YIFI - Binakayan

YIFI - Binakayan ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ
St. Michael the Archangel

08/05/2026

๐Ÿ“– Alam Mo Ba?

Ang unang kilalang aparisyon ni San Miguel Arcangel ay naganap noong taong 490 AD (Mayo 08) sa Monte Gargano, Italy. Ayon sa tradisyon, nagpakita si San Miguel upang ipahayag na ang bundok ay isang banal na lugar ng panalangin at pag-aalay sa Diyos.

Dahil dito, naging isa ang Monte Gargano sa pinakamatandang dambana sa mundo na inialay kay San Miguel Arkanghel.

Kaya't ating gunitain ang mahalagang paggunitang ito ugnay sa ating Mahal na Patron at Pintakasi, San Miguel Arcangel de Binakayan. Samahan niyo kami sa pagdiriwang ng Santa Misa sa paggunitang ito sa ganap na ika-4 ng hapon.

Ang lahat ng deboto ni San Miguel Arcangel de Binakayan ay inaanyayahan.




24/03/2026
19/02/2026

'HALINA'T IPAGPASALAMAT'

Sa ikalimang taon ng biyaya ng pagkapari, pusong nagpapasalamat ang ating iniaalay sa Diyos.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Misa de Gracia para sa ika-5 Taon ng Anibersaryo ng Ordinasyon sa Pagkapari ni Reb. Pd. Renn Danyer Malia ngayong ika-24 ng Pebrero, Martes, ika-6 ng gabi.

Kalakip ng pagpapasalamat ay dalangin na patuloy nawa siyang pagpalain, patnubayan, at palakasin sa paglilingkod para sa Simbahan at sa sambayanan na kanyang pinaglilingkuran.

15/02/2026

UNANG PAKIKINABANG

Inaanyayahan ng San Miguel Arcangel de Binakayan Parish ang lahat ng mga bata na nagnanais lumapit kay Hesus sa Banal na Eukaristiya na makibahagi sa paghahanda para sa Unang Pakikinabang, edad 7 pataas at kumpilang Kristiyano.

Pag-aaral (Katesismo) at Pangungumpisal
๐Ÿ—“ Pebrero 21 | 3:00 ng hapon

General Rehearsal
๐Ÿ—“ Pebrero 28 | 3:00 ng hapon

Araw ng Unang Pakikinabang
๐Ÿ—“ Marso 8 | 8:00 ng umaga

Halina! Sama-sama nating ihanda ang ating puso upang tanggapin si Hesusโ€”ang tinapay ng buhay at tunay na liwanag ng ating pananampalataya.

Address

Bisita Street , Binakayan
Kawit
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YIFI - Binakayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share