13/05/2026
OK LANG BA NA HINDI KAYO PARE PAREHO NG STAND SA PULITIKA SA IISANG CHURCH?
And the simple answer to this should be YES.
Dahil if we live in a free democratic society, karapatan ng bawat mamamayan, or citizen, lalo na kung tax payer, na magkaroon ng sariling stand sa pulitika, na suportahan ang gusto nyang politician at political party.
But sadly, it’s never really that simple.
Sometimes pareho kayo ng Pastor mo at ng nakararaming members ng inyong church ng stand sa pulitika.
Sometimes hindi.
Dapat okay lang yun.
Sa akin, sa aming church, okay lang yun.
Malinaw sa akin, na hindi kami lagi pareho ng stand sa pulitika ng mga members ko sa church.
Actually, maraming beses, na hindi rin kami pareho ng stand sa pulitika ng sarili kong pamilya, at mga relatives.
Dapat okay lang yun.
Kaya nyo parin irespeto ang isat isa.
Kaya nyo parin mahalin ang isat isa.
Kayo nyo pag usapan ang pagkakaiba nyo sa pulitika na hindi kayo nag aaway, nagmumurahan, nagiinsultuhan, nananakot, at nagsusumbatan.
Wala rin dapat nagkakapikunan at nag li leave sa mga church at family group chat dahil sa away pulitika.
Dahil maraming beses na itong nangyari.
Tayo tayo nag aaway away sa church at families natin , in defense of our political positions, and worse, in defense of politicians.
Tatandaan natin, bilang Pastor, bilang Christian, ang focus dapat natin ay ang mga sumusunod:
Preach the Gospel
Make Disciples
Equip people for works of service
Appoint Leaders
Plant churches
Sana nga pare pareho tayo lagi ng stand sa pulitika, para united tayo lagi as a Church, and even sa mga families natin.
Eh kaso hindi yun ang reality.
It’s just really a mystery at times, bakit, kahit anong talino nating lahat, banal nating lahat, bait nating lahat, or even, kahit anong Biblical nating lahat, we end up looking at things, believing in things, so passionately, but all so totally differently.
I do know, that there are Pastors, there are religious groups, na kasama sa Beliefs, Doctrine, Theology , at By Laws nila, na dapat, united sila lagi, kahit sa political stand. They even do bloc voting as a religious group.
Kami hindi ganon.
Dapat ok lang.
Kasi bilang Pastor, kahit may political stand and positions ako, ang priority ko is to minister to the people God has entrusted to me.
Kaya, kung hindi rin lang natin kaya mag usap ng maayus pag politics na ang topic, kung ang ending mag aaway lang tayo, wag nyo nayan pag usapan sa loob ng church, sa inyong mga family gatherings, at kahit pa nga sa inyong mga group chats.
Huwag niyo narin pansinin ang kanya kanya niyong posts sa social media tungkol sa politics.
If you are passionate about your political stand, and you truly believe na Ikaw ang may tamang pananaw sa bagay na ito, there is one thing we can all agree on, we can all do.
It’s this.
PRAY FOR OUR COUNTRY
2 Chronicles 7:14 (NIV)
14 if my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land.