Cofradia de San Vicente Ferrer - Lumampong Halayhay Indang Cavite

Cofradia de San Vicente Ferrer - Lumampong Halayhay Indang Cavite Taong 1851 naging Visita, Septyembre 8, 1997 naging Pastoral Center, Marso 9, 1998 naging Quasi Parish, Ika 5 ng Abril 2011 naging ganap na Parokya. Aguinaldo).

Kasaysayan:Taong 1851 naging Visita (Tuklong) ng Parokya ng San Gregorio Magno ng Indang Cavite, Ika 8 ng Septyembre 1997 naging Pastoral Center, ika 9 ng Marso 1998 naging Quasi Parish, ika 5 ng Abril 2011 naging ganap na Parokya. SAINT VINCENT FERRER PARISH
Lumampong Halayhay, Indang Cavite
Feast Day: April 5

Parish Priest: Rev. Father Samuel D. Lubrica

HISTORY 1851 - 2011:

"Ang Kasaysayan ng Tuklong de San Vicente Ferrer"
Lumampong, Yndang, Cavite
Circa: 1851

Taong 1611 sa pamamahala ni Padre Angono Armano, S.J itinatag ang Visita ng Yndang (ngayon Indang) Cavite. Sa gabay ng Parokya ng Nuestra Senora de Candelaria, Silang, Cavite. Sa pamamahala ng mga Paring Heswita opisyal na natatag ang Visita ng Indang, bilang nagsasariling Parokya taong 1625. Bagamat nakagisnan ng Patron ng Indang ay si San Francisco de Xavier, hindi nagtagal ay pinalitan nila ito ng San Gregorio de Magno pinamahalaan ng mga paring heswita ang Parokya ni San Gregorio de Magno mula taong 1611 hanggang umalis ang huling paring heswita na si Padre Ignacio Monroy Sj noong ika 28 ng Mayo 1768. Mula Ika 1 ng Hunyo 1768 ang Parokya ng Indang ay pinamahalaan na ng mga Paring Filipino (Secular) sa pangunguna ni Padre Rafael de Ochoa, ang kanyang panandaliang pananatili ay sinundan ni Padre Juan Evaristo Cabrera na isa ring filipino pari hanggang taong 1819. Sinundan ng pangatlong filipino pari na si Padre Jose Diokno na siyang gumabay sa parokya ng Indang mula taong 1819 hanggang taong 1859 sa kanyang pananatili nakapagtatag ng mga simbahan tuklong sa mga iilang barrio pa noon na nasasakupan ng bayan Indang mula taong 1851. Sa kanyang pangangalaga sa simbahan ng Indang nai-lagay ang labing-limang larawan ng misteryo ng banal na Rosario na hanggang sa ngayon ay makikita na nakapalipot sa buong retablo ng Nstra. Snra del Santissimo Rosario na nasa kanang bahagi ng altar, naipagawa rin ang retablo sa kaliwang bahagi ng altar at naidambana ang larawan ng Pitong Arkanghel noong ika 10 ng Pebrero 1855. na siyang ika-lawang Patron ng Bayan ng Indang. Mula ika 10 ng Abril 1891 pinamahalaan naman ng mga Paring Dominicano ang Parokya ng Indang. sa Bisa ng Real Order Marso 9, 1849. Sa pangunguna ni Padre Bernardo Jayme, O.P. Hanggang naglingkod ang huling paring dominicano noong ika 15 Hunyo 1891 na si Padre Jose Compamanes, O.P. Noong ika 15 ng Hunyo 1891 hanggang sa kasalukuayan ay muling pinamahalaan ng mga Paring Secular (Filipino) ang parokya ng indang isa sa mga unang naglingkod ay si Padre Gregorio Aglibay, na naglingkod mula ika 15 ng Hunyo hanggang ika 5 Hulyo 1891 lamang. Mula ng mapaalis ang mga Paring Heswita sa Parokya ng Indang, taong 1768 ang Parokya ng Indang ay pinamahalaan na ng mga Paring Filipino (Secular), hinikayat ng mga paring secular ng parokya ng Indang na ang bawat isang barrio na nasasakupan ay magkaroon ng bawat isang tuklong. Upang maging mga visita nito. Sa pahintulot ni Padre Jose Diokno taong 1851 naitatag ang Tuklong sa Barrio Lumampong (ngayon Lumampong Halayhay) sa Patronato ni San Vicente Ferrer na sa una ay yari lamang sa pawid at kawayan na may sukat na 10 hanggang 15 quadrado metro lamang na dating nakatayo kung saan nakatayo ngayon ang malaking simbahan ni San Vicente Ferrer sa Lumampong Halayhay. Ang maliit na lote ng lupa ay ini-alay sa mahal na Patron San Vicente Ferrer ni Ginoong Antonio Aterrado na lihitimong anak ng Lumampong, at ang tuklong ay nanatili sa ganoong kalagayan sa matagal na panahon. Taong 1851 ng ibinigay ni Padre Jose Diokno ng parokya ng Indang ang Imahe ni San Vicente Ferrer upang maging patronato ng barrio na hanggang sa ngayon ay makikitang nakatayo at nakadambana sa simbahan nito sa Lumampong Halayhay. Si San Vicente Ferrer ay isang Dominicanong Santo, Pari, Predicator at Anghel ng Paghuhukom. Patron ng mga Magtatayo, Inhenyero, at konstruktor. Si San Vicente Ferrer ay kilalang Santo na mang-gagamot nakaka-alis ng barang, sinapian, nakakapagpalayas ng mga masamang espirito at higit sa lahat nakakagamot ng sakit ng kaluluwa at katawan

