23/05/2026
LINGGO NG PENTEKOSTES | 24 MAYO 2026
Ipinagdiriwang natin ang Pentekostes, ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol, sa mga alagad at kay Maria, Ina ni Hesus. Ngayon din ang kaarawan ng Simbahan. Ipinakita sa Unang Pagbasa at Mabuting Balita ang pagdating ng Espiritu Santo na parang malakas na hangin at ang paghinga ni Hesus sa mga apostol. Tulad nila, tinanggap din natin ang Espiritu Santo sa Binyag at Kumpil upang ipahayag ang Mabuting Balita. Kaisa nila, dasalin natin: Halina, Espiritu Santo!
Halina't ihanda ang ating mga sarili sa pagtanggap kay Kristo sa Banal na Eukaristiya.