10/08/2026
DEBOSYON TUWING LUNES ALAY SA ESPIRITU SANTO
PANALANGIN
Halina Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng mga nananalig sa Iyo at pag-alabin mo sa kanila ang apoy ng Iyong banal na pag-ibig.Ipadala mo ang Iyong Espiritu at sila’y malilikha, at sa gayo’y mapaninibago Mo ang mukha ng mundo.
Manalangin Tayo.
O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puso ng mga mananampalataya, Ipagkaloob mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwina’y magalak sa Kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa ng aming loob. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.