23/09/2026
📢 ISANG PAGTAWAG SA TUNAY NA KALALAKIHAN! 🧭
Mga ka-MOVEMENT, sa mundong puno ng kalituhan kung ano nga ba ang tunay na papel ng isang lalaki, mayroon tayong malinaw na gabay na disenyo ng Diyos para sa ating mga puso. Inaanyayahan po namin kayong lahat sa pagpapatuloy ng ating seryeng BOY SOUL to MAN SOUL na tatalakayin sa atin ni Bro. Bobby de las Alas. Isang 2 in 1 session kung saan haharapin natin ang hamon na maging matatag, may pananagutan, at may malalim na pananampalataya.
🗓️ Date: October 3, 2026 (Sabado)
⏰ Time: 8:30 AM–11:00 AM
⛪ Venue: CCF Imus – Main Hall
🎤 Devo Speaker: Bro. Bobby de las Alas
📢 OPEN TO ALL MEN — Married or Single
Pagkatapos po nating mag-breakfast, matuto, at mapuno ng inspirasyon, tayo ay maging saksi sa pagbubukas ng ating MOVEMENT E1R4 Basketball League sa CCF Imus Sports Facility. Kasunod na po rito ang Opening Game ng ating mga Oldies but Goldies mula 11:00 AM – 1:00 PM. Suportahan po natin ang ating mga Ka-Movement sa pagtsi-cheer sa kanila. Mag-ingay at makisaya mga Pare! 📣
Kaya ano pa pong hinihintay natin? Huwag mong hahayaang harapin ang buhay nang mag-isa. Samahan mo kami! Magsama rin ng inyong mga kaibigan, kapatid, katrabaho, at mga ka-Pare!
Tara na sa MOVEMENT! ☕😊