St. Francis Xavier Chapel, Buna Cerca, Indang, Cavite

St. Francis Xavier Chapel, Buna Cerca, Indang, Cavite Catholic chapel in Barangay Buna Cerca under the stewardship of the Saint Gregory the Great Parish

20/02/2026

๐๐š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ƒ๐จ๐ฅ๐จ๐ซ๐จ๐ฌ๐š

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Dalaw Dolorosa sa itinakdang petsa para sa inyong barangay:

Feb 20: Banaba Lejos
Kasamang barangay: Banaba Cerca at Kaytambog

Feb 27: Mahabang Kahoy Lejos
Kasamang barangay: Mahabang Kahoy Cerca at Kayquit

Mar 6: Buna Cerca
Kasamang barangay: Buna Lejos, Kaytapos

Mar 13: Mataas na Lupa
Kasamang barangay: Alulod, Limbon

Mar 20: Calumpang Cerca
Kasamang barangay: Calumpang Lejos, Agus-os, Bancod

Mar 27: Pob 1-4

Sama-sama tayong magnilay sa paghihirap ng Panginoon kasama ang Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati, at ialay ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan.

Nawaโ€™y maging daan ito ng paglalim ng pananampalataya at pagkakaisa ng ating pamayanan.

Maraming salamat po at nawaโ€™y pagpalain tayong lahat.

[May Misa po ng 5:00 ng Hapon mamaya pagkatapos ng pagsalubong sa Mahal na Ina ng Dolorosa]




Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday), simula ng banal na panahon ng Kuw...
17/02/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday), simula ng banal na panahon ng Kuwaresma โ€” isang panahon ng panalangin, pagninilay, at pagbabalik-loob sa Diyos.

Ang abo sa ating noo ay paalala ng ating kahinaan at panandaliang buhay, ngunit nagbibigay din ng pag-asa sa awa, kapatawaran, at panibagong simula mula sa Panginoon.

Oras ng Banal na Pagdiriwang:
โœ๏ธ 6:00 ng gabi

Halina at sama-sama nating simulan ang Kuwaresma nang may panalangin, pagsisisi, at pagtitiwala sa Diyos.

โ€œMagbagong-buhay at manalig sa Mabuting Balita.โ€ โ€”Marcos 1:15

Maligayang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes! Kasama ang ating mga kapatid na Pilipino at ang halimbawa ng panana...
10/02/2026

Maligayang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes!

Kasama ang ating mga kapatid na Pilipino at ang halimbawa ng pananampalataya ni San Francisco Javier, tayoโ€™y nagdiriwang nang may kagalakan, pananalig, at pagkakaisa.

Sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Mahal na Ina, tayoโ€™y inaakay kay Hesukristo, ang tunay na Manggagamot ng katawan at kaluluwa. Nawaโ€™y sa ating pananampalataya kay Hesus ay makatagpo tayo ng kagalingan, pag-asa, at bagong lakas sa paglilingkod sa kapwa.

Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin mo kami. ๐Ÿ™โœจ

08/02/2026

๐๐€๐Œ๐€๐๐€ ๐Ÿ’๐ŸŽ๐ŸŽ ๐’๐จ๐ฎ๐ฏ๐ž๐ง๐ข๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š

May mga pagdiriwang na hindi nagsisimula sa isang araw, kundi sa mahabang paghahanda at sama-samang pangarap. Ang PAMANA 400 ay bunga ng siyam na taong paglalakbay ng Parokya ng San Gregorio Magnoโ€”isang paghahandang hinubog ng panalangin, pananaliksik, at pakikilahok ng sambayanan.

Sa loob ng mga taong ito, muling binalikan ang kasaysayan ng parokya at pinagnilayan ang kahulugan ng pamana: ang pananampalatayang minana, ang kulturang pinagyaman, at ang pananagutang ipagpatuloy ang mga ito. Ang paghahanda ay hindi lamang para sa isang anibersaryo, kundi para sa mas malalim na pag-unawa sa ating pagkakakilanlan bilang sambayanan ni San Gregorio.

Ang taong 2025 ang naging rurok ng paghahandang itoโ€”isang taon ng masiglang gawain, makasaysayang programa, at sama-samang pagkilos. Dito naipamalas ang buhay na pamana sa pamamagitan ng mga gawaing panrelihiyon, pangkultura, at pangkomunidad na nagbuklod sa parokya at nagpanday sa diwa ng pagdiriwang.

Ang souvenir program na ito ay alay bilang alaala at patunay ng paglalakbay na iyonโ€”mula sa siyam na taong paghahanda hanggang sa mga kaganapan ng 2025. Higit sa lahat, ito ay paanyaya na ipagpatuloy ang kuwento: alagaan ang pamana, palalimin ang pananampalataya, at ihanda ang susunod na salinlahi para sa mga darating na taon. ๐Ÿ™

Amin pong ilalabas ang PAMANA 400 Souvenir Program sa Kapistahan ng Kamatayan ni San Gregorio Magno sa Marso 12, 2026 (na siya ring pagtatapos ng ating Quadricentennial Anniversary).