Noong taong 1896 ng sumapit ang Digmaang Pilipino laban sa Espanya, dahil sa pagiging liblib ng barrio ay naging tahimik na saksi ang Tuklong ni San Vicente Ferrer. Taong 1897 Pagkatapos magwagi sa labanan ang mga Katipunerong Magdalo sa Barrio Kaytapos, at pagkatapos tambangan ang mga sundalong Español sa tulay ng Binambangan sa Bayan ng Indang. dahil sa mga sunod-sunod na mga labanang ito. Panandalian pinagtaguan ang kagubatan at Tuklong ni San Vicente Ferrer ng mga Katipunerong Magdalo sa pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo. Dahil sa nakaambang paglusob ng mga sundalong Español, hindi nagtagal ay nagtungo sa Bayan ng Alfonso at nagtago sa Bayan ng Bailen (ngayon Gen. Naging tanggulan din ang Tuklong ni San Vicente Ferrer ng mga taga Lumampong ng magkaroon ng Pang-daigdigan Kolera, taong 1918 na kada araw ay maraming namamatay sa mga Barrio at mga karatig Bayan dahil sa mapamuksang sakit na ito,

Disyembre 1926 nasira ang tuklong ni San Vicente Ferrer dahil sa malakas na hangin dulo’t ng malakas na bagyo dahilan upang liparin ang lahat ng bubong nito na yari parin sa pawid at kawayan at sa tulong ng ilang mga karpinterong filipino muling naitayo ang Tuklong ni San Vicente Ferrer na mas matibay kaysa dati na yari parin sa kahoy at iilang-adobeng bato. Taong 1941 sa pag-sapit Ikalawang Digmaang Pang-daigdig dahil sa pagiging liblib ng Barrio naging taguan ang tuklong at iilang mga bahay ng mga kababaihan ng bayan ng Indang sa takot ng mga ito sa Hapon. Taong 1943 bukod sa Barrio ng Tambo at Guyam panandalian din pinagtaguan ang kagubatan at tuklong ng lumampong ng mga sundalong Guerilla sa pamumuno ni Pedro Villanuevo ng Barrio Buna laban sa mga Hapon. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig taong 1950 hanggang taong 1960 ng iminungkahi ng nakaupong Cabeza de Barangay at mga mamayan ng barrio na magpagawa ng tuklong na mas matibay, na siyang kapalit ng lumang simbahan at sa tulong ni Ginoong Abing Bucalan at mga mamamayan ng lumampong ay agad naipatapos ang tuklong ni San Vicente Ferrer. Taong 1970 ng ang bakanteng lote sa gawing paibaba ng tuklong na ngayon ay kinatitirikan na ng opisina ng parokya ay ginawang tanggapan ng Tinente del Barrio di nagtagal ay naging paaralang Pang-primarya ngunit ipinagiba ng ilipat ang Pamahalaang de Barangay sa gawing pailayang bahagi ng Barrio. Mga Taong 1975-1980 ng nagkabili muli ng mga pangunahing gamit