈𝗇𝗀 𝖺𝗇𝗂𝖻𝖾𝗋𝗌𝖺𝗋𝗒𝗈 𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀𝖽𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗇𝗀 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗂𝗄𝖺𝗇𝗀 𝗂𝗆𝖺𝗁𝖾𝗇 𝗇𝗂 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗠𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗲𝗻𝗮 𝗌𝖺 𝖡𝖺𝗋𝗋𝗂𝗈 𝖯𝖺𝗇𝖺𝗆𝗂𝗍𝖺𝗇!

𝖭𝖺𝗋𝗂𝗍𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝗈𝗉𝗂𝗌𝗒𝖺𝗅 𝗇𝖺 𝗍𝖺𝗅𝖺𝖺𝗇 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗀𝖺𝗐𝖺𝗂𝗇 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗌𝖺 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗇𝗀𝖺𝗒𝗈𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗈𝗇.

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟒:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐩𝐨𝐧

PAGMASDAN:Ang kasuotan ng ating Mahal na Patrona Del Barrio - Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje para sa Buwan ng Agos...
27/07/2026

PAGMASDAN:

Ang kasuotan ng ating Mahal na Patrona Del Barrio - Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje para sa Buwan ng Agosto.

Viva La Virgen!
Viva Nanay Paz!
Viva Buen Viaje!

PAGMASDAN:Mga kuhang Larawan sa nagdaang Dalaw Magdalena sa ating Kapilya ng Panamitan noong Hunyo 27, 2026.Pinamunuan a...
29/06/2026

PAGMASDAN:

Mga kuhang Larawan sa nagdaang Dalaw Magdalena sa ating Kapilya ng Panamitan noong Hunyo 27, 2026.

Pinamunuan ang ilang Pagbasa ng Panalangin kay Sta. Maria Magdalena ng Panamitan Pastoral Council at Committee.

Pasasalamat sa Dambanang Santa Maria Magdalena ng Kawit sa muling Pagbisita sa aming Barrio!

Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje, Ipanalangin mo kami!

Sta. Maria Magdalena, Ipanalangin mopo kami!

“𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨, 𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭: 𝘈𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘦𝘯𝘢.”

Pistang Bayan na! Tena na sa Kawit!

𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔!
Viva La Birhen!
Viva Nanay Paz!

Maligayang Pagdating sa aming Kapilya, Sta. Maria Magdalena!Maraming Salamat sa Pagpapala at Biyaya sa aming Barrio.“𝘗𝘶𝘴...
27/06/2026

Maligayang Pagdating sa aming Kapilya, Sta. Maria Magdalena!

Maraming Salamat sa Pagpapala at Biyaya sa aming Barrio.

“𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨, 𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭: 𝘈𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘦𝘯𝘢.”

Pistang Bayan na! Tena na sa Kawit!

𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔!
Viva La Birhen!
Viva Nanay Paz!

TINGNAN:Nakahanda na ang ating Patrona Del Barrio - Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje sa pagsalubong sa Paraluman at ...
26/06/2026

TINGNAN:

Nakahanda na ang ating Patrona Del Barrio - Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje sa pagsalubong sa Paraluman at Pintakasi ng Bayan ng Kawit, Santa Maria Magdalena.

Kayo po ay malugod naming inaanyayahan Bukas sa Ganap na Ika- 1:20 ng Hapon sa ating Kapilya ng Panamitan upang makiisa at Salubungin siya ng buong galak at saya!

“𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨, 𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭: 𝘈𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘦𝘯𝘢.”

Pistang Bayan na! Tena na sa Kawit!

𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔!
Viva La Birhen!
Viva Nanay Paz!

PABATID AT PAANYAYA:Sa nalalapit na pagpasok ng buwan ng Hulyo ay ibinabahagi ng Dambanang Santa Maria Magdalena ng Kawi...
25/06/2026

PABATID AT PAANYAYA:

Sa nalalapit na pagpasok ng buwan ng Hulyo ay ibinabahagi ng Dambanang Santa Maria Magdalena ng Kawit ang Lakbay Paraluman o Dalaw Magdalena bilang Hudyat o Pagbubukas ng kanilang Gawaing Pangkapistahan.

Sa ganitong diwa, ang bawat pagdalaw ay sumasalamin sa sinaunang misyon ni Maria Magdalena—ang maglakbay, makipagtagpo sa kapwa, at ipahayag ang Mabuting Balita saan man siya naroroon.

Halina’t ating Salubungin ng buong sigla at galak ang muling Paglibot at Pagtatagpo ng Paraluman at Patrona ng Bayan ng Kawit, Sta. Maria Magdalena at ating Patrona Del Barrio - Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa ating Kapilya ng Barrio Panamitan.

Narito ang Araw at Oras ng Pagdaan ni Santa Maria Magdalena sa ating Kapilya:

•Hunyo 27, 2026
ETA- 1:40N.H

“𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨, 𝘗𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭: 𝘈𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘦𝘯𝘢.”

Pistang Bayan na! Tena na sa Kawit!

𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔!
Viva La Birhen!
Viva Nanay Paz!

Address

Our Lady Of Peace & Good Voyage Chapel/Panamitan
Kawit
4104

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje- Panamitan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share