Ministry of Altar Servers-DSPOLF Binakayan

Ministry of Altar Servers-DSPOLF Binakayan Official Page of the Altar Servers of the Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima Binakayan

22/08/2026

Ika-23 ng Agosto 2026 | Ikadalawangpu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Ikadalawangpu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon sa pangunguna ni Reb. Padre Julius R. De Sagun, PhL, Rektor at Kura Paroko sa Fatima Shrine.






๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ. ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง!Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin ang biyaya ng iyong buhay at ang napakahalagang...
22/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ. ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง!

Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin ang biyaya ng iyong buhay at ang napakahalagang papel mo sa aming ministry. Ang iyong tapat na pamumuno, malasakit sa bawat miyembro, at dedikasyon sa paglilingkod ay tunay na inspirasyon sa aming lahat.

Maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay, pag-unawa, at sakripisyo para sa ikauunlad ng aming samahan. Dahil saโ€™yo, mas lalo kaming nahuhubog hindi lamang bilang mga lingkod, kundi bilang mas mabubuting Kristiyano.

Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, dagdag na lakas, at masaganang biyaya. Nandito lang kami upang sumuporta at makiisa sa iyong pamumuno.

Muli, maligayang kaarawan at maraming salamat sa iyong puso para sa paglilingkod! ๐Ÿ™โœจ




22/08/2026

Misa Pasasalamat

22/08/2026

Ika-22 ng Agosto 2026 | Misa Pasasalamat para sa Ika-18th Anibersaryo ng Dekreto ng Koronasyong Episcopal

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Misa Pasasalamat para sa Ika-18th Anibersaryo ng Dekreto ng Koronasyong Episcopal sa pangunguna ni Kanyang Kabunyian, Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect for the Section for First Evangelization and New Particular Churches and Former Bishop of Imus.







๐’๐€๐Š๐‘๐ˆ๐’ ๐๐ฎ๐จ๐ญ๐ž๐ฌBilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sakristan, inaanyayahan tayong higit pang palalimin ang ating pananampal...
16/08/2026

๐’๐€๐Š๐‘๐ˆ๐’ ๐๐ฎ๐จ๐ญ๐ž๐ฌ

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sakristan, inaanyayahan tayong higit pang palalimin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagninilay sa Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng ๐’๐€๐Š๐‘๐ˆ๐’ ๐๐ฎ๐จ๐ญ๐ž๐ฌ, hangad nitong mapalalim at mapangalagaan ang ating buhay espirituwal sa pagninilay sa Ebanghelyo ng bawat Linggo, at hayaang ito'y maging ating gabay sa bokasyon sa paglilingkod.

Para sa Ebanghelyo ngayong linggo, Mateo 15, 21-28 inaanyayahan namin kayong makiisa sa pagninilay kasama si ๐๐ซ๐จ. ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐€๐ซ๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐จ

PAGNINILAY:

Naalala ko noong ako ay bata pa, mahilig akong mangulit sa aking Nanay na bumili ng mga bagay na makapagpapasaya sa akin gaya ng laruan, libro at ng mga maliliit na imahe ng santo. Hindi ako titigil hangga't hindi pinagbibigyan ang aking gusto. May mga araw na ako ay iiyak pa para lang ibigay ang mga nais ko. At sa huli dahil sa kakulitan ko pinagbibigyan din naman ako. May mga pagkakataon din noong bata ako na hahagalpak ako sa iyak dahil mangungulit akong dumaan sa Simbahan galing sa palengke dahil nais kong makita ang imahe ni Mama Mary. Lagi akong nangungulit, lagi akong paulit-ulit at dahil doon pinagbibigyan ang nais ko.

Gaya ng ating ebanghelyo sa linggong ito, maririnig natin ang isang babae na taga Cananea na humihingi ng tulong sa Panginoong Hesus. Pilit niyang sinusundan at nagmamakaawang lumuhod sa Panginoon para pagalingin ang kanyang anak. Ngunit sa kakulitan ng babae, sinabihan ng mga alagad ang Panginoong Hesus na โ€œPagbigyan na Ninyo upang umalis". Sinubok siya ng Panginoon; hindi siya agad sinagot ni Hesus, para siyang tinanggihan ni Hesus, at hinarap niya ang pananalita ni Hesus. At sa huli ay pinagaling ng Panginoon ang kanyang anak.

Alam niyo, hindi agad sumuko ang babaeng taga Cananea para sa kanyang nais na pagalingin ang kanyang anak. Nangulit siya. Nagpakumbaba siya. Naghintay siya. Nanalig siya sa pag-asang nagmumula sa kanyang pananampalataya. Ang pangungulit ng babae ay nagkaroon ng bunga. Natupad ang kanyang hiling pero hindi siya nangulit upang inisin o hamakin ang Panginoon. Nangulit siya na may matibay na pag-asa at pananalig sa Kanya. Hinarap niya ang pagsubok dahil alam niyang sa huli ay sasagutin siya ng Panginoong Hesus.

"Ang Panginoon ay nagbibigay ng pagsubok hindi upang tayo ay sumuko, kundi upang tayo ay patatagin at maging matibay sa hamon ng buhay"

Maging tulad nawa tayo ng babaeng taga Cananea na hindi tumigil sa pananalig sa Diyos. Huwag nawa tayong mawalan ng pag-asa at umasa na sa kabila ng mga pagsubok, nariyan Siya handa tayong tugunin kahit minsan akala natin hindi na natin kaya.




16/08/2026

August 16, 2026 | Twentieth Sunday in Ordinary Time

The Celebration of Holy Eucharist for the Twentieth Sunday in Ordinary Time at Fatima Shrine to be presided by Rev. Fr. Julius R. De Sagun, Shrine Rector and Parish Priest.







16/08/2026

LIVE

15/08/2026

Ika-16 ng Agosto 2026 | Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon





15/08/2026

Ika-16 ng Agosto 2026 | Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon





๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฌ, ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐€๐ฅ๐ญ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌToday, we commemorate St. Tarcisius of Rome...
15/08/2026

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฌ, ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐€๐ฅ๐ญ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ

Today, we commemorate St. Tarcisius of Rome, the Patron Saint of Altar Servers. He was a young servant of God and a martyr who sacrificed his life to safeguard the Holy Eucharist. May his bravery, steadfast faith, and love for Christ serve as a guiding example for all of us to remain devoted followers of Christ.

May St. Tarcisius of Rome continue to inspire and guide each altar server as we pursue our ongoing journey of service and faith. Let his exemplary life motivate us to serve God with wholehearted dedication and to remain faithful to Christ in our daily endeavors.

๐’๐ญ. ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž, ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐€๐ฅ๐ญ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฉ๐ซ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฎ๐ฌ!




Address

Diocesan Shrine And Parish Of Our Lady Of Fatima Binakayan
Kawit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers-DSPOLF Binakayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry of Altar Servers-DSPOLF Binakayan:

Shortcuts

Share