Enjoy daily words

Enjoy daily words Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Enjoy daily words, Religious organisation, iloilo, Iloilo City.

God says:”The love of God extends forth like the water of a spring, and is given to you, and to me, and to others, and to all those who truly seek the truth and await the appearance of God.“

21/02/2023
God says :" Hindi ngayon ang panahon para manatili. Mula ngayon, kung mayroon kayong natatagong hangarin, kung gayon ang...
05/02/2023

God says :" Hindi ngayon ang panahon para manatili. Mula ngayon, kung mayroon kayong natatagong hangarin, kung gayon ang Aking paghatol ay sasapit sa inyo. Kung iiwan ninyo Ako kahit nang isang sandali lamang, kung gayon kayo ay magiging gaya ng asawa ni Lot. Ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon ay bumibilis, at ang mga hindi makasasabay sa bagong liwanag ay nasa panganib. Ang mga hindi nagbabantay ay tatalikuran; dapat ninyong pangalagaan ang inyong mga sarili. Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang. Sa kasalukuyan, ang mga tao ay may napakaraming kuru-kuro, na pumupuwersa sa Akin na ipahayag ang Aking kalooban sa pamamagitan ng mga taong hinahamak ng iba, na ikakapahiya ng mga palalo at mapagmagaling, mapagmataas, ambisyoso, at may mataas na katayuan. Hangga’t kayo ay nagpapakita ng taos-pusong pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, ihahanda Ko ang lahat ng bagay para sa inyo. Basta sumunod lamang kayo sa Akin! "

 ‘swords
04/02/2023

‘swords

God says :" Paano ba masusing sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao? Hindi Siya tumitingin gamit lamang ang Kanyang m...
04/02/2023

God says :" Paano ba masusing sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao? Hindi Siya tumitingin gamit lamang ang Kanyang mga mata; nagtatakda Siya ng mga kapaligiran para sa iyo, hinahaplos ng Kanyang mga kamay ang iyong puso. At bakit Ko ba sinasabi ito? Dahil kapag nagtatakda ang Diyos ng kapaligiran para sa iyo, tinitingnan Niya kung nakararamdam ka ng pag-ayaw at pagkasuklam, o kagalakan at pagsunod; tinitingnan Niya upang makita kung pasibo kang naghihintay, o nagkukusa kang maghanap ng katotohanan; tinitingnan ng Diyos kung paano nagbabago ang iyong puso at mga iniisip, at kung saang direksiyon lumalago ang mga ito. Minsan, positibo ang lagay ng loob mo, kung minsan naman ay negatibo ito. Kung magagawa mong tanggapin ang katotohanan, kung gayon sa kaibuturan mo, matatanggap mo mula sa Diyos ang mga tao, pangyayari, bagay at iba't ibang sitwasyong isinasaayos Niya para sa iyo, at mahaharap mo ang mga ito nang tama. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa iyong isipan, magbabago ang bawat kaisipan, ideya at asal mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—at magiging malinaw ang lahat ng ito sa iyo, at susubaybayan ang mga ito ng Diyos. Wala kang sinumang nasabihan ng mga bagay na ito, o naipanalangin tungkol sa mga ito. Naisip mo lamang ang mga ito sa iyong puso, sa iyong sariling mundo—subalit alam na alam ito ng Diyos, at kasinglinaw ng araw ang mga ito sa Kanya. Tiniti ngnan ka ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata, subali’t hinahaplos ng Diyos ang iyong puso sa pamamagitan ng Kanyang puso; ganyan Siya kalapit sa iyo. "

28/09/2022

27/09/2022

26/09/2022

Address

Iloilo
Iloilo City

Opening Hours

Monday 8:30am - 10:30pm
Tuesday 8:30am - 10:30pm
Wednesday 8:30am - 10:30pm
Thursday 8:30am - 10:30pm
Friday 8:30am - 10:30pm
Saturday 8:30am - 10:30pm
Sunday 8:30am - 10:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Enjoy daily words posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Enjoy daily words:

Share