St. Gregory the Great Parish, Indang, Cavite

St. Gregory the Great Parish, Indang, Cavite Ito po ang opisyal na FB Page ng Saint Gregory the Great Parish at ng Quadricentennial Celebration

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Gregorio Magno sa ika-3 ng Setyembre 2016 ay pasimula na ng siyam (9) na taong paghahanda para sa ika-4 na sentenaryo (‘Quadricentennial’ o ika-400) ng pagkakatatag ng ating parokya na magaganap sa taong 2025.

‘PAMANA’ ang magiging kabuuang tema na susundan natin sa paghahandang ito. Maaaring isalarawan ang „pamana‟ bilang pagsasalin ng isang mahalagang bagay n

a ating pag-aari o tinataglay, at maibigay ito sa mga taong ibig nating makatanggap nito. Kadalasan ang „pinamamanahan‟ natin ay yaong mga taong labis nating iniibig o lubos nating pinagkakatiwalaan. Sa gayon, ang „pamana‟ ay hindi lamang isang „usaping legal‟ na tumutukoy sa „karapatan ng tao sa isang bagay o pag-aari na kanyang tinanggap mula sa nagpamana sa kanya. Sa malalim na pananaw, ang „pamana’ ay „isang biyayang malayang ipinagkaloob at nararapat
lamang na tanggapin ng may pagpapasalamat at kagalakan‟. Kaakibat ng biyayang ito ang „paggamit dito ayon sa habilin o kagustuhan ng nagkaloob.‟ Ang siyam na taong paghahanda ay magandang pagkakataonupang balikan ang mayamang kasaysayan at pamanang tinanggap ng ating parokya. Ang mga „pamanang‟ ito ay mga biyayang nagdulot ng kabutihan at naging daan upang mahubog ang ating bayan, ang ating kultura, at ang ating pagkatao at pananampalataya. Sa pagsapit ng ating „Ika-4 na Sentenaryo‟ adhikain nating maging “Sambayanang kumikilala, nag-iingat at naglilinang ng mga yamang pamana upang muling maipagkaloob at maging kapaki-pakinabang sa mga susunod pang salinlahi”.

Address

Poblacion 1
Indang
4122

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Sunday 9am - 11:30am

Telephone

+63464150211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Gregory the Great Parish, Indang, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Gregory the Great Parish, Indang, Cavite:

Shortcuts

Share