Diocese of Imus/ Our Lady of Solitude Parish

Diocese of Imus/ Our Lady of Solitude Parish This is the OFFICIAL page of Our Lady Of Solitude Parish In Villa Cañacao, Kawit Cavite.

𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad at ng ati...
15/09/2026

𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad at ng ating 20th Year Celebration, isasagawa ngayong araw ang Procession Engrande.

Kaugnay nito, magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapiko sa mga rutang dadaanan ng banal na prusisyon. Hinihiling sa mga motorista at sa publiko ang kanilang pang-unawa at pakikiisa upang maging maayos, ligtas, at mapayapa ang pagdaraos ng ating prusisyon.

Pinapayuhan ang lahat na maglaan ng sapat na oras sa paglalakbay, sumunod sa mga traffic personnel at marshals, at gumamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan.

Ang mga pagbabago sa daloy ng trapiko ay ipatutupad upang bigyang-daan ang ligtas na paglalakbay ng prusisyon at ang pakikibahagi ng buong pamayanan sa makabuluhang pagdiriwang na ito.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pagtutulungan, at pakikiisa.

Mahal na Birhen ng Soledad, ipanalangin mo kami.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 8:00 𝘯.𝘶Sa gitna ng kagalakan ng ating pagdiriwang, nagtipon ang sambayanan ng Parokya n...
15/09/2026

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀
8:00 𝘯.𝘶

Sa gitna ng kagalakan ng ating pagdiriwang, nagtipon ang sambayanan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Soledad para sa Banal na Misa ngayong Kapistahan. Sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, sama-sama nating inialay sa Panginoon ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga biyayang patuloy Niyang ipinagkakaloob sa ating Parokya.

Ang pagdiriwang na ito ay higit na naging makahulugan habang ating ginugunita ang ika-20 taon ng pagkakatatag ng ating Parokya—dalawampung taon ng pananampalataya, debosyon, paglilingkod, at pagkakaisa ng sambayanan sa ilalim ng kalinga ng ating Mahal na Birhen ng Soledad.

Sa araw na ito, nawa’y manatili sa ating mga puso ang mensahe ng Eukaristiya, ang patuloy na pagtitiwala sa Diyos at ang pagiging bukas sa Kanyang pagmamahal at biyaya. Sa patnubay ng Mahal na Birhen, nawa’y patuloy nating isabuhay ang pananampalatayang ating ipinagdiriwang.

Maligayang Kapistahan, Mahal na Birhen ng Soledad!
Mahal na Birhen ng Soledad, ipanalangin mo kami. ___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀, 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀Nagsimula na ang Banal na Misa para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad.Inaan...
15/09/2026

𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀, 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀

Nagsimula na ang Banal na Misa para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at sama-samang magpasalamat sa Diyos sa biyaya ng ating kapistahan.

Makibahagi at makiisa sa Banal na Misa.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄Sa makulay na paglalakbay ng pananampalataya, hindi lamang iisang komunidad ang nagtitipon. Sa Proces...
14/09/2026

𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄

Sa makulay na paglalakbay ng pananampalataya, hindi lamang iisang komunidad ang nagtitipon. Sa Procession Engrande, sama-sama nating bibigyang-pugay ang Mahal na Birhen ng Soledad, kasama ang mga patron at pamayanang naging bahagi ng buhay at kasaysayan ng ating Parokya.

Tampok sa maringal na prusisyon si San Jose, Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje, Santa Rita de Cascia, San Isabel at San Zacarias, na kumakatawan sa mga pamayanang patuloy na nakikibahagi sa iisang pananampalataya at misyon.

Mula kay Buen Viaje ng Panamitan, kay Santa Rita de Cascia ng Potol, hanggang kay Santa Isabel at San Zacarias ng Panamitan, ang bawat komunidad ay may sariling kuwento ng pananalig, debosyon, at paglilingkod. Sa kanilang pagsasama sa prusisyon, higit nating nasasaksihan ang pagkakaisa ng buong pamayanang bumubuo sa ating Parokya.

Sa pagdiriwang ng ika-20 taon ng ating Parokya, ang Procession Engrande ay hindi lamang isang parada ng mga banal na imahen. Ito ay isang paglalakbay ng pananampalataya—isang sama-samang pagpapahayag ng ating pasasalamat sa Diyos at pagmamahal sa Mahal na Birhen ng Soledad.

Sa ganap 𝗶𝗸𝗮-𝟲:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 tayong mga mananampalataya ay magsama-sama tungo sa iisang landas ng pananampalataya.

Dalawampung taon ng pananampalataya. Dalawampung taon ng debosyon. Dalawampung taon ng pagkakaisa sa ilalim ng kalinga ng ating Mahal na Birhen.

Mahal na Birhen ng Soledad, kasama ng mga banal na patron, ipanalangin mo kami.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖𝘚𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 14Isang makabuluhang pagtatapos ang naging Ikasiyam at Huling Araw ng Banal na Nobena...
14/09/2026

𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖
𝘚𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 14

Isang makabuluhang pagtatapos ang naging Ikasiyam at Huling Araw ng Banal na Nobena, kung saan sama-sama nating inialay sa Diyos ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan sa pamamagitan ng pananalangin sa Mahal na Birhen ng Soledad.

Lalong naging makahulugan ang araw na ito dahil kasabay ng ating Nobena ang Kapistahan ng Pagtatampong ng Banal na Krus, isang paggunita na nagpapaalala sa atin ng dakilang pag-ibig ni Kristo at ng kahulugan ng Krus sa buhay ng bawat mananampalataya.

Sa pagtatapos ng siyam na araw ng pananalangin, dala natin ang mga aral at biyayang natanggap bilang paghahanda ngayong Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad. Nawa’y ang ating mga panalangin ay magbunga ng higit na matatag na pananampalataya at mas malalim na pagtitiwala sa Diyos.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





14/09/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀, 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐋𝐄𝐃𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐂𝐀Ñ𝐀𝐂𝐀𝐎!

Sa paggunita sa mga taong humubog sa kasaysayan at patuloy na naging bahagi ng paglalakbay ng ating pamayanang parokyal, ating tinatanggap ang isang taos-pusong pagbati mula kay Rev. Fr. Manny David.

Bago pa man maging ganap na parokya ang ating pamayanan, naging bahagi si Rev. Fr. Manny ng panahong ang ating sambayanan ay nasa yugto pa lamang ng pagiging Quasi-Parish. Sa kanyang paglilingkod, nasaksihan niya ang unti-unting paglago ng ating pamayanang pananampalataya—mula sa simpleng sambayanan na patuloy na nagtitipon sa panalangin, hanggang sa unti-unting pagkakaroon ng mas maayos na tahanan para sa pagsamba at paglilingkod.

Sa kanyang panahon ng paglilingkod, naging bahagi rin siya ng mga pagsasaayos at pagpapaunlad sa ating parokya, na nag-iwan ng mahalagang ambag sa patuloy na paghubog ng ating pamayanang parokyal. Higit sa mga pisikal na pagbabagong ito, higit na mahalaga ang kanyang naging bahagi sa pagpapatatag ng diwa ng paglilingkod at pagkakaisa ng ating mga mananampalataya.

Sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalago ang ating parokya, ngunit nananatili sa ating kasaysayan ang mga taong naging bahagi ng pundasyon nito. Isa na rito si Rev. Fr. Manny David, na sa kanyang paglilingkod ay naging saksi at katuwang sa isang mahalagang yugto ng ating paglalakbay.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad, buong pasasalamat nating tinatanggap ang kanyang pagbati at panalangin para sa ating pamayanang patuloy na pinagbubuklod ng pananampalataya at debosyon sa ating Mapagkalingang Ina.

Nuestra Señora de la Soledad, ipanalangin mo kami.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖Isang makahulugang pagninilay at pananalangin ang muling namayani sa ating pagsasama-sama sa Ikaw...
14/09/2026

𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖

Isang makahulugang pagninilay at pananalangin ang muling namayani sa ating pagsasama-sama sa Ikawalong Araw ng Banal na Nobena. Sa bawat panalangin, patuloy nating inihahabilin sa Diyos ang ating mga kahilingan, pasasalamat, at mga hangarin para sa ating sarili, pamilya, at buong pamayanan.

Sa pagdaan ng bawat araw ng Nobena, higit nating napagtatanto ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa pananalangin at pananatiling matatag sa pananampalataya. Sa tulong ng pananalangin ng Mahal na Birheng Maria, nawa’y patuloy tayong maakay palapit kay Hesukristo at maging bukas sa Kanyang kalooban.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐈𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 | 𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀Sa pagtatapos ng siyam na araw ng pananalangin, buong puso nating pinasasalamata...
13/09/2026

𝐈𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 | 𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀

Sa pagtatapos ng siyam na araw ng pananalangin, buong puso nating pinasasalamatan ang Diyos sa biyaya ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagkakataong sama-sama tayong nanalangin bilang isang sambayanan.

