08/09/2025
𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇
Noong Setyembre 1, 2025 ay pormal na binuksan ang Panahon ng Paglikha o "Season of Creation. Isang ekumenikal na panahon para sa panalangin, pagmumuni-muni, at pagkilos para pangalagaan ang ating kapaligiran. Ang Panahon na ito ay magtatapos hanggang sa Kapistahan ni San Fransisco de Assisi sa Oktubre 4.
Ito ay isang pagkakataon para makapagnilay upang mas mapalapit tayo sa kalikhasan at kung paano tayo makikisangkot sa mga gawain na patungkol sa pagpapahalaga sa ating kapaligiran.
Nawa sa Taon ng Hubileyo ng pag-asa ay maging halimbawa tayo sa isa't-isa kung papaano at dapat na pangalagaan ang kapaligiran. Pag-asa ng ating Inang Kalikhasan. Isang Pag-asa na maaari nating maiPAMANA sa mga susunod pang henerasyon. Ipanalangin at magpatuloy tayo sa pag-asa na ang lahat ng ito'y magbubunga ng maganda para sa ating kinabukasan.
Tara na't magsama-sama, makisangkot, makibahagi bilang isang sambayanan na pinagbubuklod-buklod ni Kristo. Isang malaking mananampalataya na laging nagpupuri sa Diyos sa diwa ng Laudato Si'!