St. Augustine of Hippo - NIA Community

St. Augustine of Hippo - NIA Community Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Augustine of Hippo - NIA Community, Catholic Church, Nia Road, Imus.

Official Facebook Account ng Sambayanan ni San Agustin ng Hippo na matatagpuan sa NIA Road Carsadang Bago na nasasakupan ng IMMACULATE HEART OF MARY PARISH - Bucandala

Inaanyayahan po ang lahat sa Prusisyon bukas (Agosto 28 | Biyernes)  5PM, magsisimula sa PTC North, ClubhouseSan Agustin...
27/08/2026

Inaanyayahan po ang lahat sa Prusisyon bukas (Agosto 28 | Biyernes) 5PM, magsisimula sa PTC North, Clubhouse

San Agustin, huwaran ng lahat ng Kabutihan, Ipanalangin mo kami!

Misa Concelebrada para sa Karangalan ni San Agustin ng Hippo.Bukas (Agosto 28) ang mamumuno sa ating Misa Concelebrada s...
27/08/2026

Misa Concelebrada para sa Karangalan ni San Agustin ng Hippo.

Bukas (Agosto 28) ang mamumuno sa ating Misa Concelebrada sa kappistahan ng ating mahal na patron San Agustin ng Hippo dito sa komunidad ng NIA ay ating minamahal na Kura Paroko, Reb. Padre Stephen Maragañas. At sa hapon isasagawa naman Prusisyon pagkatapos ng Misa sa PTC Subdivision ng 3:30Pm

Banal na Misa- 9:30am
Venue: Legian 2A, Clubhouse

Prusisyon: 5PM

************************
“San Agustin: Huwaran sa pakikinig nang bukas ang puso sa tinig ng Diyos at kapwa-tao."

20260826-  Ika-Walonh Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin"Sa paningin ng mga tao'y mabubuti kayo, ngunit...
27/08/2026

20260826- Ika-Walonh Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin

"Sa paningin ng mga tao'y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan." (Mt. 23:28)

Tingnan natin yunb before and after pano tayo maglaba ng maduming damit mantsa, hindi tayo tumigil para lang pumuti. Ganyan si San Agustin ngunit, mayroong grasya na nagtutulak sa kanya. Ang prayer pinapairal ni Santa Monica ang kanyang pagiging makulit, makulit siya parang katangian ng mga bata- Reb. Padre Dodong

Maraming Salamat po Padre.

************************
“San Agustin: Huwaran sa pakikinig nang bukas ang puso sa tinig ng Diyos at kapwa-tao."

27/08/2026

KARAKOL PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN NG HIPPO
KOMUNIDAD NG NIA

AGOSTO 27, 2026
HUWEBES

NIA ROAD

TRAFFIC ADVISORYEXPECT TRAFFIC along NIA Road on August 27 and 28, 2026 from 2PM to 7PM due to Karakol and Procession fo...
26/08/2026

TRAFFIC ADVISORY

EXPECT TRAFFIC along NIA Road on August 27 and 28, 2026 from 2PM to 7PM due to Karakol and Procession for Feast of St. Augustine of Hippo. We apologize for the inconvenience.

Viva San Agustin Ng Hippo!Inaanyayahan po ang lahat sa Karakol bukas (Agosto 27  | Huwebes)  2PM, magsisimula sa PTC mai...
26/08/2026

Viva San Agustin Ng Hippo!
Inaanyayahan po ang lahat sa Karakol bukas (Agosto 27 | Huwebes) 2PM, magsisimula sa PTC main.

San Agustin, huwaran ng lahat ng Kabutihan, Ipanalangin mo kami!

26/08/2026
Ika-Siyam o Huling Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin ng HippoBukas (Agosto 27) araw ng Huwebes, ang ma...
26/08/2026

Ika-Siyam o Huling Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin ng Hippo

Bukas (Agosto 27) araw ng Huwebes,
ang mamumuno sa Misa Nobenaryo sa karangalan ng ating mahal na patron San Agustin ng Hippo dito sa komunidad ng NIA ay ang ating Paring Tagapangasiwa ng Sentro Pastoral na si Reb. Stephen Maragañas.

