04/12/2019
Lightning up of Christmas tree in San Agustin Parish.
12/4/19
Kasabay ng pagsindi ng mga ilaw na ito, nawa'y sumiklab rin ang tunay na kahulugan ng pasko sa ating puso- ang magbigayan at magmahalan...
Kung mapapansin niyo po ay may nakasabit na parol sa ating christmas tree. Sa unang tingin ay mukhang hindi pa ito tapos. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mapupuno natin ito ng parol. Sa halagang 100 pesos, magkakaroon na po tayo ng parol na pwedeng isabit dito. Maari po tayong lumapit sa San Agustin Parish office para dito. Ang perang malilikom ay mapupunta sa "Bahay Kalinga Project" ng San Agustin Parish. Ang mga parol na isasabit dito ay simbolo ng pagbibigayan at pagmamahal natin.
Maraming salamat po sa suporta. ⭐