10/05/2026
Ang pagiging ina ay hindi madali. Maraming sakripisyo, pagod, puyat, at luha ang kaakibat nito. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy na nagbibigay ang mga ina ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Ang pagmamahal ng isang ina ay tunay na larawan ng pag-ibig ng Diyosโmapagpatawad, mapagtiis, at walang hanggan.
Minsan hindi natin napapansin ang mga simpleng ginagawa nila araw-arawโang pag-aalaga, pag-aalala, at walang sawang paggabay. Ngunit kapag tayo ay nanghihina o nawawala ng pag-asa, si Mama ang isa sa unang nandiyan upang magbigay lakas at inspirasyon.
This Motherโs Day, let us take time to appreciate and thank our mothers not only through gifts but through love, respect, and gratitude. Iparamdam natin sa kanila na mahalaga sila at hindi nasasayang ang lahat ng kanilang sakripisyo.
Tunay ngang ang puso ng isang ina ay tahanan ng pagmamahal, pag-asa, at biyaya.
Happy Motherโs Day sa lahat ng ilaw ng tahanan! ๐๐ซถ