Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz - Narra Homes

Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz - Narra Homes Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz - Narra Homes, Catholic Church, Narra Avenue , Narra Homes, Pag-Asa I, Imus.

Ang Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz ay isang Chapel community na nasa pamamatnubay ng Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen del Pilar - Katedral ng Imus, Lalawigan ng Cavite.

๐Ÿ“Narra Homes Subdivision, Pag-Asa I, Imus City, Cavite.

PISTANG ROQUE 2026Talaan ng mga Gawain para Kapistahan
24/07/2026

PISTANG ROQUE 2026

Talaan ng mga Gawain para Kapistahan

May lugar ka sa altar ng Diyos!Baka ito na ang panahon para sagutin ang tawag ng Panginoon. โค๏ธ๐Ÿ™Kung ikaw ay isang kabata...
15/07/2026

May lugar ka sa altar ng Diyos!
Baka ito na ang panahon para sagutin ang tawag ng Panginoon. โค๏ธ๐Ÿ™

Kung ikaw ay isang kabataan na gustong mapalalim ang iyong pananampalataya, makapaglingkod sa Diyos, at maging bahagi ng isang faith-filled community, iniimbitahan ka naming maging bahagi ng Altar Servers Ministry ng Sambayan ng San Lorenzo Ruiz, Narra Homes.

Hindi kailangan ng experience. Ang kailangan lang ay isang pusong handang matuto, maglingkod, at magsabi ng โ€œYes, Lord!โ€

Come and experience the joy of serving during the Holy Mass, growing in faith, and building friendships that bring you closer to Christ.

Kung interesado ka, message mo lang kami o lapitan kami pagkatapos ng Banal na Misa. We would be very happy to welcome you into our ministry.

San Lorenzo Ruiz, pray for us! ๐Ÿ™

PABATID sa PAGBABAGO NG ARAW AT ORAS NG BANAL NA MISA๐Ÿ™ MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA SA MGA SAMBAYANAN๐Ÿ™Ang Sen...
01/07/2026

PABATID sa PAGBABAGO NG ARAW AT ORAS NG BANAL NA MISA

๐Ÿ™ MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA SA MGA SAMBAYANAN๐Ÿ™

Ang Sentro Pastoral ng San Roque ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa iba't ibang sambayanan na ating nasasakupan. Halina at sama-sama nating maranasan ang presensya ni Kristo sa Banal na Eukaristiya at palalimin ang ating pananampalataya bilang isang nagkakaisang sambayanan.

๐Ÿ—“๏ธ SABADO
๐Ÿ•” 5:00 PM โ€“ Pacific Terraces Community (PTC), Carsadang Bago 2
๐Ÿ•• 6:00 PM โ€“ San Lorenzo Ruiz Chapel, Narra Homes
๐Ÿ•ก 6:30 PM โ€“ Our Lady of Lourdes Chapel, ACM Phase 9

๐Ÿ—“๏ธ LINGGO
๐Ÿ•ก 6:30 AM โ€“ Golden Villas Community, Carsadang Bago 2
๐Ÿ•ข 7:30 AM โ€“ St. Augustine of Canterbury Chapel, Alapan I-B
๐Ÿ•ข 7:30 AM โ€“ Our Lady of Fatima Community, Legian 2C
๐Ÿ•˜ 9:00 AM โ€“ Our Lady of the Miraculous Medal Chapel, ACM 1
๐Ÿ•ก 6:30 PM โ€“ St. Augustine of Hippo Community, NIA

๐Ÿ“– "Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan." โ€” Mateo 18:20

Halina, makiisa sa Banal na Misa at maging bahagi ng buhay at misyon ng ating Simbahan sa bawat sambayanan. Sama-sama tayong lumago sa pananampalataya at pagmamahalan kay Kristo.

PABATID

24/06/2026

"For your information po, itatayo nating parokya yung Pag-asa, yung San Roque, yung malapit sa Kawit, malapit sa Binakayan. Nilagyan ko na po ng Pari a few days ago."
-Bishop Rey Evangelista

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐Š๐€๐“๐„๐ƒ๐‘๐€๐‹ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐”๐’, ๐…๐‘. ๐‘๐Ž๐’๐’ ๐š๐ญ ๐…๐‘. ๐‰๐„๐Ž๐ƒ๐˜!Tuloy po kayo sa Inang Simbahan ng Kabite, Fr. Ross at F...
15/06/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐Š๐€๐“๐„๐ƒ๐‘๐€๐‹ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐”๐’, ๐…๐‘. ๐‘๐Ž๐’๐’ ๐š๐ญ ๐…๐‘. ๐‰๐„๐Ž๐ƒ๐˜!

