17/08/2026
💁Ang pagiging Christian ay hindi natatapos sa
👉pagtanggap kay Jesus.
👌Ang pagtanggap kay Jesus ay simula pa lamang ng ating buhay bilang Kristiyano, hindi katapusan.
👌Kapag tinanggap natin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, tinatawag tayo na patuloy na sumunod, matuto, magbago, at lumago sa Kanya.
💁Hindi sapat na sabihin nating:
👉“Christian ako dahil tinanggap ko si Jesus.”
💁Ang tanong ay:
👉“May pagbabago ba sa buhay ko simula nang tanggapin ko si Jesus?”
💁Kaya hindi porke matagal ka nang nagsisimba, marami ka nang alam na Bible verses, o matagal ka nang nasa ministry ay ibig sabihin mature Christian ka na.
👌Spiritual maturity is not measured by how long you have been a Christian, but by how much Christ has changed your life.
💁May mga Christian na matagal na sa church pero baby pa rin spiritually.
💁At may mga bagong believer na mabilis lumago dahil seryoso silang sumunod kay Jesus.
💁DAHILAN BAKIT KAHIT MATAGAL NA SA CHURCH, BABY O IMMATURE CHRISTIAN PA RIN.
❇️HEARING WITHOUT OBEYING
💁Maraming preaching ang naririnig, maraming Bible verses ang alam, pero hindi isinasabuhay.
📖 San.1:22
“Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.”
💁Hindi sapat na alam natin ang Salita ng Diyos;
👌kailangan itong makita sa buhay natin.
🫰Knowledge without obedience produces information, not transformation.
❇️ATTENDANCE WITHOUT TRANSFORMATION
💁Regular sa church pero walang pagbabago sa attitude, character, at lifestyle.
💁Pwedeng present ang katawan, pero hindi surrendered ang puso.
👌Church attendance can put you in the church, but only a surrendered heart allows Christ to transform you.
❇️EMOTIONS OVER OBEDIENCE
💁Mas pinapairal ang sariling feelings o emosyon kaysa sa pagsunod sa Diyos at sa Kanyang Salita.
💁Halimbawa:
👉 Ang sabi sa Salita ng Diyos sa
📖Tito 3:2 — “...huwag manira kaninuman, maging mahinahon at laging magpakita ng kabaitan sa lahat.”
💁Emotion natin
👉Galit ako, kaya sasabihin ko ang gusto kong sabihin.
👉Ang sabi sa Salita ng Diyos
📖Efeso 4:32—"..Magpatawad kayo sa isa’t isa, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.”
💁Emotion natin
👉Nasaktan ako, kaya hindi ko siya patatawarin.
💁Ang immature Christian ay madaling kontrolin ng emotions.
❇️REFUSAL TO RECEIVE CORRECTION
💁Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi lumalago ang isang Christian ay ayaw magpa-correct.
👉 Correction is not rejection. Correction is an opportunity for growth.
📖Kaw.12:1
"Ang ayaw tumanggap ng saway ay mangmang, ngunit ang tumatanggap ng saway ay matalino."
💁Ang Christian na ayaw magpa-correct ay mananatiling baby dahil hindi niya hinahayaan ang Diyos na baguhin ang kanyang character.
❇️UNFORGIVENESS AND BITTERNESS
💁Hindi lalago ang character kung patuloy nating kinikimkim ang sama ng loob.
💁Matagal nang Christian pero dala-dala pa rin ang dating offense.
📖Col. 3:13
“Magpasensiya kayo sa isa’t isa at magpatawaran kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa iba. Magpatawad kayo tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.”
👌Ang unforgiveness ay parang pagkakulong sa sakit ng nakaraan; ang forgiveness ay pagpili na palayain ang puso at ipagkatiwala sa Diyos ang nangyari.
🫰Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang tama ang ginawa sa atin o kailangan nating hayaan ang isang tao na patuloy tayong saktan.
👌Ibig sabihin, pinipili nating bitawan ang paghihiganti at sama ng loob at ipaubaya sa Diyos ang hustisya.
❇️MORE FOCUSED ON MINISTRY THAN CHARACTER
💁Mas inuuna ng isang Christian ang kanyang ginagawa para sa ministry kaysa sa paghubog ng kanyang character kay Jesus.
💁Pwedeng active sa ministry, laging present, maraming ginagawa, at may position—
👌pero sa personal na buhay ay may problema sa attitude, humility, patience, forgiveness, self-control, at obedience.
📖 Gal. 5:22–23 —
"Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili."
👉 Hindi sapat na ginagamit ka ng Diyos sa ministry; dapat hinuhubog ka rin Niya sa character.
🫰God is not only interested in what we do for Him; He is also concerned about who we are becoming in Him.
❇️NO PERSONAL SPIRITUAL DISCIPLINE
💁Umaasa lang sa Sunday sermon.
👉Sunday → nakikinig.
👉Monday–Saturday → walang prayer, walang Bible, walang spiritual discipline.
👌You cannot grow spiritually by feeding your spirit only once a week.
❇️COMPARING INSTEAD OF GROWING
💁Imbes na tingnan ang sariling spiritual growth, laging ikinukumpara ang sarili sa iba.
👉“Mas okay naman ako kaysa sa kanya.”
💁Pero ang tamang comparison ay:
👉“Mas Christlike ba ako ngayon kaysa dati?”
💁Comparison makes us proud or discouraged, but growth makes us Christlike.
💁Kapag lagi nating tinitingnan ang ibang tao, maaaring hindi natin napapansin na humihinto na pala tayo sa sarili nating paglago.
📖 Gal.6:4 — “Suriin ng bawat isa ang kanyang sariling gawa…”
👉 Ang goal ng Christian life ay hindi maging mas magaling kaysa sa ibang Christian.
👉Ang goal ay maging mas katulad ni Jesus araw-araw.
💁Ang pagiging matagal sa church ay hindi automatic na maturity.
💁Maaaring 10 years ka nang Christian, pero kung pareho pa rin ang anger, pride, unforgiveness, attitude, at disobedience—
👌may area ng buhay na kailangan pang lumago.
👉 Spiritual maturity is measured by transformation—kung mas nakikita ba sa atin ang character ni Jesus.
💁Hindi lang dapat tayo tumatagal sa ating Christianity; dapat lumalago rin tayo sa character, faith, obedience, at likeness of Christ.