Nuestra Señora del Pilar de Imus Coronada

Nuestra Señora del Pilar de Imus Coronada The Mother,The Queen, and The Patroness of the Diocese of Imus Canonically crowed last December 3,2012

02/12/2022

December 3: 10th year anniversary of Nana Pilar’s Canonical Coronation
(2012-20122)

𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎𝗢𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼 𝗜𝗺𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗮: Panalangin para ipag-adya sa mga kalamidad na dulot ng Bagyong Karding.+ Sa Ngalan ng Am...
25/09/2022

𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎

𝗢𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼 𝗜𝗺𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗮:
Panalangin para ipag-adya sa mga kalamidad na dulot ng Bagyong Karding.

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Oh Ma***ng Ina ng Diyos ang Birhen del Pilar ✨

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

22/09/2022
Ika-2 ng Febrero: Nuestra Señora de Candelaria
01/02/2021

Ika-2 ng Febrero: Nuestra Señora de Candelaria

Ika-3 Disyembre 2020: ika- 8 taon anibersaryo ng kanonikal na koronasyon ng Mahal na Birheng del Pilar ng ImusHalina’t a...
02/12/2020

Ika-3 Disyembre 2020: ika- 8 taon anibersaryo ng kanonikal na koronasyon ng Mahal na Birheng del Pilar ng Imus

Halina’t ating balik tanawan ang nangyari walong taon na ang nakalipas

NUESTRA SEŇORA DEL PILAR DE IMUS KINORONAHANG KANONIKAL
(Ulat ni Wency Camingay)

Isang maringal at makahulugang Koronasyong Kanonikal ang ginanap noong hapon ng ika-3 ng Disyembre sa Katedral ng Imus kung saan nakadambana ang imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus, Patrona ng Buong Diyosesis ng Imus sa pangunguna ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ng Arsobispado ng Maynila.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng paghahatid o Traslacion na pinangunahan ni Fr. Allan Valero, Kura Paroko ng Parokya ng Imus kasama ang imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus lulan ng karosa na nagagayakan ng mga sariwang bulaklak mula sa tahanan ng pamilyang Palma na siyang camarera nito patungo sa plaza at harapan ng katedral. Nagbigay ng Honor Salute ang mga Knights of Columbus ng buong Cavite habang sinasalubong ang pagdating ng imahe. Sa kanyang pagsalubong ay nagbigay ng panalangin si Cardinal Tagle samantalng naghuhulog naman ng confetti ang isang helikopter sa himpapawid.

Sumunod na ginanap ang prusisyon ng imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus sa harap ng Obispado patungo sa altar ng Katedral kasama ang mga Tagapaglingkod ng Diyakono, mga Pari mula sa lahat ng mga parokya ng buong lalawigan ng Cavite, Diyosesis ng Imus at Kardinal.

Matapos mailuklok sa gitna ng altar ang imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus ay sinimulan ni Cardinal Tagle ang Misa ng Pasasalamat at sa kanyang homilya ay kanyang pinahalagahan ang diwa ng pakikipagtipan ng Diyos sa kanyang mga simbahan at mananampalataya ayon sa ebanghelyo. Binigyang-diin niya ang pakikipagtipan ng Diyos sa Mahal na Birheng Maria na siyang nagdalantao kay Jesus upang maisilang at maging Tagapagligtas ng sandaigdigan.

Hindi napigilan ni Cardinal Tagle ang kanyang emosyon at siya ay napaluha ng kanyang balikan ang kanyang mga alaala sa bayan ng Imus bilang isang simple at ordinaryong bata hanggang sa kanyang paglaki hanggang sa siya ay ma-ordinahan bilang pari. Ipinahayag din niya ang iba’t ibang yugto ng kanyang pagiging pari hanggang sa pagiging obispo hanggang sa pagiging Kardinal ng Maynila na pawang nangyari sa mga buwan ng Oktubre at tinawag niya itong “Octobers of my Life”.

Inilahad ni Cardinal Tagle na minsang buwan din ng Oktubre noong siya ay Obispo pa lamang sa Diyosesis ng Imus ay pumasok siya sa loob ng katedral upang tingnan ang pag-aayos ng simbahan para sa piyesta kinabukasan. Nakalanghap siya ng hindi pangkaraniwang pabango. Kanyang hinanap sa iba’t-ibang sulok ng katedral ang pinagmumulan nito subalit hindi niya iyon nahanap. Kanyang tinanong ang mga nag-aayos ng bulaklak at nabatid niya na sila man ay naka-amoy din ng nasabing kakaibang kasamyuan na hindi nagmumula sa mga bulaklak na kanilang iginagayak. Noon naisip ni Cardinal Tagle ang Mahal na Birheng Del Pilar de Imus na nakaluklok sa kanyang altar sa gawing kaliwa ng katedral na tinatawag ding Nana Pilar ng kanyang mga deboto.

Matapos ang homilya ay binasa ni Monsignor George Morales ang bula mula sa Vatican na siyang nag-gawad ng pahintulot mula sa Santo Papa Benedicto XVI na idaos ang Kanonikal na Pagpuputong ng Korona sa Nuestra Seňora del Pilar de Imus, Diyosesis ng Imus, Lalawigan ng Cavite.