Para sa mga nagnanais maging bahagi ng makasaysayang paggunitang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng advertisement o kaya'y mensahe ng pagbati, maaari pong kumuha ng kopya ng solicitation letter sa Parish Office o mag- message sa Ministri sa Panlipunang Komunikasyon - St. Gregory the Great Parish upang malaman ang Sponsorship Packages.

Para naman sa mga nagnanais mag-PRE-ORDER ng kanilang sipi ng PAMANA 400 Souvenir Program, pumunta lamang po sa link na ito - https://forms.gle/P6KtNzZ7iD8mkb7u6.

Maraming salamat po at magkita-kita po tayo sa pagdiriwang ng Quadricentennial Closing. โค








02/02/2026

The Feast of the Presentation of the Lord is Monday, February 2nd. What aspect of the Feast of the Presentation of the Lord touches you the most deeply?

Tell us here, and we might include your response on At Home with Jim and Joy!

Learn more about the Presentation of the Lord and the Purification of Mary: https://missions.ewtn.com/seasonsandfeastdays/presentationofthelord/

NATIONAL BIBLE SUNDAYSa pagdiriwang ng National Bible Sunday, gayahin natin si San Francisco Javier na nagbigay ng buhay...
25/01/2026

NATIONAL BIBLE SUNDAY

Sa pagdiriwang ng National Bible Sunday, gayahin natin si San Francisco Javier na nagbigay ng buhay at oras upang ipalaganap ang Salita ng Diyos. Hayaang ang Banal na Biblia ang maging ilaw ng ating puso at gabay sa araw-araw. Buksan natin ito, basahin, at isabuhay ang kanyang mga aral.

Maligayang Kapistahan ng Banal na Musmos!Kasama natin si Sto. Niรฑo sa bawat sayaw ng pananampalataya.Tulad ni San Franci...
17/01/2026

Maligayang Kapistahan ng Banal na Musmos!

Kasama natin si Sto. Niรฑo sa bawat sayaw ng pananampalataya.

Tulad ni San Francisco Javier, nawaโ€™y matuto tayong sumunod, magtiwala, at mamuhay ayon sa mga aral ng Batang Hesus: may kababaang-loob, pagmamahal, at handang maglingkod.

Viva Seรฑor Sto. Niรฑo!

17/01/2026

๐๐ซ๐š๐ฒ๐ž๐ซ ๐ญ๐จ ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐‹๐š๐๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐จ๐ฉ๐ž

O Mary, mother of Jesus, who is our hope,
I place myself by your side at the foot of the cross of your Son. I am a pilgrim of Hope. My journey is full of despair and uncertainties. May I see in the sacrifice and outstretched arms of your Son the promise that our Savior is creating a better tomorrrow.

Enflame the fire of hope in my soul. Help me gain new strength and courage by looking to the future with a trusting faith. By your compassion, dispel my anxieties and fears, heal the sinful cravings and addictions of my wayward heart.
O Lady of Hope, amidst my desperation, defeat and desolation, allow my hope in your Son to be my shield and inspiration.

Let me bring Hope to the hopeless and assurance to the discouraged. On bended knees, let my prayer provide belonging when rejected, healing amidst sickness, serenity when troubled.

Let my hope be in your promise that in a little while the Lord shall hear my prayer for the compassionate heart of your Son is always moved by a sorrowful heart.

Dearest Lady of Hope, pray for us always. Amen.

Fr. Raymond Arre (October 12, 2022)

MALIGAYANG KAPISTAHAN, MAHAL NA BIRHENG MARIA, ATING INA NG PAG-ASA!Sa iyong piling, natututuhan naming manalig kahit sa...
16/01/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN, MAHAL NA BIRHENG MARIA, ATING INA NG PAG-ASA!

Sa iyong piling, natututuhan naming manalig kahit sa gitna ng hirap. Tulad ni San Francisco Javier, na buong tapang na naglakbay at naghandog ng buhay alang-alang sa pananampalataya, turuan mo rin kaming manatiling tapat sa Diyos, magtiwala sa Kanyang kalooban, at magpatuloy sa paglilingkod nang may pag-asa.

Mahal na Ina ng Pag-asa, ipanalangin mo kami.

Sa pagtatapos ng Panahon ng Pasko, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon. Ito ay isang paalala...
11/01/2026

Sa pagtatapos ng Panahon ng Pasko, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon. Ito ay isang paalala na ang kwento ng Pasko ay hindi nagtatapos sa sabsaban. Sa pagbaba ni Jesus sa tubig ng Jordan, ipinakita Niya ang kababaang-loob at ang Kanyang pakikiisa sa atin.

Ito rin ay paanyaya na balikan natin ang sarili nating binyag, na tayo ay minamahal na mga anak ng Diyos at tinatawag na mamuhay ayon sa pananampalataya.

Nawaโ€™y sa ating sama-samang pagdiriwang, matularan natin ang sigasig ni San Francisco Javier sa pagpapahayag ng Diyos sa ating komunidad, sa simpleng pamumuhay, at sa araw-araw na paglilingkod.

Address

Buna Cerca
Indang
4122

Opening Hours

4pm - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Francis Xavier Chapel, Buna Cerca, Indang, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share