02/10/2024
Happy PASTOR'S APPRECIATION MONTH! Thank you for giving your life to the Lord and to the ministry! Your labor, sacrifices, and generosity for all of us. Thank you so much pastor. 🤍🫶🏻🥳
The Man behind the Pulpit.
Habang nasa gitna ka ng lungkot,
pagtatanong, pighati at takot
Mayroong isang tao na nakaalalay para sayo,
mayroong isang taong nakaluhod sa likuran mo
habang hinihingi sa Panginoon na Mas patatagin ka
At mas palakasin ka pa.
Mayroong isang tao na nagsasabi sayo
Na "Kaya mo pa yan, Andito lang ako."
Maaring hindi mo pa nakikita o nararamdaman sa ngayon, pero lagi mong tatandaan na ang Leader mo especially ang Pastor mo ay laging nasa likod mo sa Gitna ng mga labang nilalabanan mo, ipinananalangin na sana mapagtagumpayan mo 'yang dinaranas mo ngayon.
Kaya kapag nagtagumpay ka at nakaalis ka sa gitna ng bagyo mo, 'wag na 'wag mong kakalimutang magpasalamat sa Leader at Pastor mo na laging nasa Likuran mo. Hindi lang sila basta nasa likuran ng pulpit nagbabahagi ng Mga Salita ng Diyos, nasa likuran mo din sila, sinasamahan ka sa bawat pagbagsak at pagtatagumpay mo.
Huwag lang tayong tumingin sa mga taong nasa harap natin, pagtuunan din natin ng pansing i-appreciate at i-acknowledge ang mga taong nananatili sa likod natin sa lahat ng labang meron tayo.
Appreciate your Pastor and Leaders!