24/05/2026
Sa aming minamahal na Obispo na si Msgr. Lito Castillo at kay Mrs. Analyn Castillo,
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod, pagmamahal, at paggabay sa aming komunidad dito sa Macalong Chapter, Kasibu. Hindi man naging madali ang inyong misyon, ipinakita ninyo ang tunay na halimbawa ng pagiging lingkod ng Diyos at mabuting katuwang ng sambayanan.
Habang kayo po ay aalis sa inyong kasalukuyang distino, dala-dala namin ang napakaraming alaala ng inyong kabutihan, malasakit, at inspirasyong iniwan sa bawat isa sa amin. Ang inyong mga salita ng pag-asa, panalangin, at pagtuturo ay mananatiling gabay sa aming mga puso.
Bagamat may lungkot sa inyong pag-alis, kami naman ay masaya sapagkat alam naming marami pa kayong taong mabibigyan ng inspirasyon at pagmamahal sa susunod ninyong destinasyon.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, at masaganang biyaya. Maraming salamat po sa lahat-lahat. Hindi namin kayo malilimutan.
Mula sa puso ng Macalong Chapter, Kasibu, Maraming salamat at mabuhay po kayo!