Saint Martha Parish - Greengate Homes

Saint Martha Parish - Greengate Homes The Official page of
Saint Martha Parish - Greengate Homes

TUHOG NA BULAKLAK, SADYANG SALIT-SALIT, SA MAHAL MONG NOO'Y AMING IKAKAPIT!Ang Pagdiriwang ng Flores de Maria 2026 | May...
01/05/2026

TUHOG NA BULAKLAK, SADYANG SALIT-SALIT, SA MAHAL MONG NOO'Y AMING IKAKAPIT!

Ang Pagdiriwang ng Flores de Maria 2026 | Mayo 1-31, 2026

Araw-araw na Pag-aalay ng mga Bulaklak sa Mahal na Birhen

LUNES, MARTES, HUWEBES, AT SABADO
5:00 n.u. | Araw-araw na Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen
6:30 n.u. | Banal na Misa at Pag-aalay ng mga Bulaklak

MIYERKULES AT BIYERNES
4:00 n.h. | Araw-araw na Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen
6:00 n.g. | Banal na Misa at Pag-aalay ng mga Bulaklak

TUWING LINGGO
3:00 n.h. | Araw-araw na Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen
6:00 n.g. | Banal na Misa at Pag-aalay ng mga Bulaklak


28/04/2026

DEBOSYON TUWING MARTES ALAY KAY SANTA MARTA, ANG PATRONA NG GREENGATE HOMES, MALAGASANG SEGUNDO

Panalangin kay Santa Marta

O kahanga-hangang Santa Marta, ako ay lumalapit sa iyo taglay ang pag-asang akoโ€™y iyong sasaklolohan. Aliwin mo ako sa aking
mga alalahanin at paghihirap, buong kababaang-loob kong isinasamo sa iyo.

Buong galak mong tinanggap ang Manunubos sa inyong abang tahanan sa Betania, at ngayon ay aking hinihiling ang iyong pamamagitan para sa akin at sa aking mga mahal sa buhay, upang mapanatili namin ang Diyos sa aming mga puso, nang sa gayon ay maging karapat-dapat kaming tumanggap ng mga biyayang aming hinihiling, lalo na ang biyayang ito.

(banggitin ang kahilingan.)

Dumudulog ako sa iyo, o saklolo ng mga Kristiyano sa bawat pangangailangan, gabayan mo kami upang malampasan namin
ang mga paghihirap at sakit, at matularan ka nawa namin, na matagumpay na nagapi ang kasamaan. AMEN.

(1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati.)

O Martang matimtiman, kay Kristo kamiโ€™y ipamagitan!




๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—จ๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ž๐—ข | ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒNoong ika-18 ng Abril, isang masayang surprise birthday cel...
21/04/2026

๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—จ๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ž๐—ข | ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Noong ika-18 ng Abril, isang masayang surprise birthday celebration ang inihanda ng mga lingkod para sa ating minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr. Benjamin "Benjie" Francisco. Nagkaroon ng munting salu-salo at sayawan para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Maligayang kaarawan po, Fr. Benjie! Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong misyon ng paglilingkod.

20/04/2026

DEBOSYON TUWING LUNES ALAY SA ESPIRITU SANTO

PANALANGIN

Halina Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng mga nananalig sa Iyo at pag-alabin mo sa kanila ang apoy ng Iyong banal na pag-ibig.Ipadala mo ang Iyong Espiritu at silaโ€™y malilikha, at sa gayoโ€™y mapaninibago Mo ang mukha ng mundo.

Manalangin Tayo.

O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puso ng mga mananampalataya, Ipagkaloob mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwinaโ€™y magalak sa Kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa ng aming loob. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.




๐—ฆ๐—”๐—•๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ | ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIpinagdiwang ang Sabado sa Ikalawang Linggo ng Pasko n...
18/04/2026

๐—ฆ๐—”๐—•๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ | ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Ipinagdiwang ang Sabado sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Matapos ang Banal na Misa, masayang sinalubong ang kaarawan ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Benjamin โ€œBenjieโ€ Francisco. Sa isang payak na maรฑanita na inihandog ng mga lingkod, ipinahayag nila ang kanilang pagbati at taos-pusong pasasalamat sa kanyang tapat na paglilingkod sa Panginoon at sa Simbahan. Bilang tugon sa mga biyayang natanggap, nagkaroon din ng gift-giving ang Kura Paroko bilang tanda ng kabutihan at pasasalamat.