na kinakailangan ng tuklong ni San Vicente Ferrer, sa mga taong din ito nakapagpagawa ng orihinal na Undas (Carosa) ni San Vicente Ferrer na yari sa mamahaling kahoy na Narra. Na siyang kapalit ng Undas de Balicat (pas-an). Taong 1990-1993 sa paunti-unti ay nagkaroon muli nang pagsasa-ayos ng Altar ng tuklong ni San Vicente Ferrer. Dahilan upang lalong maisaayos ang nag-iisang dambana ng Imahe ni San Vicente Ferrer ang tuklong nito sa barrio Lumampong Halayhay. Ang tuklong ni San Vicente Ferrer ay naging patuna’y kung paano kumilos ang biyaya ng Diyos sa pama’tnubay ng milagrosong patron San Vicente Ferrer. Ang Tuklong na yari sa pawid at kawayan ay naging simbahang bato. Ang milagrosong Imahen ni San Vicente Ferrer na galing sa mga paring secular ng Indang ay nanatiling nakatayo na kailanma’y hindi nasira ng Digmaan, Kalamidad, bagkus ay nanatiling tagapamagitan sa kanyang simbahan sa lumampong halayhay, mula taong 1851 hanggang sa taong kasalukuyan. "Mga Pangunahing Kaganapan sa Pagbuo ng Parokya ni San Vicente Ferrer'

Pagkatapos ng mahabang panahon ng panganagalaga ng Parokya ng San Gregorio Magno sa San Vicente Ferrer, bilang Tuklong nito Itinalagang Pastoral Center ang San Vicente Ferrer noong ika 8 ng Setyembre 1997 sa ilalim ng pamumuno ni Obispo Manuel E. Sobrebinas, si Reb Padre Lino N. De Castro ang naging taga pangasiwa at unang nagpasimula ng mga pagawaing Pangsimbahan. Nadeklarang Quasi Parish ang San Vicente Ferrer Pastoral Center, noong ika 9 ng Marso 1998 itinalagang unang Priest Administrator si Reb. Padre Joel L. Rosales at nagpatuloy sa pagpapatayo ng simbahan. Taong 2013 sa patnubay ni Reb. Padre Gilbert V. Nigoza, ikalawang Priest Administrator nabuo ang simbahan at ang iba pang mga pagawain ay naipatapos. Taong 2010 higit na nabigyang pansin ang akdang maging isang ganap na Parokya ang San Vicente Ferrer Quasi Parish sa pangangalaga at pag-gabay ni Reb. Padre Nestor P. Chavez PhD. Taong 2011 natamo ang opisyal na pahintulot at basbas na maitalaga bilang ganap na Parokya ang San Vicente Ferrer. Itoy sa pangangasiwa ng magiging unang Parish Priest na si Reb. Ang ika 5 ng Abril ang kapyestahan ni San Vicente Ferrer at dakilang araw ng Pagtatalaga bilang ganap na Parokya, Ito rin ang araw ng Pagtatalaga ng Simbahan bilang katangi-tanging simbahan ng Diyos sa pamumuno ng lubhang Kagalang-galang Obispo Luis Antonio G. Tagle,DD,STD. Obispo ng Diyosesis ng Imus.