Tuloy po kayo sa Inang Simbahan ng Kabite, Fr. Ross at Fr. Jeody!

Ating salubungin nang may kagalakan ang mga bagong-talagang Katuwang na mga Pari (Parochial Vicars) ng Pangdiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen del Pilar - Katedral ng Imus, ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฑ๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐˜€ ๐—˜๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐—”. ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป at ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฑ๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐—ฑ๐—ผ๐—น๐—ณ๐—ผ "๐—๐—ฒ๐—ผ๐—ฑ๐˜†" ๐——. ๐—”๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐˜€, ๐—๐—ฟ., na ngayo'y maglilingkod dito sa Katedral at sa mga komunidad o sambayanang nasasakupan ng ating Parokya simula ngayong araw.

Nawa'y ang inyong bagong misyon ay maging makabuluhan, at ang inyong pangako sa paglilingkod kay Kristo ay magpayabong at magpatibay sa pananampalataya ng mga maninimba't mananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng inyong kabaitan, katapatan sa atas ng tungkulin sa Banal na Misa at mga Sakramento, at sa inyong pagpapakumbabang-loob.

Nawa'y gabayan kayo ng Mahal na Birhen del Pilar sa inyong bagong itinalagang misyon bilang mga katuwang na pari dito sa Katedral ng Imus.

Muli, maligayang pagdating Fr. Ross at Fr. Jeody!

๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ (๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ) ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ (๐—š๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜) ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ฒ...
14/06/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ (๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ) ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ (๐—š๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜) ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ - ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐˜‚๐˜€

Maraming salamat po sa inyo, ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฑ๐—ฟ. ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ป๐˜† ๐—–๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ, ๐—ง๐—– (๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ), at ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฑ๐—ฟ. ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐—ฃ. ๐—”๐—น-๐—ผ๐˜€, ๐—–๐—ฅ๐—ฆ (๐—š๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜), sa inyong matimyas at mapagkalingang paglilingkod bilang mga katuwang at panauhing Pari dito sa Katedral ng Imus sa loob ng halos isang taon.

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong mga patnubay at mga aral sa panahon ng pagliilngkod ninyo rito. Nawa'y patnubayan kayo sa inyong susunod na misyon sa mga bagong parokya o mga tungkuling maitatalaga sa inyo.

Pagpalain at gabayan nawa kayo ng Diyos, at ng Mahal na Birhen Del Pilar, ang ating lakas at kagalakan sa inyong susunod na misyon at yugto ng inyong buhay-pagpapari.

MULI, MARAMING SALAMAT PO, FR. DANNY AT FR. GANE!

FLORES DE MARIA 2026 | Part 3โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sam...
01/06/2026

FLORES DE MARIA 2026 | Part 3

โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€
Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sambayanan ng San Padre Pio - Brgy. Carsadang Bago, noong ika-24 ng Mayo, Linggo ng Pentekostes ay maluwalhati nating naisagawa ang ating taunang Flores de Maria alay sa Mahal na Birhen. Tampok nga rito ang ilan sa mga nagsipagganap sa likod ng matagumpay nating pagdiriwang.

Muli ay nais po naming ipabatid ang aming taus pusong pasasalamat sa lahat ng nagsiganap sa pagdiriwang na ito upang mairaos ng kaaya-aya, maluwalhati at matagumpay ang pagpaparangal natin sa Mahal na Virgen del Amor, ang ipinaglihing walang salang original at ang Ina ng Diyos na nilukuban ng Espiritu Santo.

BILANG SAMBAYANANG NAGBUBUKLOD AT NAGMAMAHAL KAY MARIA๐Ÿฉต
31/05/2026

BILANG SAMBAYANANG NAGBUBUKLOD AT NAGMAMAHAL KAY MARIA๐Ÿฉต

๐…๐‹๐Ž๐‘๐„๐’ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ’

Ang Pastoral Council ng Sambayanan ni San Padre Pio ng Carsadang Bago at Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz - Narra Homes ay taos-pusong nagpapasalamat sa matagumpay na pagdiriwang ng Flores de Maria ngayong taon.

Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa Kanyang walang sawang paggabay, biyaya, at pagmamahal na naging daan upang maisakatuparan nang maayos, ligtas, at mapayapa ang pagdiriwang na ito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar sa kanilang patuloy na paggabay at suporta sa aming mga gawaing pangsimbahan at pampamayanan.

