03/05/2026
𝐒𝐀𝐊𝐑𝐈𝐏𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 '𝐃𝐈 𝐏𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀
Preacher | 𝑃𝑡𝑟. 𝑅𝑎𝑢𝑙 𝑆𝑎𝑙𝑑𝑖𝑣𝑎𝑟
Nasusulat sa libro ng Lukas ang kwento ng isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico pero hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan.
At nagkataong dumaan doon ang isang saserdote pero nang makita siya ay lumihis lang ito at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan rin ang isang Levita pero gaya ng nauna ay tinignan lamang siya't nagpatuloy sa lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na dumaan doon, nakita siya at ito'y nahabag sa kaniyang kalagayan.
At ang nasusulat pa na ang mga sugat niya'y binusan ng langis at alak, at tinalian. Isinakay sa sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Dumukot ng dalawang denaryo at binigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘𝐴𝑙𝑎𝑔𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑘𝑎𝑛𝑜 𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑘𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛, 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑟𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑙𝑖𝑘.’
Kung paanong nahabag ang mabuting Samaritano sa taong iyon, tayo'y mahabag rin sa kalagayan ng mga taong hindi pa nakakikilala sa Panginoon.
Just like what that traveler from Jerusalem, we have once lost our identity. The enemy had stolen our identity to the Lord, was beaten, and was considered dead—but God made a way!
Mayroon at mayroong gagamitin ang Diyos na tao bilang instrumento kung bakit ka makakalapit at makakakilala sa Kaniya.
Maybe you're that very Samaritan traveler, and God is just waiting for you to act upon your faith. To step into your calling—to be a willing vessel for His glory. So, let us have mercy to the lost, to the broken, to the beaten.
The preachings and teachings that we learned and heard from church doesn't end inside the church. Go forth and preach the Gospel of Christ! Sapagkat ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa.