Cofradia De San Gregorio Magno - Indang

Cofradia De San Gregorio Magno - Indang Official page of Cofradia De San Gregorio Magno members - Indang, Cavite

Day 9 | Dalaw Patron San Gregorio Magno, Mataas na Lupa 🙏✨Sa ikasiyam na araw ng ating pagdalaw, sama-sama tayong magbig...
14/08/2026

Day 9 | Dalaw Patron San Gregorio Magno, Mataas na Lupa 🙏✨

Sa ikasiyam na araw ng ating pagdalaw, sama-sama tayong magbigay-pugay at manalangin sa karangalan ni San Gregorio Magno. Nawa’y patuloy niya tayong gabayan sa pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa.

San Gregorio Magno, ipanalangin mo kami. 🙏💙

🙏 DALAW PATRON – DAY 10 🙏Sa patuloy nating paglalakbay sa pananampalataya, buong galak nating tinanggap ang pagdalaw ng ...
14/08/2026

🙏 DALAW PATRON – DAY 10 🙏

Sa patuloy nating paglalakbay sa pananampalataya, buong galak nating tinanggap ang pagdalaw ng ating patron na si San Gregorio Magno sa Brgy. Bancod. ❤️

Nawa’y patuloy tayong gabayan ni San Gregorio Magno sa landas ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa ating kapwa.

San Gregorio Magno, ipanalangin mo kami! 🙏✨

DAY 8 | DALAW PATRON 2026 🙏💙Patuloy ang ating masayang pagdalaw at pag-aalay ng panalangin sa ating mahal na Patron, San...
12/08/2026

DAY 8 | DALAW PATRON 2026 🙏💙

Patuloy ang ating masayang pagdalaw at pag-aalay ng panalangin sa ating mahal na Patron, San Gregorio Magno. Sa bawat barangay na ating nadadalaw, nawa’y maging daan ito upang higit nating mapalalim ang ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan bilang isang komunidad.

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at pakikiisa ng bawat pamilya sa Barangay Alulod. Sama-sama nating ipagpatuloy ang debosyon at paghahanda sa ating kapistahan. 🙏✨

Viva San Gregorio Magno!
Mabuhay ang Barangay Alulod! 🎉🙏

MGA  GAWAIN SA PAMIMINTUHO- August 13, 2026My Dear Hermanas, Hermanos,  Sobrinos and SobrinasNarito po ang schedule at i...
11/08/2026

MGA GAWAIN SA PAMIMINTUHO- August 13, 2026

My Dear Hermanas, Hermanos, Sobrinos and Sobrinas

Narito po ang schedule at individual assignments para sa gawain natin sa Huwebes, August 13, 2026
6 AM: Banal na Santo Rosaryo : hermana Mojica Bago
6:30 AM - Banal na Misa
Pangunahing Mag-aalay:
*hermana Rodil
*hermana Ayos


Pagkatapos ng Misa -
Pamimintuho kay San Gregorio
Mamumuno:
*hermana Austral
Magpapahayag ng
Ebanghelyo hermana Austral


Mamimili ng Pagbasa:
*H. Mojica Bago

Pag-awit:
LAHAT

Pakiusap pong muli: Mangyari pong kumuha ng inyong kapalit kung hindi po makakaganap.

Paalaala pong muli: Sa atin pong pagganap ng ating mga gawain para sa Mahal na Panginoong Diyos at maging sa habambuhay natin, nawa'y laging makita at madama sa ating pagkatao ang magagandang katangian at halimbawa ng ating pinipintuhong Patron San Gregorio Magno.

Marami pong salamat!

GOD BLESS us all!

🙏 DAY 7 | DALAW PATRON – BRGY. LIMBON 🙏Sa ikapitong araw ng ating Dalaw Patron, buong pusong tinanggap ng Brgy. Limbon a...
11/08/2026

🙏 DAY 7 | DALAW PATRON – BRGY. LIMBON 🙏

Sa ikapitong araw ng ating Dalaw Patron, buong pusong tinanggap ng Brgy. Limbon ang ating mahal na patron, San Gregorio Magno. 💚

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay ng pananampalataya, kababaang-loob, at paglilingkod sa kapwa. Hinihiling natin ang kanyang panalangin at pamamagitan para sa bawat pamilya at sa buong pamayanan. 🙏✨

San Gregorio Magno, ipanalangin mo kami!
Viva San Gregorio Magno! 💚🙏

Ang mga magigiting na miyembro ng Sobrinos ng Cofradía de San Gregorio Magno—umulan man o umaraw, ay patuloy na sumusuno...
11/08/2026

Ang mga magigiting na miyembro ng Sobrinos ng Cofradía de San Gregorio Magno—umulan man o umaraw, ay patuloy na sumusunod at naglilingkod sa ating mahal na Patron at hindi lamang naghahatid kundi nakikikahok din sa banal na misa🙏❤️

Batid natin na karamihan sa mga miyembro ng Cofradía ay may edad na.
Nauunawaan natin na may mga pagkakataong hindi na nila kayang makasama sa bawat prusisyon, lalo na kapag masama ang panahon o hindi na kinakaya ng kanilang pangangatawan.

