05/10/2022
TGIF WED - Oct.5.2022
TITLE: THE TEST OF FAITH
SPEAKER: ATE GLO
SCRIPTURE: SANTIAGO 1:3-4 MBB05
3”Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.”
Mateo 9:29 MBB05
“Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya.”.”
Hebreo 11:6 MBB05
“Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.”
Lucas 17:5-6 MBB05
“Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!” Tumugon ang Panginoon, “Kung ang inyong pananampalataya ay maging sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.””
Roma 14:23 MBB05
“Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa kanyang paniniwala. Kasalanan ang paglabag sa sariling paniniwala.”
How God Test Our Faith
#1. God Test Our Faith Through Difficulties
1 Pedro 1:6-7 MBB05
6“Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon.
6 Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.”
Jonas 2:7 MBB05
“Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.”
Santiago 1:2-3 MBB05
2 “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.
3 Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.”
#2 God Tests Our Faith through Demands
Exodus 16:4 MBB05
“Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang mga tao para mamulot ng kakainin nila sa maghapon. Sa pamamagitan nito'y susubukin ko kung susunod sila sa aking mga tagubilin.”
“Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.”
#3 God Tests Our Faith With Money
Lucas 16:11MBB05
“Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?”
2Corinto 8:7-8 ASND
7 “Kayong mga nasa Corinto ay nangunguna sa lahat ng bagay – malakas ang inyong pananampalataya, magaling kayong magturo, marami kayong alam, masipag sa paglilingkod sa Dios, at malaki ang inyong pag-ibig sa amin. Kaya gusto namin na manguna rin kayo sa pagbibigay.
8 Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba para maipakita rin ninyo sa amin na tunay ang inyong pagmamahal.”
Malakias 3:10 ASND
“Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.”
#4 God Tests Our Faith Through Delays
Deuteronomy 8:2
“Alalahanin ninyo kung paano kayo ginabayan ng Panginoon na inyong Dios sa paglalakbay ninyo sa disyerto sa loob ng 40 taon. Ginawa niya ito upang turuan kayong magpakumbaba, at sinubok niya kayo upang malaman kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso, kung susundin ninyo ang kanyang mga utos o hindi.”
Isaias 64:4 ASND
“Mula noon hanggang ngayon wala pang nakarinig o nakakita ng Dios na katulad nʼyo na tumutulong sa mga nagtitiwala sa kanya.”
Lucas 17:5-6 ASND
5 “Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”
6 Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.”