Sa bawat araw ng nobena, dala natin ang sari-saring kahilingan, pasasalamat, at hangarin, habang patuloy nating sinusundan ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria—ang Ina na nanatiling tapat, mapagkumbaba, at lubos na nagtiwala sa kalooban ng Diyos.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang ating paglalakbay. Bukas, ating pagsasalu-saluhan ang kagalakan ng Fiesta ng Mahal na Birhen ng Soledad! Mula sa mga panalanging inialay sa loob ng siyam na araw, tayo naman ay magtitipon bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya upang ipagdiwang ang araw na ating pinaghahandaan.

Halina’t makiisa sa ating pagdiriwang bukas. Sama-sama nating ialay ang ating pagpupugay at pasasalamat sa Mahal na Birhen, at higit sa lahat, ang ating mga puso sa Diyos na siyang bukal ng lahat ng biyaya.

Mula sa nobena tungo sa pista—mula sa panalangin tungo sa sama-samang pagdiriwang.
Mabuhay ang Mahal na Birhen ng Soledad!

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐎𝐎𝐏𝐒, 𝐎𝐎𝐏𝐒, 𝐎𝐎𝐏𝐒… 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!👀Parang kailan lang, nagsimula tayo sa 40-days countdown. Unti-unti nating binilang...
13/09/2026

𝐎𝐎𝐏𝐒, 𝐎𝐎𝐏𝐒, 𝐎𝐎𝐏𝐒… 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!👀

Parang kailan lang, nagsimula tayo sa 40-days countdown. Unti-unti nating binilang ang bawat araw, hanggang sa dumaan ang mga paghahanda, panalangin, nobena, at iba’t ibang gawain ng ating Parokya.

At ngayon… 𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎 𝙉𝘼!

Isang araw na lamang bago natin sama-samang ipagdiwang ang isang makasaysayang yugto sa ating pamayanan—ang 𝗜𝗸𝗮-𝟮𝟬 𝗧𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮.

𝘋𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘬𝘢𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢.
𝘋𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘬𝘢𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘣𝘰𝘴𝘺𝘰𝘯.
𝘋𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘬𝘢𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥, 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘣𝘢𝘺
kasama ang Diyos sa ilalim ng mapagkalingang paggabay ng Mahal na Birhen ng Soledad.

“Tao ang pinakamagandang gayak kay Maria”
Kaya’t ating gayakan ang ating Mapagkalingang Patrona, ang Mahal na Birhen ng Soledad.

𝙆𝙖𝙮𝙖, 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖-𝙥𝙖𝙧𝙤𝙠𝙮𝙖, 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤?

Dahil bukas, hindi na natin sasabihin na “ilang araw na lang?” sapagkat dumating na ang araw na matagal nating pinakahihintay!

𝗢𝗡𝗘 𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗚𝗢!

Magkita-kita tayo at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng 20 taon ng ating Parokya!

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖𝘚𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 12Isang makahulugang araw ang ating pagsasama-sama sa Ikapitong Araw ng Nobena, na nagi...
13/09/2026

𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 | 𝐈𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖
𝘚𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 12

Isang makahulugang araw ang ating pagsasama-sama sa Ikapitong Araw ng Nobena, na naging pagkakataon din upang masaksihan ang mahalagang sandali ng pagtanggap ng ating mga kabataan sa Unang Banal na Komunyon.

Sa pagtanggap nila sa Banal na Katawan at Dugo ni Kristo, nasaksihan natin ang isang mahalagang hakbang sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Nawa’y magsilbing matibay na pundasyon ang araw na ito upang patuloy nilang makilala, mahalin, at sundan si Hesukristo.

Kasabay nito, patuloy nating itinataas sa panalangin ang ating mga kahilingan at pasasalamat habang naghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng ating Parokya.

Mahal na Birhen ng Soledad, ipanalangin mo kami.

___________________________________

To keep updated on church happenings, please follow our page:
https://www.facebook.com/OLSP2262006/

Use Our Official Hashtag:





Address

Villa Cañacao, Brgy. Sta. Isabel
Kawit
4104

Opening Hours

Tuesday 9:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Wednesday 9:29am - 5pm
Thursday 9:30am - 5pm
Friday 9:30am - 5pm
Saturday 9:30am - 5pm
Sunday 9:30am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Imus/ Our Lady of Solitude Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocese of Imus/ Our Lady of Solitude Parish:

Shortcuts

Share