Maligayang Dakilang KapistahanNUESTRA SEÑORA DELA ASUNCIONDe Maragondon. Ika 15 ng Agosto.Ang Cofradia de San Vicente Fe...
15/08/2026

Maligayang Dakilang Kapistahan
NUESTRA SEÑORA DELA ASUNCION
De Maragondon. Ika 15 ng Agosto.

Ang Cofradia de San Vicente Ferrer ng Parokya ng Lumampong Indang, Cavite ay nakikiisa sa pag-diriwang ng kapistahan sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Asuncion ng Maragondon, Cavite.

Viva! La Virgen!

PANALANGIN
O Mahal na Nuestra Señora de la Asunción,
Ina ng Diyos at aming mapagmahal na Ina,
lumalapit kami sa iyo nang may buong pagtitiwala. Turuan mo kaming mamuhay sa pananampalataya, sumunod sa kalooban ng Diyos, at maglingkod nang may kababaang-loob at pag-ibig.

Ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesukristo, upang kami ay pagkalooban ng lakas sa gitna ng aming mga pagsubok, kapayapaan sa aming puso, kalusugan sa aming katawan, at pag-asa sa bawat araw. Ingatan mo ang aming pamilya, ang aming bayan, at ang lahat ng nangangailangan ng awa at habag ng Diyos. Nawa'y sa iyong makapangyarihang pamamagitan, manatili kaming tapat sa aming pananampalataya hanggang sa makapiling namin ang Diyos sa Kanyang walang hanggang kaharian. Amen.

Mahal na Birhen ng Asuncion, Ipanalangin mo kami.

ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDADAmang Makapangyarihan,Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pu...
08/08/2026

ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD

Amang Makapangyarihan,
Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi, sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang Iyong utos na pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam.

Ang mga lindol, bagyo, pagbaha, tagtuyot, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, mapagmahal na Ama, at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ang aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin na kami’y gawing mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.

Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Birhen Ina, Nuestra Señora del Rosario,
Ipanalangin mo kami
Mapag-kalingang Pitong Arkanghel
Ipanalangin ninyo kami
Mahal na Patron San Vicente Ferrer
Ipanalangin mo kami!

Maligayang Kapistahan𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐙𝐌𝐀𝐍Tagapagtatag ng Orden ng mga Dominikano"Maikling kaugnayan ng mga Dominikano...
08/08/2026

Maligayang Kapistahan
𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐙𝐌𝐀𝐍
Tagapagtatag ng Orden ng mga Dominikano

"Maikling kaugnayan ng mga Dominikano
sa debusyon kay San Vicente Ferrer ng
Barrio ng Lumampong Indang, Cavite."

Si Santo Domingo, kilala rin bilang Domingo de Guzman, ay isang Espanyol na relihiyoso at banal na nagtatag ng Orden ng mga Mangangaral (O.P.) o mas kilalang mga Dominikano.

Sa pagdating at pamamahala ng mga paring Dominikano sa Parokya ng Indang sa bisa ng Real Order mula sa hari ng espanya noon Marso 9, 1849 at sa panahon ng panunungkulan ni Gobernadorcillo Alejandro de Ocampo naitatag ang Barrio Lomapong (Lumampong) na may Tuklong ni San Vicente Ferrer taon 1851. Bagamat noon Hunyo 20, 1859 dumating ang unang paring Dominikano sa Indang na si Fray Benito Rivas O.P. at nanatili ang mga Dominikano sa Parokya ng Indang hanggang taon 1891.

Sa pamamahala ng mga paring Dominikano nagkaroon ng malaking pag-babago sa straktura ng simbahan higit sa altar ng parokya ng Indang ganuon din sa impluwensya ng pamimintuho sa mga Santo Dominikano sa mga barrio isa sa mga patunay na naiwan ay ang debusyon kay San Vicente Ferrer sa Barrio ng Lumampong Indang.

