29/12/2024
December 29, 2024 | Feast of Holy Family
Ipinagdiwang ang banal na misa sa ating kapilya kaisa ang mga lingkod ng simbahan at ang ating kura paroko Fr. Samuel Lubrica.
At sinasabi sa ebanghelyo— gawin natin ang ating tungkulin sa pamilya bilang tatay, nanay, at anak. Gawin nating banal ang ating pamilya sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba ng sama-sama at buo. Iparamdam din natin sa bawat miyembro ng ating pamilya na sila ay "belong" sa pamilya na kanilang kinabibilangan upang hindi nila ito hanapin sa ibang tao o bagay. At ang pamilya din ay hindi lang natatapos sa loob ng tahanan kundi pati sa lipunan na ating kinabibilangan. Amen.
Have a blessed Sunday!