Saint Vincent Ferrer Chapel - Lumang Nayon

Saint Vincent Ferrer Chapel - Lumang Nayon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Saint Vincent Ferrer Chapel - Lumang Nayon, Religious organisation, lumang nayon bagumbong, Jalajala.

17/01/2026

[ANUNSYO]

πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππ€ππ†πˆππŽπŽππ† 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒, 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 π’π€ππ†π†πŽπ‹

Sa ika-18 ng Enero, Linggo, ay ipagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Sto. NiΓ±o. Narito ang oras ng mga gawain sa ating Parokya:

7:00 AM - Banal na Misa
8:00 AM - Prusisyon

Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at dumalo sa mga nasabing oras.

Mga mahalagang detalye:
1. Maaring magsuot ng mga pulang kasuotan ang mga makikiisa sa mga gawain.
2. Maaring suotan ang mga batang my edad na 2 hangang 6 na taong gulang ng damit ng katulad ng sa Santo NiΓ±o.

VIVA PIT SEΓ‘OR!
VIVA SANTO NIΓ‘O!



17/01/2026

β€œSa ngiti ng bata, buhay ang pag-asa.” 🌈🀍

Ang mga bata ay biyaya ng Diyosβ€”sa kanilang kasiyahan, nasasalamin ang dalisay na pagmamahal, pananampalataya, at pagkakaisa ng komunidad. Sa simpleng laro at tawanan, nabubuo ang masasayang alaala na nagiging pundasyon ng kanilang pananampalataya.

Bilang tugon sa layunin ng simbahan na alagaan at hubugin ang kabataan, ang Parish Youth Ministry ay naghahandog ng isang masaya at makabuluhang pagtitipon para sa ating mga munting kaibigan.

Mga Detalye ng Gawain:
πŸ“ Lugar: Naglabas Chapel
πŸ“… Petsa at Oras: Enero 25, 2026 | 2:00 PM
πŸ‘¦πŸ‘§ Para kanino: Mga batang may edad 7–10 taong gulang

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa isang hapon na puno ng saya, laro, at pagkakaisaβ€”isang paalala na ang simbahan ay tahanan ng bawat bata.

Kung nais pong magbahagi ng simpleng handog tulad ng biscuits, candies, o munting giveaways, maaari po kayong makipag-ugnayan direkta sa mga youth volunteers o sa inyong youth chapel coordinators.

Sama-sama nating gawing espesyal ang araw na ito para sa ating mga kabataan. β›ͺ✨

11/01/2026

ππ€π†ππˆππˆπ‹π€π˜| Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon | Misa ng Pagbubukas ng Pinto ng Hubileyo

"Huwag mong sabihin na ika’y mahina o marupok; huwag mong sabihin na ako’y walang titulo, wala akong pwesto; huwag mong sabihin na kami’y mahirap lamang at malayo. Mga kapatid, ikaw ang gusto ng Diyos: yung mahirap, yung malayo, yung mga pangkaraniwan, yung ordinaryo. Ikaw ang kailangan ng Diyos. At ika’y kanyang lalapitan, ipapakilala, at mga kapatid, may pagpapala na darating sa atin.”

οΏΌ-Lub. Kgg. Ruperto C. Santos
Obispo ng Antipolo


11/01/2026
08/01/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐒𝐧𝐠, 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐧π₯𝐚π₯πšπ€π›πšπ²!

Sa darating na ika-11 ng Enero ay ang simula ng pagbubukas ng peregrinasyon sa ating Dambana bilang isa sa mga Jubilee Voyage Churches sa Diyosesis ng Antipolo, ito ay bilang pagdiriwang ng ika-400 taon ng pagdating at ika-100 taong Anibersaryo ng Koronasyong Kanonikal ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Mula sa Parokya ni Sta. Faustina Kowalska , kami ay nag-aanyaya sa lahat ng deboto at manlalakbay na makiisa sa isang makasaysayang paglalakbay. Tayo'y sama-samang maglakbay sa Daan ng Pag-ibig, isang banal na pagninilay at debosyon.

Ang banal na Pagdiriwang ay pangungunahan ng ating mahal na Obispo Lubhang Kagalang-galang Ruperto C. Santos, D.D.

Tayo'y sama-samang maglakbay, na may puso at isipan na punung-puno ng pag-asa at debosyon.






08/01/2026

[PAANYAYA]

πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππŽπŽππ† 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒 ππ€π™π€π‘π„ππŽ | Enero 9, 2026

Sa darating na ika -9 ng Enero , ipinagdiriwang natin ang Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno, bilang pakikiisa narito ang mga oras ng ating gawain:

4:00 PM - Banal na Misa (Matapos ng Banal na Misa, isasagawa ang pagbabasbas sa mga dalang imahen ng mga parokyano)

5:00 PM - Prusisyon ng Imahen ng Mahal na Poong Nazareno

7:00 PM - Munting Salo-salo

Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa gawaing nabanggit at sama-sama tayong magdasal at magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Poong Hesus Nazareno.

VIVA POONG HESUS NAZARENO, VIVA!



06/01/2026

WE ARE RECRUITING!

MINISTRY OF ALTAR SERVERS

"Even as the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many."
- Matthew 20:28

Being an altar server is more than just assisting at Mass; it's a calling to serve God with humility, discipline, and devotion. It teaches responsibility, teamwork, and reverence for the sacred mysteries, reminding us that even the simplest tasks at the altar are acts of love for Christ.

We would just like to advise you to join the altar server ministry with sincerity and from the heart, because serving God is an important responsibility that we must truly commit to and stand by.

REQUIREMENTS:
β€’ Male
β€’ Birth Certificate
β€’ Baptismal Certificate
β€’ First Holy Communion certificate
β€’ Residents Under St. Faustina Kowalska Parish
β€’ 9 years old and above

For More Information Kindly Contact our page or
Contact:

Coordinator:
Facebook: Jared Escarmosa

Vice Coordinator:
Facebook: Kyle Mendoza

Be one of us, Be an Altar Server!

"Natapos rin ang siyam na araw ng simbang gabi~"Lubos po naming pinasasalamatan ang mga nagsponsor para sa ating banal n...
23/12/2025

"Natapos rin ang siyam na araw ng simbang gabi~"

Lubos po naming pinasasalamatan ang mga nagsponsor para sa ating banal na misa mula sa una hanggang ika huling araw ng misa de gallo. Maraming salamat din po sa mga tumulong mula umpisa hanggang dulo. Taos puso po ang pasasalamat ng mga lingkod ng Kapilya ni San Vicente Ferrer. ❀️

Address

Lumang Nayon Bagumbong
Jalajala
1990

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Vincent Ferrer Chapel - Lumang Nayon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share