Pananaliksik: Kier Jescint V. Landicho
Larawan: Peregrine Fidei

26/07/2026

‎𝘿𝙖𝙡𝙖𝙬 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙤𝙣𝙞𝙘𝙖 2026 | 𝙑𝙞𝙙𝙚𝙤 𝙝𝙞𝙜𝙝𝙡𝙞𝙜𝙝𝙩

‎Ngayong araw, Hulyo 25, 2026, ay isinagawa ang pagtanggap sa sandaling pagdalaw ng 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙄𝙢𝙖𝙝𝙚𝙣 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙤𝙣𝙞𝙘𝙖 𝘿𝙚 𝙅𝙪𝙡𝙪𝙜𝙖𝙣 sa ating parokya.

Narito ang isang maikling video highlight sa pagtanggap ng Imahen ni Santa Monica.




Ang pag-dalaw ni Santa Monica deJulugan ng Tanza, Cavite sa Parokyang San Vicente Ferrer Lumampong.Sa kauna-unahan pag-k...
26/07/2026

Ang pag-dalaw ni Santa Monica de
Julugan ng Tanza, Cavite sa Parokya
ng San Vicente Ferrer Lumampong.

Sa kauna-unahan pag-kakataon
dumalaw ang sambayanan ng Parokya
ng Julugan Tanza kasama ang Banal
na Relikya at Imahe ni Santa Monica
bilang pag-diriwang ng Ika 40 taon
Pag-kakatatag ng kanilang Parokya
sinalubong ng sambayanan ni San
Vicente Ferrer sa saliw ng tugtugin ng
karakol at nagbahaginan ng kasaysayan
at karanasan ang dalawang Parokya.

Katangi-tangi din ang araw na ito
sapagkat nagkatagpo ang dalawang
Relikya bahagi ng buto ni Santa Monica
at ni San Vicente Ferrer at sabay na
nanalangin at namintuho ang dalawang
Parokya.

Viva! San Vicente Ferrer!
Viva! Santa Monica de Julugan!

📸 Bro. John Joshua Perlas Avenido

UPDATE: Matagumpay na nasagawa ang DALAW SANTA MONICA SA PAROKYA NG SAN VICENTE FERRER at patungo na ang Mahal na Patron...
25/07/2026

UPDATE: Matagumpay na nasagawa ang DALAW SANTA MONICA SA PAROKYA NG SAN VICENTE FERRER at patungo na ang Mahal na Patrona sa Parokya ng SAN GREGORIO MAGNO! (Indang, Cavite)

VIVA SANTA MONICA DE JULUGAN!
VIVA SAN VICENTE FERRER!

NAGAGANAP: DALAW SANTA MONICA SA PAROKYA NG SAN VICENTE FERRERVIVA SANTA MONICA! VIVA SAN VICENTE FERRER!
25/07/2026

NAGAGANAP: DALAW SANTA MONICA SA PAROKYA NG SAN VICENTE FERRER

VIVA SANTA MONICA!
VIVA SAN VICENTE FERRER!

Ang napaka init na pagtanggap ng Parokya ni San Vicente Ferrer, Lumampong IndangDalaw Sta. Monica 2026 (Ikalawang Yugto)...
25/07/2026

Ang napaka init na pagtanggap ng Parokya ni San Vicente Ferrer, Lumampong Indang

Dalaw Sta. Monica 2026 (Ikalawang Yugto)
Bikaryato ng Pitong Arkanghel
July 25, 2026
La Sagrada Conversacion

Parokya ni San Vicente Ferrer, Lumampong IndangDalaw Sta. Monica 2026 (Ikalawang Yugto)Bikaryato ng Pitong ArkanghelJuly...
25/07/2026

Parokya ni San Vicente Ferrer, Lumampong Indang

Dalaw Sta. Monica 2026 (Ikalawang Yugto)
Bikaryato ng Pitong Arkanghel
July 25, 2026

La Sagrada Conversacion

Address

Lumampong Halayhay Indang Cavite
Indang
4122

Telephone

09228515047

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia de San Vicente Ferrer - Lumampong Halayhay Indang Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share