Maytinis Festival

Maytinis Festival Ang bawat pangyayari ay binabago ng panahon. Iilan sa atin ang nakakalam kung ano ang tunay na kahulugan ng Maytinis at kung saan nagsimula ang salitang ito. Fr.
(6)

Ang bawat lumipas ang nagsisilbing alaala ng kahapon, subalit TRADISYON, ay mananatiling tradisyon, lumipas man ang maraming panahon. Isa sa mga tradisyon na maipagkakapuri sa Bayan ng Kawit, ay ang taunang pagdiriwang ng MAYTINIS, tuwing sasapit anf bisperas ng Pasko. Ang Maytinis ay hango sa salitang Latin na Matins na nangangahulugang panalangin dinarasal bilang pagpaparangal at pagpupuri sa at

ing Panginoon. Ito ay ginaganap sa ilang Parokya tuwing kapaskuhan, sa iba’t ibang paraan. Ayon sa masusing pananaliksik, ang Maytinis ay isang tradisyon na isinasagawa ng mga Katoliko sa Kawit, sa ilalim ng pangangasiwa ng Confradia Sagrada Familia, at patnubay ng Kura Paroko. Ang Confradia Sagrada Familia ay binubuo ng mga kasapi na gaganap sa tungkulin ng AMA at INA ng taon. Sila ang babalikat sa pangangasiwa sa kabuuan ng selebrasyon, at higit sa lahat, pananagutan sa mga gastusin nito. Ang tradisyong ito ng Maytinis sa bayan ng Kawit ay lubhang misteryoso. Sapagkat, kung kalian, at kung papaano ito nagsimula, ay walang makapagsabi, ni nakababaitid. Kahit na mismo ang Heneral Emilio Aguinaldo, nang tanungi’y wala ring naisagot, sapagka’t ito raw ay kanya na ring nakagisnan. Ang Maytinis ay isang “tourist attraction”. Ito ay dinarayo ng mga tao sa iba’t ibang karatig pook ng probinsya ng Cavite. Upang isang maging mabisang pamamaraan (Tool of Information About Salvation), nuong 1977, pinulong ni Bishop Perez, D.D. Diocese of Imus, ni Msgr. Hernando Gudoy, Rev. Tony Roxas, Rev. Jimmy Catipay, at ilang pinuno ng samahang pang-simbahan. Binuo nila ang mga karosa (float), ayon sa angkop ng tunay na kasaysayan ng kaligtasan, ayon sa Banal na Kasulatan:

Eba At Adan
La Purisima Concepcion
Si Noeh At Ang Baha
Abraham
Ang Pagliligtas Sa Sanggol Na Si Moses
Haring David
Haring Solomon
Si Ruth At Si Noemi
Samson At Delilah
Infanta Judith
Reyna Ester
Ang Pangako Ng Diyos Kay Zacarias
Pagbati
Ang Pagdalaw ni Maria Kay Elisabet
Panunuluyan
Pagbabalita ng Anghel
Inang Pilipinas
Nawala sa hanay ng karosa “Talang Maliwanag”, “Divina Pastora”, “Siete Archangeles”, at “Rosa Mistica”. Sa halip, pinalitan ito ng “Propeta Amos”, “Abraham”, “Infanta Judith”, at “Reyna Ester”, mga babaeng pinili ng Diyos na nakipaglaban sa pagtatanggol sa pananampalataya. Sa kasalukuyan, ang pagdiriwang ng Maytinis ay nahahati sa dalawang bahagi. Una, ang selebrasyon ng Salita ng Diyos, na susundan ng prusisyon ng labinlimang karosa, na kinakatawan ng bawa’t barangay. Tampok din sa pagdiriwang ang iba’t ibang payaso (na naaayon sa tampok na paksa na nangyayari sa bansa sa pamamaraang nakatutuwa at nakaaantig ng damdamin), na nagpapatunay sa angking “creativity” ng mga taga-Kawit. Dagdag sigla sa manunuod, ang maraming Banda ng Musiko, na ang iba pa ay buhat sa karatig-bayan. Tampok na bahagi sa Maytinis ayon sa kasaysayan ng Bibliya, ay ang Panawagan o Panunuluyan ni Jose at Maria. Ang pakikiusap nila sa ilang mga bahay, upang maisilang si Hesus, na sa halip kaawaan, sila ay ipinagtabuyan hanggang humantong sa sabsaban. Ang pamimintuho ni Jose at Maria na sila ay patuluyin, ay isinasambit sa pamamagitan ng pag-awit na nilikha ni G. Esteban Basa, at nilapatan ng angkop na liriko ni G. Roque Cajapin. Ang tradisyunal na sabsaban na matatagpuan sa buong Altar sa simbahan ng Kawit (Life Size “Belen”) ay isang ukit ng pinto na nagpapakita sa karangalan ng Herusalem, at kadukhaan ng sabsabang sinilangan ni Hesus. Dito naman magaawitan ang mga anghel, matapos mabuksan ang sabsaban bilang pagpupunyagi sa pagsilang ng sanggol ni Hesus. Ang ikalawang bahagi ng Maytinis ay ang Banal na Misa. Ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang pagka’t napapaloob ditto ang Misa Liturhiya ng Eukaristiya na tinatanggap ng lahat na lumapit kay Hesus sa anyong tinapay na nagbibigay buhay. Ang Maytinis sa Kawit ay patuloy na bubuhayin mula sa isang salin-lahi sa pamamatnubay ng Kura Paroko, sa pangangasiwa ng Confradia Sagrada Familia, sa masusing koordinasyon ng Pastoral Council, Pinuno ng Bayan at mga Barangay Captains, at sambayanang Kawit. Ang Maytinis bilang tradisyong kumakatawan sa simbahan, ay isa ring bahagi ng kultura sa mayamang kasaysayan ng bayan ng Kawit, na dapat ikarangal ng susunod na henerasyon.

Address

Poblacion
Kawit
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maytinis Festival posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category