Ngunit higit sa lahat, alam ni San Gregorio Magno ang lalim at katapatan ng kanilang debosyon. Sapagkat ang tunay na debosyon ay hindi nasusukat sa layo ng nilalakad, sa bilang ng prusisyong nadaluhan, o sa pisikal na presensya lamang.

Kahit nasaan man sila, dala nila sa kanilang puso ang ating mahal na Patron. Sa bawat panalangin, sa bawat pag-alala, at sa bawat tahimik na pagsamo, naroon ang kanilang walang sawang pagmamahal at pananalig kay San Gregorio Magno.

Kaya sa saludo din kami sa mga Hermanos at Hermanas ng Cofradía, maraming salamat sa inyong mga taon ng tapat na paglilingkod at debosyon. Kayo ang patunay na ang tunay na pagmamahal sa Patron ay hindi kumukupas sa paglipas ng panahon—bagkus, lalo itong tumitibay. ❤️🙏

Umulan man o umaraw, malayo man o malapit, ang pusong tunay na deboto ay laging nakasunod sa ating mahal na Patron.

Viva San Gregorio Magno! 🙏⛪❤️

DAY 6 | DALAW PATRON SAN GREGORIO MAGNO 🙏🏻🕊️  Brgy. KaytaposSa bawat barangay na  Iyong dinadalaw, nawa’y may pusong mul...
10/08/2026

DAY 6 | DALAW PATRON SAN GREGORIO MAGNO 🙏🏻🕊️ Brgy. Kaytapos

Sa bawat barangay na Iyong dinadalaw, nawa’y may pusong muling mapuno ng pananampalataya; sa bawat pamilyang Iyong tinatabihan, nawa’y manaig ang pagkakaisa, pag-asa, at pagmamahalan.

San Gregorio Magno, salamat sa paalala na ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa pananalangin, kundi sa pusong marunong magtiwala sa kalooban ng Diyos—lalo na sa mga panahong hindi natin nauunawaan ang Kanyang mga plano.

Sa ikaanim na araw ng Iyong pagdalaw, baunin nawa namin ang Iyong presensya bilang paanyaya na mas lumapit sa Diyos, mas magmahal, mas magpatawad, at mas maging matatag sa pananampalataya.

San Gregorio Magno, ipanalangin mo kami.
Nawa’y ang bawat pagdalaw ay maging daan tungo sa mas malalim na pananampalataya at mas matibay na pagtitiwala sa Diyos. 🙏🏻❤️

Viva San Gregorio Magno!
Viva! Viva! Viva! 🙏🏻⛪

DAY 5🙏 DALAW PATRON BUNA CERCA — 🙏Sa ika-5 na araw ng ating Dalaw Patron, patuloy tayong nagkakaisa sa panalangin at pan...
09/08/2026

DAY 5🙏 DALAW PATRON BUNA CERCA — 🙏

Sa ika-5 na araw ng ating Dalaw Patron, patuloy tayong nagkakaisa sa panalangin at pananampalataya. ❤️

Nawa’y maging daan ang bawat pagdalaw upang mas mapalalim ang ating debosyon, mapalakas ang ating pag-asa, at mapalapit ang ating mga puso sa Panginoon. ✨

Patuloy tayong manalangin, magtiwala, at maglingkod.
Viva, San Gregorio Magno🙏💙

GregorioMagno

🙏✨ DALAW PATRON | DAY 4 — BUNA LEJOS ✨🙏Sa ika-4 na araw ng ating Dalaw Patron, patuloy tayong naglalakbay nang may panan...
08/08/2026

🙏✨ DALAW PATRON | DAY 4 — BUNA LEJOS ✨🙏

Sa ika-4 na araw ng ating Dalaw Patron, patuloy tayong naglalakbay nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal. ❤️

Maraming salamat, Buna Lejos, sa mainit na pagtanggap at pakikiisa sa ating paglalakbay. Nawa’y patuloy tayong pag-isahin ng ating pananampalataya at gabayan ng ating Patron sa bawat hakbang. 🙏⛪

Viva San Gregorio Magno❤️

Address

Poblacion
Indang
4122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia De San Gregorio Magno - Indang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share