God's Glory Church - Jala-jala

Directions

God's Glory Church - Jala-jala Full Gospel (GGC Binangonan Outreach)

Message: Pamumuhay sa Presensya ng DiyosScripture: Awit 27:4Ang pamumuhay sa presensya ng Diyos ay nangangahulugang pala...
21/09/2026

Message: Pamumuhay sa Presensya ng Diyos
Scripture: Awit 27:4

Ang pamumuhay sa presensya ng Diyos ay nangangahulugang palaging naghahanap, pinagkakatiwalaan, at umaasa sa Kanya sa bawat sitwasyon ng buhay.

Kapag kasama natin ang Diyos, tayo ay ginagabayan, minamahal, pinalalakas, at hindi kailanman nag-iisa. Ngunit kapag namumuhay tayo nang hiwalay sa Kanyang presensya, maaari tayong makaramdam ng kalungkutan, pagkaligaw, panghihina, at kawalan ng katiyakan.

Paano Mamuhay sa Presensya ng Diyos?

1. Hanapin ang Diyos Araw-araw โ€“ Awit 27:4
(Gawin nating pangunahing bahagi ng ating buhay ang paglapit sa Diyos, pananalangin, at pakikinig sa Kanyang Salita.)

2. Umasa at Magtiwala sa Diyos โ€“ Awit 27:1
(Sa halip na harapin ang lahat nang mag-isa, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga takot, problema, at pangangailangan.)

Encouragement:

-Hindi natin kailangang dalhin nang mag-isa ang lahat ng ating mga pasanin. Hindi natin kailangang magkaroon ng lahat ng bagay na iniaalok ng mundo. Ang pinakamahalaga ay ang pamumuhay sa presensya ng Panginoon.

-Sa pamumuhay sa presensya ng Diyos, nararanasan natin ang lakas, katapatan, pagtitiis, kagalakan, at higit sa lahat, tagumpay.

Paalala โ€“ 1 Pedro 5:7
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

โ€Ž

๐™Ž๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฎ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™ซ๐™ž๐™˜๐™šโ€Ž
15/09/2026

๐™Ž๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฎ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™ซ๐™ž๐™˜๐™š

โ€Ž

Message: Jesus or the World? Scripture: Lucas 9:23Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang itinatanggi natin ang saril...
07/09/2026

Message: Jesus or the World?
Scripture: Lucas 9:23

Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang itinatanggi natin ang sarili, pinipili ang kalooban ng Diyos kaysa sariling kagustuhan, at natututong magmahal at maglingkod sa iba. Pasanin natin ang ating krus araw-araw sa pamamagitan ng patuloy na pagsuko sa Diyos at pagtalikod sa kasalanan at sariling kaginhawaan. Higit sa salita, sundin natin si Cristo sa gawa at pamumuhayโ€”maging tunay na alagad, magmahal at maglingkod tulad Niya, at laging umasa sa Diyos.

Encouragement:
Piliin si Jesus araw-araw, talikuran ang sariling kagustuhan, at mamuhay bilang tunay Niyang tagasunod.

Message: Lubos na Nakatalaga kay CristoScripture: Galacia 2:20Ang pagiging fully committed kay Cristo ay nangangahulugan...
05/09/2026

Message: Lubos na Nakatalaga kay Cristo
Scripture: Galacia 2:20

Ang pagiging fully committed kay Cristo ay nangangahulugang buong buhay nagtitiwala sa Kanya.

- Lubos na Pagsuko (Lucas 22:42)
Handa nating isuko ang sariling kagustuhan at sundin ang kalooban ng Diyos.

- Lubos na Pag-aalay (Awit 37:5)
Ipinagkakatiwala natin sa Diyos ang ating buhay, mga plano, at kinabukasan.

- Lubos na Pagtitiwala (Kawikaan 3:5-6)
Hindi tayo umaasa lamang sa sariling pang-unawa, kundi nagtitiwala sa gabay ng Diyos.

Ang taong tunay na nakatalaga kay Cristo ay:
1. May malinaw na layunin.
2. Tinutupad ang kanyang salita.
3. Nananatiling consistent sa pananampalataya.
4. Hindi sumusuko sa gitna ng pagsubok.
5. Patuloy na lumalago sa kanyang relasyon sa Diyos.

Encouragement:
Ipagpatuloy natin ang pagiging committed kay Cristo hindi lamang sa pagsasabi na tayo ay kay Cristo, kundi maipakita ito sa araw-araw na pagsuko, pag-aalay, pagtitiwala, pagsunod, at patuloy na paglago sa Kanya.

Topic: Remaining in FaithfulnessScripture: 1 Corinthians 4:2Ang pagiging tapat sa Diyos ay nangangahulugang patuloy tayo...
17/08/2026

Topic: Remaining in Faithfulness
Scripture: 1 Corinthians 4:2

Ang pagiging tapat sa Diyos ay nangangahulugang patuloy tayong nagtitiwala sa Kanyang Salita at ginagawa ang Kanyang kalooban, anumang sitwasyon ang ating kinakaharap.

1. Maging tapat sa Kanyang Salita (Josue 1:8)
โ€“ Basahin upang malaman ang Kanyang sinasabi, pagbulayan upang manatili sa ating puso at isipan, at sundin upang maisabuhay ito.

2. Maging tapat sa ministeryo (1 Corinto 2:1-5)
โ€“ Maglingkod nang buong puso at may kababaang-loob, hindi para sa sariling karangalan kundi upang maipahayag ang kapangyarihan at katapatan ng Diyos.

3. Maging tapat sa panahon ng paghihirap (2 Timoteo 2:3-4)
โ€“ Manatiling matatag kahit may pagsubok. Ang tunay na katapatan ay hindi nakadepende sa ginhawa o magandang kalagayan.

Encouragement:
Manatili tayong tapat kahit walang nakakakita, kahit mabagal ang resulta, at kahit walang kumikilala sa ating ginagawa. Patuloy tayong maging tapat dahil ang lahat ng mayroon tayo ay nagmula sa Diyos, at tayo ay mga katiwala lamang ng Kanyang ipinagkatiwala sa atin.

โ€Ž

๐“‘๐“ฒ๐“ซ๐“ต๐“ฎ ๐“ข๐“ฝ๐“พ๐“ญ๐”‚
08/07/2026

๐“‘๐“ฒ๐“ซ๐“ต๐“ฎ ๐“ข๐“ฝ๐“พ๐“ญ๐”‚

Address

Purok 3 Sitio Silangan, Palay-palay
Jalajala
1990

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God's Glory Church - Jala-jala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share