27/08/2026
If There Is No Way, There Is A Way Up
-Ptr Jonathan Jaboya
2 Chronicles 20:3,4 & 15
Nabahala si Jehoshafat at humingi siya ng patnubay kay Yahweh. Iniutos niya na mag-ayuno ang lahat ng mamamayan ng Juda. Nagtipun-tipon ang buong Juda upang humingi ng tulong kay Yahweh. Dumating sila buhat sa iba't ibang lunsod.
Sinabi niya, “Makinig kayo, Haring Jehoshafat, at kayong mga taga-Juda at Jerusalem. Ganito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: ‘Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob dahil sa maraming kaaway. Ang Diyos ang makikipaglaban at hindi kayo.
———— ————— ————-
Mga kapatid, may mga pagkakataon sa buhay na pakiramdam natin ay wala nang paraan. Parang sarado na ang lahat ng pinto at wala na tayong mapuntahan.
Nang mapalibutan si Haring Josaphat ng napakaraming kaaway, natakot siya. Pero ang una niyang ginawa ay hindi ang umasa sa sariling lakas, hinanap niya ang Diyos. Siya ay nag-ayuno, nanalangin, at humingi ng tulong sa Panginoon.
At sinabi ng Diyos:
Ang laban na ito ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos.
Mga kapatid, kapag tayo ay natatakot, ang una nating hanapin ay ang Diyos. Kapag wala na tayong makita na daan, huwag tayong sumuko. Tumingala tayo, dahil if there is no way, there is away up.
Tayo ay mga sundalo ng Panginoon, ngunit hindi lahat ng laban ay kailangan nating ipaglaban sa sarili nating lakas. May mga laban na kailangan nating ipanalangin, ipagkatiwala, at purihin ang Diyos.
Tulad nina Paul at Silas, habang sila ay nananalangin at nagpupuri sa gitna ng kanilang pagkakakulong, kumilos ang Diyos at nakalas ang kanilang mga gapos.
Kaya kung ikaw ay nanghihina, may pinagdadaanan, may karamdaman, o pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, huwag kang matakot. Lumapit ka sa Panginoon.
Kapag wala nang way sa harapan, tumingala ka.
Kung wala nang daan, may daan pa rin, because there is always a way up.
Ang laban ay hindi sa atin. Ang laban ay sa Diyos.