Our Lady of the Miraculous Medal ACM Chapel

Our Lady of the Miraculous Medal ACM Chapel The Official Page of Our Lady of the Miraculous Medal ACM Chapel. Serving God and His people through SHARED RESPONSIBILITY

16/08/2026

PISTANG ROQUE 2026

NAKABIHIS NA ANG ATING MAHAL NA PATRON SAN ROQUE! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng ating Mahal na Patron San Roque, nakasuot na ang ating Patron ng kanyang kasuotang pang-pista, na sumisimbolo sa ating masaya at maringal na pagdiriwang ng kapistahan.

Ang kasuotang ito ay buong pusong ipinagkaloob ng Gendibe-Martin Family bilang kanilang debosyon at handog sa ating Mahal na Patron.

Ang magandang kasuotan ay likha naman ni G. Jake Silvestre.

Taos-pusong pasasalamat sa inyong bukas-palad na pag-aalay at pagmamahal kay San Roque. Nawaโ€™y patuloy niyang ipanalangin at pag-ingatan ang bawat pamilya at pamayanan.

Viva San Roque!
Viva! Viva! Viva! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

DALAW PATRONA SA KOMUNIDADSimula na ng ating mga pagdiriwang bilang paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng ating ...
15/08/2026

DALAW PATRONA SA KOMUNIDAD

Simula na ng ating mga pagdiriwang bilang paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng ating Mahal na Ina at Patrona: ANG BIRHEN NG MEDALYA MILAGROSA!

Ang Dalaw Patrona ay hudyat ng pagsisimula ng FIESTA MILAGROSA ngayong taon.

Ang Mahal na Birhen ay iikot sa ating mga pamayanan upang ang mga mananampalataya ay maranasang malapitan, makahawak, makapagdasal, magpasalamat at humingi ng kahilingan sa ating Mahal na Ina.

Kaugnay nito, narito ang mga listahan ng mga Petsa at mga Komunidad para sa ating Dalaw Patrona ngayong taon.

Para sa mga nagnanais pang tumanggap sa ating Mahal na Patrona ay mangyaring makipag-ugnayan lamang sa opisina ng ating kapilya o i-pm ang ating page.

Halina't buong puso nating patuluyin ang ating Mahal na Patrona sa ating mga tahanan!

VIVA LA VIRGEN!



ISANG BAGONG PAG-ASA ANG DARATINGโ€ฆMay isang bagong presensya na malapit nang dumating sa ating kapilya... magiging bahag...
09/08/2026

ISANG BAGONG PAG-ASA ANG DARATINGโ€ฆ

May isang bagong presensya na malapit nang dumating sa ating kapilya... magiging bahagi ng ating debosyon at buhay-pananampalataya.

Sino kaya siya?

Abangan ang isang natatanging pagdating na tiyak na magiging makabuluhan sa ating sambayanan.

๐Ÿ”” ABANGAN.

ORATIO IMPERATA | PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN SA WALANG PATID NA ULAN AT PAGBAHASa gitna ng patuloy na pag-ulan, malak...
08/08/2026

ORATIO IMPERATA | PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN SA WALANG PATID NA ULAN AT PAGBAHA

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan, malakas na Hanging Habagat, at pagbaha sa ilang lugar, tayo ay inaanyayahang sama-samang manalangin para sa kaligtasan at kapayapaan ng ating mga pamayanan.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Makapangyarihang Ama, itinataas namin sa Iyo ang aming mga puso sa pasasalamat sa mga hiwaga ng Iyong nilikha na aming kinabibilangan, sa Iyong pagkakaloob na nagsusustento sa aming mga pangangailangan, at sa Iyong karunungan na gumagabay sa takbo ng sansinukob. Inaamin namin ang aming mga kasalanan laban sa Iyo at sa kabuuan ng Iyong nilikha. Hindi kami naging mabubuting katiwala ng kalikasan.

Dahil sa aming kamalian, ang kalikasan ay nagdurusa, at ngayoโ€™y aming tinatamasa ang bunga ng aming pang-aabuso at kawalang-pakialam. Dumating na ang matinding pag-init ng mundo. Sunod-sunod at lumalakas ang mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at iba pang kalamidad. Kamiโ€™y dumudulog sa Iyo, aming mapagmahal na Ama, at taus-pusong humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Idinadalangin namin na kami, ang aming mga mahal sa buhay, at ang mga bagay na aming pinaghirapan ay maligtas sa banta ng mga kalamidad, likas man o gawa ng tao.

