27/08/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐๐๐๐ถ๐ป ๐ฑ๐ฒ ๐ง๐ฎ๐ป๐๐ฎ!
Sa araw na ito, ang buong Simbahan ay ginugunita si San Agustin, Obispo at Pantas ng Simbahan, na kilala sa kanyang malalim na pagbabagong-loob at walang sawang paghahanap sa katotohanan at Diyos.
Sa Tanza, si San Agustin ay minamahal at kinikilala rin bilang โTata Usteng.โ Ang kanyang banal na imahen at debosyon ay malalim na nakaugat sa pananampalataya ng mga Tanseรฑo. Higit pa sa isang imaheng dinudulugan sa panalangin, si Tata Usteng ay naging paalala ng kapangyarihan ng pagbabagong-loob, awa ng Diyos, at pagtitiyaga sa pananampalataya.
Tulad ng naging paglalakbay ni San Agustin mula sa isang buhay na malayo sa Diyos tungo sa pagiging isa sa mga dakilang g**o at banal ng Simbahan, nawaโy magsilbi ring inspirasyon si Tata Usteng sa bawat isa na huwag mawalan ng pag-asa sa pagbabagong-loob at patuloy na magtiwala sa habag ng Panginoon.
San Agustin de Tanza, Tata Usteng, ipanalangin mo kami!