Maraming salamat din sa Pamahalaang Lungsod ng Imus at sa mga sangay nito na nagpaabot ng tulong at suporta upang maging maayos at ligtas ang ating pagdiriwang. Gayundin, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Carsadang Bago I at Pamahalaang Barangay ng Carsadang Bago II para sa kanilang pakikiisa at malasakit sa sambayanan.

Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang lahat ng mga kabataang nakiisa sa pagdiriwang, gayundin ang kanilang mga magulang, pamilya, at mga kaibigan na nagbigay ng walang sawang suporta at paghihikayat sa kabila ng mainit na panahon.

Maraming salamat din sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong pinansyal, donasyon, at iba pang mga pangangailangan na naging mahalagang bahagi upang maisagawa nang maayos ang pagdiriwang. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga pamilyang bukas-palad na tumanggap at nagbukas ng kanilang mga tahanan para sa pagdaraos ng Flores de Maria, maging sa apat na magkakasunod na Sabado ng pagdarasal at pagninilay. Ang inyong kabutihang-loob at pakikiisa ay naging mahalagang bahagi ng pagpapatibay ng ating pananampalataya at pagkakaisa bilang sambayanan. Hindi rin matatawaran ang pagsisikap, pagtutulungan, at dedikasyon ng bumubuo ng Comitรฉ de Festejos, mga lingkod-simbahan, mga boluntaryo, at lahat ng mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.

Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa biyaya ng pakikipagkapatiran at pakikiisa na naitaguyod sa pagitan ng Sambayanan ni San Padre Pio ng Carsadang Bago at Sambayanan ni San Lorenzo Ruiz ng Narra Homes. Ang pagdiriwang na ito ay naging patunay na higit na nagiging makabuluhan ang ating paglilingkod kapag tayo ay nagkakaisa bilang isang sambayanan.

Nawa ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing pagkakataon upang lalo pang mapagtibay ang ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan bilang isang sambayanan, sa tulong at paggabay ng Mahal na Birheng Maria. Sa kanyang halimbawa ng mapagkumbabang pakikinig at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos, nawaโ€™y maging inspirasyon siya sa ating lahat upang maging tunay na kaagapay ng sambayanang nakikinig at sumusunodโ€”isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya, naglilingkod nang may pagmamahal, at patuloy na tumutugon sa tawag ng Diyos sa araw-araw na buhay.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

FLORES DE MARIA 2026 | Part 1โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sam...
29/05/2026

FLORES DE MARIA 2026 | Part 1
โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€

Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sambayanan ng San Padre Pio - Brgy. Carsadang Bago, noong ika-24 ng Mayo, Linggo ng Pentekostes ay maluwalhati nating naisagawa ang ating taunang Flores de Maria alay sa Mahal na Birhen. Tampok nga rito ang ilan sa mga nagsipagganap sa likod ng matagumpay nating pagdiriwang.

Muli ay nais po naming ipabatid ang aming taus pusong pasasalamat sa lahat ng nagsiganap sa pagdiriwang na ito upang mairaos ng kaaya-aya, maluwalhati at matagumpay ang pagpaparangal natin sa Mahal na Virgen del Amor, ang ipinaglihing walang salang original at ang Ina ng Diyos na nilukuban ng Espiritu Santo.

FLORES DE MARIA 2026 | Part 2โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sam...
29/05/2026

FLORES DE MARIA 2026 | Part 2
โ€œKaagapay ng Sambayanang Nakikinig at Sumusunodโ€

Sa pakikipagkaisa at pakikipagkapatiran Sambayanan ng San Padre Pio - Brgy. Carsadang Bago, noong ika-24 ng Mayo, Linggo ng Pentekostes ay maluwalhati nating naisagawa ang ating taunang Flores de Maria alay sa Mahal na Birhen. Tampok nga rito ang ilan sa mga nagsipagganap sa likod ng matagumpay nating pagdiriwang.

Muli ay nais po naming ipabatid ang aming taus pusong pasasalamat sa lahat ng nagsiganap sa pagdiriwang na ito upang mairaos ng kaaya-aya, maluwalhati at matagumpay ang pagpaparangal natin sa Mahal na Virgen del Amor, ang ipinaglihing walang salang original at ang Ina ng Diyos na nilukuban ng Espiritu Santo.

Address

Narra Avenue , Narra Homes, Pag-Asa I
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sambayanan ng San Lorenzo Ruiz - Narra Homes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share