04/10/2026
TINGNAN | KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO DE ASIS
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Francisco de Asis, ang ating pamayanan ng pananampalataya ay nagtipon upang makiisa sa pag-aalay ng Banal na Misa bilang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos na Siyang bukal ng lahat ng buhay at kabutihan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, ipinagkaloob ang natatanging pagbabasbas sa mga alagang hayop bilang pagkilala sa kanila bilang bahagi ng sangnilikha ng Diyos na ipinagkatiwala sa ating pangangalaga. Sa pamamagitan ng halimbawa ni San Francisco de Asis, na nagpakita ng malalim na pag-ibig sa Diyos at paggalang sa lahat ng Kanyang nilikha, nawaโy higit pang mapalalim ang ating pananampalataya at pananagutan bilang mabubuting katiwala ng Kanyang mga biyaya.
Nawaโy ang pagdiriwang na ito ay magbunsod sa atin na patuloy na pagnilayan ang kadakilaan ng Diyos na nahahayag sa kagandahan ng Kanyang sangnilikha at mag-udyok sa atin na mamuhay nang may pag-ibig, habag, at pasasalamat sa Kanya.
San Francisco de Asis, ipanalangin mo kami.๐
Santiago Apรณstol, ipanalangin mo kami.๐
๐ธ: Niccah Gonzales , Princess Aceveda , Viel Marie Fandiรฑo , Jhorge Bacalso
Social Communication Ministry
______________________
๐๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ง๐๐ค๐ญ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐! Para sa mga katanungan, maari kayong makipag-ugnayan dito:
๐ฒ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ: St. James the Greater Parish Imus Cavite
๐ง ๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น: [email protected]
๐ ๐ฃ๐ต๐ผ๐ป๐ฒ ๐ก๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ: (046) 543-489