Inumpisahang dasalin ang Litanya sa Mahal na Birheng Maria at marahang ginanap mula sa pinto ng katedral patungo sa altar ang paghahatid ng ariola, korona ng Niňo Jesus at korona ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus na nakalagay sa mga unan na kulay asul na sinimulang ihatid nina Senador Ramon Revilla Jr. bilang kinatawan ng National Government, Gobernador Jonvic Remulla, kinatawan ng Lalawigan ng Cavite at Mayor Manny Maliksi, kinatawan ng Lungsod ng Imus. Ipinasa ang ariola at mga korona kina Gng. Ellen Palma-Sosa at pamilya na naghatid naman ng mga ito sa mga Pari sa unahan ng altar. Binasbasang muli ni Cardinal Tagle ang ariola at mga korona na una nang binasbasan sa Vatican ng Santo Papa Benedict XVI sa tulong nina Fr. Jose Quilong-quilong ng Ateneo de Manila at G. Ernest Escaler.

Habang inaawit ng Munting Tinig ng Katedral Choir ang Awit para sa Birheng Del Pilar ay sinimulan ni Fr. Allan Valero ang paglalagay ng ariola sa Mahal na Birhen sa gitnang itaas na bahagi ng altar. Sumunod ay kinoronahan ni Msgr. George Morales ang imahe ng Niňo Jesus na nasa kaliwang dibdib ng Mahal na Birhen at sinundan ng pagkokorona ni Luis Antonio Cardinal Tagle sa Nuestra Seňora del Pilar de Imus. Napuno ang loob at labas ng katedral ng masigabong palakpakan ng mga dumalo kasabay ang pagsigaw ng “Viva Nuestra Senora del Pilar”. Ininsensuhan ng kardinal ang imahe pagkatapos.

Ipinagpatuloy Cardinal Tagle ang misa matapos ang makahulugang seremonya ng pagkokorona sa Mahal na Birhen. Nag-alay din siya ng luwa na kanyang sinulat para sa Mahal na Birheng del Pilar noong siya ay obispo pa lamang. Umawit naman ng Ave Maria ang lahat ng mga paring dumalo habang nag-aalay ng bulaklak sina Fr. Sharkey Brown, Fr. Ryan Sasis at Fr. Romeo Ner. Nagpasalamat din si Fr. Allan Valero sa lahat ng mga tumulong upang matagumpay na maisakatuparan ang pagdiriwang.

Matapos ang misa ay muling inilagay ang imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus sa kanyang karosa at ginanap ang prusisyon ng mga Pari, kasama sina Bishop Pedro Arigo, Apostolic Vicar ng Palawan at Cardinal Tagle sa loob ng plasa. Matapos ito ay idinaos naman ang prusisyon ng bayan at nagkaroon din ng pagsisindi ng mga fireworks at pag-awit ng Salve Regina bago muling iluklok sa kanyang altar ang imahe.

Matatandaan na ang imahe ng Nuestra Seňora del Pilar de Imus ay isa sa mga kasamang Koronadang mga imahe ng Mahal na Birheng Maria sa buong Pilpinas sa Grand Ma***n Procession sa Intramuros, Manila na ginanap isang araw bago ang kanyang Koronasyong Kanonikal.

VIVA NUESTRA SEÑORA DEL PILAR DE IMUS CORONADA!!!!!!!!!!!!!

Our brothers and sisters in the faith are subjected to persecution on a daily basis. We want to make them known, and we ...
25/11/2020

Our brothers and sisters in the faith are subjected to persecution on a daily basis. We want to make them known, and we want to be in solidarity with them.

All people of all faiths should be be able to practice their beliefs without fear.

Red envokes the color of blood shed by millions of martyrs.

We call for the end of persecution of all Christians, Jews, Muslim, Buddhists and Hindus.

"Red Means Love: Red for the Sick, Red for the Frontliners, Red for our Persecuted Brothers and Sisters.





( picture credit to Mr. Glenn Inocencio)

Maligayang KapistahanNuestra Señora dela Soledad de Porta VagaReina de Cavite, Luz de FilipinasViva La Virgen!
08/11/2020

Maligayang Kapistahan
Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga
Reina de Cavite, Luz de Filipinas

Viva La Virgen!

Mga kuhang larawan ni G. Glenn Inocencio sa nakaraang pag diriwang ng pista ng Mahal na Birhen del PilarMahal na Birhen ...
13/10/2020

Mga kuhang larawan ni G. Glenn Inocencio sa nakaraang pag diriwang ng pista ng Mahal na Birhen del Pilar

Mahal na Birhen del Pilar
Aming tuwa at kalakasan
Ipanalangin mo kami.

Octubre 12: Kapistahan ng Ina, Reyna, at Patrona                              ng diyosesis ng Imus                     N...
12/10/2020

Octubre 12: Kapistahan ng Ina, Reyna, at Patrona
ng diyosesis ng Imus
Nuestra Señora del Pilar
“ Nana Pilar”

O kamahal-mahalang Inang Birhen del Pilar, haliging matibay ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos, lalong tumingkad ang liwanag ng araw ng itoy sumapiling mo ng ikaw tanglawan, lalong kuminang ang buwan ng itoy huwalik sa iyong talampakan, lalong kuminang ang mga bituin ng itoy gawing pamutong sa iyong ulo! tulungan mo kami't tingnan Ina ng Diyos del Pilar!

Sumigaw ka! Magalak ka! Sambayanang Kabitenyo!
Sa bundok mo at karagatan dakilain ang Panginoon!

Viva La Virgen!

Ilang kuhang larawan ni Bro. JM J M Fernandez Domingo sa katatapos pa lamang na Karakol/Motorcade para sa karangalan ng ...
11/10/2020

Ilang kuhang larawan ni Bro. JM J M Fernandez Domingo sa katatapos pa lamang na Karakol/Motorcade para sa karangalan ng Ina, Reyna, Patrona ng Diyosesis ng Imus, Nuestra Señora del Pilar.

Viva La Virgen!!!

Address

Nuestra Señora Del Pilar Parish And Cathedral
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Pilar de Imus Coronada posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share