22/09/2025
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
ππ βSumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw. Ngunit para sa mga tao, tila isang mundo ito ng saya at karingalan; laloβt lalo itong nagiging gayon, naaakit dito ang puso ng lahat ng tao, at maraming taong nabitag at hindi mapalaya ang kanilang sarili mula rito; napakaraming malilinlang ng mga nakikibahagi sa pandaraya at salamangka. Kung hindi ka magpupunyaging umunlad, wala kang mga mithiin, at hindi ka nakaugat sa tunay na daan, matatangay ka ng lumalaking mga alon ng pagkakasala.β