Nobena- 7:00am
Banal na Misa- 8:30am
Venue: Legian 2A Clubhouse

************************
“San Agustin: Huwaran sa pakikinig nang bukas ang puso sa tinig ng Diyos at kapwa-tao."

20260825 -  Ika-Pitong Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin ng Hippo“Linisin mo muna ang nasa loob ng tas...
25/08/2026

20260825 - Ika-Pitong Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni San Agustin ng Hippo

“Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!" (Mt. 23:26)

Kayo ba ay naniniwala na ang kalinisan ng bahay ay hindi nakikita ng mga mata, kundi yung mga nakatagong hindi nakikita ng mata. Anong ibig kong sabihin pagpasok niyo sa bahay makikita niyo ang kalinisan ng sala di ba, pag tiningnan ninyo ang kusina, makikita ninyo ang kalinisan ng kusina, pero kung titingnan ninyo ang ilalim ng mga upuan, titingnan ninyo ang ilalim ng lamesa, madumi mga kapatid dahil kung talagang tunay na malinis ang inyong bahay kahit yung mga hindi nakikita ng mata ay tunay na malinis. Mga kapatid kapag pinag uusapan natin ang kabanalan, ang kabanalan ay tumutukoy sa kabutihan ng ating niloloob at puso. Mahirap maging tunay na banal pero napakadaling magpakita na ikaw ay banal. Madali lang magpakita na ikaw ay banal pero yung maging tunay na banal ay mahirap gawin at iyan marahil ang mahalagang aral na ibinibigay sa atin ngayon sa gabing ito na tayo ay nagninilay, inihahanda ang sarili sa pagdiriwang natin ng kapistahan ni San Agustin. “San Agustin: Huwaran sa pakikinig nang bukas ang puso sa tinig ng Diyos at kapwa-tao." ang tema ng inyong pagdiriwang at maraming magandang paalala sa ating lahat mga kapatid, tayo ay dapat maging sensitibo at nakikinig sa Diyos, sa salita ng Diyos. Ang kabanalan na tinutukoy ni Hesus ay hindi ho nakikita sa panlabas, kadalasan kapag pinag uusapan natin ang kabanalan ito po ay tumutukoy sa kalooban, itoy tumutukoy sa ating puso hindi mo nakikita ang kabanalan sa panlabas ng tao. Dahil sabi nga sa ebanghelyo na napakinggan natin ngayon madali tayong mapagpaimbabaw ha, gamitin na natin yung madalas nating mapakinggan hipokrito, mapagpaimbabaw, ipinakikita natin sa labas na ikaw ay mabuti, na ikaw ay banal, subalit tingnan mo ang iyong sarili sa iyong kalooban ano ba ang merong nakatago sa iyong kalooban madali ho tayong magtago kung ano ang narito sa ating puso at kalooban gusto natin maipakita ang ating panlabas sapagkat gusto nating tayo ay papurihan, gusto natin na ang mga taong matuwa sa atin, gusto natin na tayo ay bigyang galang. Mga kapatid sa buhay natin bilang isang kristiyano mas titingnan natin yung kung ano ang nasa kalooban natin wag tayong magbalat kayo, wag tayong magkunwari sapagkat gusto nating tayo ay bigyan galang ng ating kapwa o papurihan ng ibang tao ang mahalaga ang binibigyan natin ng parangal ay ang ating panginoong Diyos, siya ang pinakamahalaga sa ating buhay hindi kailangan na tayo ay sinasang ayunan ng ating kapwa, ang mahalaga ay tayo ay kalugod lugod sa mata ng Diyos, kalugod lugod sa kanyang paningin. Dito nakatago ang tunay na kagandahan, iyan ang tunay na mahalaga sa ating panginoong diyos pagsumikapan natin na huwag sana tayong masyadong nagbibigay ng pansin sa mga panlabas na kagandahan. Sikapin ninyong mapaganda ang inyong kalooban tingnan ninyo ang kaibuturan ng inyong kaluluwa ang kaibuturan ng inyong puso kung ano ang nariyan na nakatago na hindi kanais nais sa ating panginoong diyos wala tayong maitatago sa diyos ang lahat ay nakikita niya ang kaibuturan ng ating puso, ang kaibuturan ng ating kaluluwa, iyan ang nakikita ng ating Panginoon. Mga kapatid sana po ang kabanalan na ating hinahangad ay hindi lamang mga panlabas, ang kabanalan na nanunuot sa ating puso, nanunuot sa ating kaluluwa. - Reb. Padre Romy Antimano

Maraming Salamat po Padre.

************************
“San Agustin: Huwaran sa pakikinig nang bukas ang puso sa tinig ng Diyos at kapwa-tao."

Address

Nia Road
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Augustine of Hippo - NIA Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Augustine of Hippo - NIA Community:

Shortcuts

Share