19/05/2026
"The priesthood is the love of the heart of Jesus." — St. John Vianney
Ngayong araw, Mayo 18, 2026. Ating ipinagdiriwang ang ika-19 na taong anibersaryo ng ordinasyon sa pagkapari ng ating butihing kura paroko, Reb. Pad. Benjamin "Benjie" A. Francisco.
Bilang pagtanaw sa nakaraan, taong 2007 nang ordinahan sa pagkapari si Pad. Benjie at ngayong taon, sa kanyang ika-19 na taong anibersaryo, tayo'y nagbubunyi, nagagalak, at nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo, tulong, at gabay ni Fr. Benjie para sa ating Parokya — ang Parokya ng Santa Marta.
Hindi lamang siya naging Ama ng ating Parokya, aktibo rin siya sa mga gawin sa Diyosesis ng Imus. Siya ang Programs Chairperson ng Pondo ng Pinoy at bagong talagang Priest Animator ng Soldiers of Christ.
Mabuhay ka, Pad. Benjie at nawa'y gabayan ka ng Panginoon sa lahat ng plano na iyong tatahakin at haharapin. Kaming mga lingkod ng Santa Marta ay patuloy na susuporta sa iyong hangarin at palagi mong kasama upang magdiwang ng iyong bawat tagumpay!
Muli, Happy 19th Sacerdotal Anniversary, Fr. Benjie!