HAPPY BIRTHDAY  REV. FR. BENJIE ! ๐ŸŽ‰Parish Priest, St. Martha Parish | April 18Happy birthday to our beloved Parish Pries...
17/04/2026

HAPPY BIRTHDAY REV. FR. BENJIE ! ๐ŸŽ‰
Parish Priest, St. Martha Parish | April 18

Happy birthday to our beloved Parish Priest. Thank you, Fr. Benjie, for your "Yes" to the Lord and for walking beside us in our journey of faith.

For your guidance: We thank you.

For your prayers: We thank you.

For your presence: We thank you.

May the Lord shower you with blessings today and always. Happy Birthday from your St. Martha Parish Family


๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”(Ikalawang Bahagi)Narito ang mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ...
05/04/2026

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
(Ikalawang Bahagi)

Narito ang mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† na ginanap kaninang 4:00 ng umaga sa ika-05 ng Abril, 2026 sa Parokya ng Santa Marta, Greengate Homes, Malagasang II-A, Lungsod ng Imus, Cavite.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang Prusisyon ng Salubong upang gunitain ang pagkikita ng Mahal na Ina at si Hesus na muling nabuhay.

Ang mga kalalakihan ay nagmula sa Greenmark 1 Clubhouse dala ang imahen ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay, habang ang mga kababaihan naman ay nagmula sa Green Estate Phase 1 Clubhouse dala ang imahen ng Mahal na Birhen ng Kagalakan.

Nagtagpo ang dalawang imahen bilang sagisag ng muling pagkabuhay ni Kristo at ng kagalakang dulot nito sa sangkatauhan.

Sa kanilang pagkikita ay isinagawa ang luwa, isang awit ng papuri na inaawit ng isang batang anghel na nagpapahayag ng kagalakan sa muling pagkabuhay ni Kristo.




๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”(Unang Bahagi)Narito ang mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ...
05/04/2026

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
(Unang Bahagi)

Narito ang mga kuhang larawan mula sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† na ginanap ngayong ika-05 ng Abril, 2026 sa Parokya ng Santa Marta, Greengate Homes, Malagasang II-A, Lungsod ng Imus, Cavite.

Isinagawa ang Prusisyon ng Salubong ganap na ika-4:00 ng umaga, kung saan ang mga kalalakihan ay nagmula sa Greenmark 1 Clubhouse dala ang imahen ng Panginoong Muling Nabuhay, habang ang mga kababaihan naman ay nagmula sa Green Estate Phase 1 Clubhouse dala ang imahen ng Birhen ng Kagalakan. Nagtagpo ang dalawang prusisyon bilang sagisag ng muling pagkabuhay ni Kristo at ng kagalakang dulot nito sa sangkatauhan.




๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐†๐‹๐Ž๐‘๐ˆ๐€ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”(Ikalawang Bahagi)Narito ang mga kuhang larawan mula sa ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ...
05/04/2026

๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐†๐‹๐Ž๐‘๐ˆ๐€ | ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐ŸŽ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
(Ikalawang Bahagi)

Narito ang mga kuhang larawan mula sa ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† na ginanap kahapon, ika-04 ng Abril, taon 2026 sa Parokya ng Santa Marta, Greengate Homes Malagasang II-A.

Pinangunahan ito ng ating Kura Paroko na si Reb. Pad. Benjamin "Benjie" Francisco, kanyang isinagawa ang ritwal ng pagbabasbas ng Bagong Apoy na sumasagisag sa liwanag ni Kristo na pumaram sa kadiliman ng kasalanan. Mula sa apoy na ito ay sinindihan ang Kandilang Pampaskuwa na sagisag ng Panginoong Muling Nabuhay.

Kasunod nito ay ginanap ang Lucernarium at ang mga pagbasa sa Lumang Tipan na tumutukoy sa kasaysayan ng kaligtasan ng tao sa pamamagitan ni Kristo. Ginanap din ang pagpapanibago ng mga pangako sa binyag.

Para sa pagtatapos ay idinaos ang Banal na Eukaristiya na siyang rurok ng pagdiriwang.




Address

Narra Street , Green Gate Homes, Malagasang II-A
Imus
4103

Telephone

+639673585195

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Martha Parish - Greengate Homes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Saint Martha Parish - Greengate Homes:

Share