Hinihiling namin na Iyong pukawin ang aming diwa upang kamiโ€™y lumago bilang tapat na katiwala ng Iyong nilikha, at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Amen.

Kristo, Maawa Ka sa amin.
O Maria, Birhen ng Medalya Milagrosa, Ipanalangin mo kami.

UPDATE | Kasalukuyang nagaganap ang Fiesta Motorcade ng ating Sentro Pastoral at binabaybay ang ACM Phase 9 at susunod n...
08/08/2026

UPDATE | Kasalukuyang nagaganap ang Fiesta Motorcade ng ating Sentro Pastoral at binabaybay ang ACM Phase 9 at susunod na tutunguhin ang kapilya ni San Agustin sa Alapan Primero.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Handa na ang Ina at Patrona ng sambayanan ng ACM 1 para sa kanyang paglahok sa Fiesta Motorcade bilang bahagi ...
07/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Handa na ang Ina at Patrona ng sambayanan ng ACM 1 para sa kanyang paglahok sa Fiesta Motorcade bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Poong San Roque.

Iikot ang motorcade sa mga komunidad at sambayanang nasasakupan ng ating Sentro Pastoral.

Ang lahat ay inaanyayahan na sumama bukas sa nasabing gawain. Ito po ay bukas sa kahit anong klase ng sasakyan. 6:00 AM ang assembly sa ating kapilya bago tumungo sa ating sentro pastoral ng 7:00 AM.

Magkita-kita po tayo at samahan natin ang ating Mahal na Ina!

01/08/2026

PAANYAYA SA PAGPAPABINYAG

Sa mga nagnanais na magpabinyag sa darating na **Kapistahan**, maaari na po kayong magpatala sa ating **Tanggapan ng Sentro Pastoral ng San Roque** hanggang **Agosto 14, 2026 (Biyernes)**.

Oras ng pagpapatala:
Martes hanggang Sabado

Mga kailangang dalhin:

Isang (1) photocopy ng Birth Certificate ng bibinyagan.

Para sa iba pang katanungan, maaari pong makipag-ugnayan sa ating tanggapan sa oras ng opisina.

Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Diyos!



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Patrong San Roque, magkakaroon ng motorcade sa darating na August...
27/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Patrong San Roque, magkakaroon ng motorcade sa darating na August 08, 2026 sa ganap na 7:00 ng umaga na magsisimula sa ating Sentro Pastoral sa Pag-asa.

Kaugnay nito, sasama sa nasabing motorcade ang ating patrona, Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa!

Iikot ang motorcade sa mga komunidad at sambayanang nasasakupan ng ating Sentro Pastoral.

Ang lahat ay inaanyayahan na sumama sa nasabing gawain. Ito po ay bukas sa kahit anong klase ng sasakyan.

Magkita-kita tayo at samahan natin ang ating Mahal na Ina!

TINGNANSa pagdiriwang ng World Day of Grandparents and the Elderly ng buong Simbahang Katolika, buong pusong nakiisa ang...
26/07/2026

TINGNAN

Sa pagdiriwang ng World Day of Grandparents and the Elderly ng buong Simbahang Katolika, buong pusong nakiisa ang ating sambayanan sa pagbibigay-pugay at pasasalamat sa ating mga lolo, lola, at lahat ng nakatatanda na nagsisilbing haligi ng pananampalataya, karunungan, at pagmamahal sa ating mga pamilya at komunidad.

Sa loob ng Banal na Misa, ipinanalangin at binasbasan ni Reb. Pdre. Stephen Maragaรฑas, TC ang mga nakatatanda para sa kanilang kalusugan, lakas, at patuloy na misyon bilang mga saksi ng pananampalataya.

Nawa'y patuloy nating mahalin, pahalagahan, at samahan ang ating mga nakatatanda, sapagkat sila ay biyaya ng Diyos at buhay na paalala ng Kanyang pagmamahal sa bawat isa.

TINGNAN:Narito ang mga gawain ng ating Sentro Pastoral para sa Kapistahan ni San Roque.Inaanyayahan ang lahat na makiisa...
24/07/2026

TINGNAN:

Narito ang mga gawain ng ating Sentro Pastoral para sa Kapistahan ni San Roque.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisangkot sa mga nasabing pagdiriwang.

Viva San Roque!

Address

ACM Woodstock Homes, Alapan 1A
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Miraculous Medal ACM Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share