Al-Jalis As-Salih The Good Companion, Inc.

Al-Jalis As-Salih The Good Companion, Inc. AAI is a non-partisan, non-profit and non-government organization led by youth, professionals and ulamas from different areas of the Philippines.
(1)

A muslim information center by Al-Jalis As-Salih (the good companion) Inc. Iligan base, committed to give islamic education and guidance towards understanding Islam.

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐎𝐓𝐎𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐔𝐖𝐈 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌Nagsimula ang lahat sa mga tanong na matagal nang nasa isip ng ating si...
27/08/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐎𝐓𝐎𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐔𝐖𝐈 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌

Nagsimula ang lahat sa mga tanong na matagal nang nasa isip ng ating sister mga tanong tungkol sa pananamit ng mga Muslim, sa pananamit ni Propeta Isa (Jesus) , at kay Maryam (Maria), ang ina ni Propeta Isa.

Habang patuloy niyang pinag-iisipan ang mga bagay na ito, napansin din niya ang pagkakatulad ng pananamit na itinuturo sa Islam sa pananamit nina Maryam at Propeta Isa . Naging dahilan ito upang mas lalo siyang magtanong at magsaliksik tungkol sa kanyang sariling pananampalataya,

Dahil sa mga tanong at pagnanais na malaman ang katotohanan, naisip niyang hanapin ang mga kasagutan sa Islam. Tinawagan niya ang kanyang pinsan na isang Balik-Islam at humingi ng tulong upang makapunta sa ating tanggapan at higit na maunawaan ang pananampalatayang Islam.

Sa ating opisina, nakausap niya ang ating Head of Da'wah Department at isa sa ating mga ustadh. Sa kanilang pag-uusap, maayos na ipinaliwanag sa kanya ang mga pangunahing katuruan ng Islam at nasagot ang mga katanungan na matagal nang nasa kanyang isipan.

Habang nagpapatuloy ang pagpapaliwanag, unti-unti niyang nakita ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong. Nagkaroon siya ng sariling pagninilay at napagtanto niya ang mga bagay na nais niyang itama sa kanyang pananampalataya.

Alhamdulillah, sa gabay at tawfiq ni Allah , buong puso niyang tinanggap ang Islam. Sa oras ng kanyang Shahadah, hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at napaiyak habang binibigkas ang mga katagang naging simula ng kanyang bagong buhay bilang isang Muslim.

Isang paglalakbay na nagsimula sa mga tanong, sinundan ng paghahanap ng kasagutan, at nagtapos sa isang pusong nakatagpo ng kapanatagan sa Islam.

Welcome to Islam, Sister.

Nawa'y patuloy kang gabayan, patatagin, at pagkalooban ni Allah ng kapaki-pakinabang na kaalaman at istiqāmah sa iyong bagong paglalakbay bilang isang Muslim.

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌Isa na namang magandang pagkakataon ang naging bahagi ng ating g...
26/08/2026

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌

Isa na namang magandang pagkakataon ang naging bahagi ng ating gawaing Da’wah nang isa sa mga pamangkin ng ating kapatid na Balik-Islam ay nagkaroon ng pagkakataong makinig at higit na maunawaan ang mga katuruan ng Islam.

Sa pamamagitan ng maayos na pagpapaliwanag ng ating Head of Da’wah Department, naibahagi sa kanya ang mga pangunahing aral at mensahe ng Islam. Isa-isa ring nasagot ang kanyang mga katanungan, dahilan upang higit niyang maunawaan ang pananampalatayang Islam.

Habang nagpapatuloy ang pag-uusap, naging malinaw sa kanya ang mga aral na kanyang narinig at nagkaroon siya ng mas malalim na pag-unawa tungkol sa Islam.

Alhamdulillah, sa gabay at tawfiq ni Allah , naging daan ang pagkakataong ito upang kanyang tanggapin ang Islam at bigkasin ang Shahādah.

Bilang bahagi ng ating patuloy na paggabay sa mga bagong Muslim, siya ay isasama sa ating Basic Islamic Orientation (BIO) Program upang higit pang mapalalim ang kanyang kaalaman at mapatatag ang kanyang pundasyon sa Islam.

Alhamdulillah sa patuloy na gabay ni Allah . Nawa’y patuloy Niyang patatagin ang ating bagong kapatid at pagkalooban siya ng kapaki-pakinabang na kaalaman at istiqamah sa kanyang bagong paglalakbay bilang isang Muslim.

𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚’𝐰𝐚𝐡 Alhamdulillah! Patuloy na isinasagawa ng ating Da’wah Team ang regular ...
26/08/2026

𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚’𝐰𝐚𝐡

Alhamdulillah! Patuloy na isinasagawa ng ating Da’wah Team ang regular na 1-on-1 Da’wah Program, at sa araw na ito ay nagtungo naman sila sa Rotonda, Medical Park, Pala-o, Iligan City upang ipagpatuloy ang gawaing ito.

Bagama’t nananatili ang matinding init sa Iligan City sa araw na iyon, hindi ito naging dahilan upang ihinto ng ating team ang kanilang nakatakdang gawain. Sa halip, nagpatuloy sila sa pagpunta sa lugar at pakikipag-usap sa mga taong kanilang nadatnan.

Sa bawat pag-uusap, nagkaroon ng pagkakataong maibahagi ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa Islam. Namahagi rin ang ating mga kasamahan ng Islamic pamphlets bilang dagdag na babasahin para sa mga nais pang matuto at mas makilala ang Islam.

Para sa mga nagnanais makibahagi at sumuporta sa ating mga gawain, maaari po kayong magpadala ng donasyon sa mga sumusunod:
📱 GCash: 𝟎𝟗𝟕𝟕-𝟐𝟕𝟏-𝟏𝟑𝟏𝟖 (𝐀𝐛𝐝𝐮𝐥 𝐉𝐚𝐛𝐛𝐚𝐫 𝐌.)
🏦 Landbank: 𝟎𝟑𝟐𝟔 𝟓𝟒𝟔𝟓 𝟗𝟑 (𝐅𝐚𝐫𝐡𝐚𝐧𝐚 𝐁𝐨𝐫𝐜𝐚𝐲)

𝐓𝐀𝐑𝐁𝐈𝐘𝐘𝐀𝐇 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐓𝐀𝐅𝐅Ang patuloy na paghubog sa bawat staff ay mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng isang ...
26/08/2026

𝐓𝐀𝐑𝐁𝐈𝐘𝐘𝐀𝐇 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐓𝐀𝐅𝐅

Ang patuloy na paghubog sa bawat staff ay mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng isang samahan. Sa pagkakataong ito, isang makabuluhang Tarbiyyah Session ang isinagawa sa pangunguna ng ating butihing Director, Ustadh Abdul Jabbar Montañer , na nagbigay ng mahahalagang paalala tungkol sa pagsunod, pagkakaisa, at tamang pananaw sa loob ng isang Jamaah.

Kabilang sa mga tinalakay ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa liderato. Ipinaalala na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging tugma sa personal na kagustuhan ng isang miyembro ang desisyon ng lider. Sa mga lehitimong usapin, mahalagang matutong rumespeto sa desisyon, magtiwala, at isaalang-alang ang kapakanan ng buong samahan kaysa sa pansariling damdamin.

Binigyang diin din ang 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐞𝐧𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 ang pagiging kuntento at pagtanggap sa kung ano ang ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa atin, habang patuloy na ginagawa ang tungkulin nang may tamang intensyon at pagtitiwala kay Allāh .

Bilang halimbawa, tinalakay ang pangyayari sa 𝐆𝐡𝐚𝐳𝐰𝐚𝐡 𝐇𝐮𝐧𝐚𝐲𝐧, kung saan nakaramdam ng kalungkutan ang ilang Ansar matapos ang pamamahagi ng ghanīmah, dahil mas malaking bahagi nito ang ibinigay sa ilang tao na bagong Muslim upang mapalapit ang kanilang mga puso sa Islam. Ipinaliwanag ng Propeta ang dahilan ng kanyang desisyon at pinaalalahanan ang Ansar tungkol sa higit na mahalagang biyayang kanilang taglay ang kanilang ugnayan at pagsasama sa Sugo ni Allāh

Mula sa pangyayaring ito, makikita ang kahalagahan ng pagiging kuntento, pagpipigil sa sariling emosyon, at pagtitiwala sa karunungan ng liderato. Hindi lahat ng desisyon ay agad nating mauunawaan o magiging ayon sa ating kagustuhan, ngunit mahalagang matutong tanggapin ang desisyon nang may respeto at unahin ang mas malaking layunin kaysa sa pansariling interes.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat isa na sa paglilingkod sa Deen, hindi palaging ang ating sariling kagustuhan ang dapat mangibabaw. Higit na mahalaga ang pagkakaisa, qanā‘ah, respeto, at pagiging tapat sa misyon para sa ikalulugod ni Allah.



𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐢𝐭, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚’𝐰𝐚𝐡 Alhamdulillah! Sa kabila ng matinding init na nararanasan sa Iligan City, patuloy ...
25/08/2026

𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐢𝐭, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚’𝐰𝐚𝐡

Alhamdulillah! Sa kabila ng matinding init na nararanasan sa Iligan City, patuloy pa rin ang ating Da’wah Team sa pagsasagawa ng 1-on-1 Da’wah Program sa Children’s Park, Brgy. San Miguel, Iligan City.

Sa araw na ito, hindi naging hadlang ang mataas na temperatura na umaabot sa mahigit 43°C upang ipagpatuloy ng ating mga kasamahan ang kanilang gawain. Sa halip, nagpatuloy sila sa pagpunta sa lugar, pakikipag-usap sa mga taong kanilang nadatnan, at pagbabahagi ng mga pangunahing kaalaman tungkol sa Islām.

Kasabay ng kanilang pakikipag-usap, namahagi rin ang team ng mga Islamic pamphlets upang magkaroon ng dagdag na babasahin ang mga taong nais pang matuto at mas makilala ang Islām.

Ang simpleng pagsisikap na ito ay nagpapakita ng kanilang patuloy na dedikasyon sa gawaing Da’wah. Anuman ang kondisyon ng panahon, hangad ng ating team na maipagpatuloy ang regular na programa at maipaabot ang mensahe ng Islām sa ating komunidad.

This Hadith reveals the beautiful, compounding nature of divine mercy and how every small action carries a ripple effect...
24/08/2026

This Hadith reveals the beautiful, compounding nature of divine mercy and how every small action carries a ripple effect. We often feel limited by our own time, energy, or resources, but Islam expands our capacity for good by making us bridges for others. Guiding someone toward a noble act does not divide or diminish their reward, instead, Allah multiplies it, granting you an equal share simply for being the catalyst. It transforms how we view our daily interactions, reminding us that pointing a friend toward a good deed, sharing beneficial knowledge, or offering gentle encouragement holds the exact same spiritual weight as performing the deed ourselves.

The core takeaway is that our influence is an active responsibility and an incredible opportunity for continuous reward. We should intentionally seek ways to enable goodness around us, whether by sharing helpful reminders, supporting charitable efforts, or modeling noble behavior. Because influence works both ways, we must remain mindful of what we promote, ensuring that our words and actions direct people toward what is beneficial. Even when you lack the personal means to carry out every good deed you wish to do, simply being the reason someone else steps closer to goodness creates an enduring chain reaction of blessings that continues far beyond your initial effort.

Sa buhay, madalas tayong magkaroon ng tampuhan, hindi pagkakaunawaan, o pagkakaiba ng pananaw sa ating mga kapatid sa pa...
24/08/2026

Sa buhay, madalas tayong magkaroon ng tampuhan, hindi pagkakaunawaan, o pagkakaiba ng pananaw sa ating mga kapatid sa pananampalataya. Ngunit sa talatang ito, Malinaw na ipinaalala ng Allah (SWT) na ang pagiging Muslim ay nangangahulugang pagiging bahagi ng isang malaking pamilya.

Kapag may lamat ang ugnayan ng magkapatid, hindi natin dapat hayaang manaig ang pride o galit. Ang tunay na lakas ng ating pananampalataya ay nasusukat sa ating kakayahang magpatawad, magpakumbaba, at magdala ng kapayapaan sa gitna ng hidwaan. Ang pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapwa ay isa ring paraan ng pagpapakita ng ating pagkatakot (Taqwa) sa Allah.

𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌𝐈𝐂 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 | 𝐎𝐏𝐄𝐍 𝐓𝐎 𝐀𝐋𝐋PAGMAMAHAL O PAGMAMALABIS“Ang Hangganan ng Pagmamahal at Pagsunod sa Sunnah”Paano...
23/08/2026

𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌𝐈𝐂 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 | 𝐎𝐏𝐄𝐍 𝐓𝐎 𝐀𝐋𝐋

PAGMAMAHAL O PAGMAMALABIS
“Ang Hangganan ng Pagmamahal at Pagsunod sa Sunnah”

Paano ba natin tunay na ipinapakita ang ating pagmamahal kay Prophet Muhammad ﷺ?

Ang pagmamahal sa Sugo ni Propeta Muhammad ﷺ ay hindi lamang nasusukat sa damdamin o sa mga nakasanayang expression ng pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay dapat nakabatay sa Qur’an, authentic Sunnah, tamang kaalaman, pagsunod, at pag-unawa sa halimbawa ng As-Salaf As-Salih.

Sa seminar na ito, pag-uusapan natin ang:

-Ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa Prophet Muhammad ﷺ?
-Paano ipinapakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod sa Sunnah?
-Ano ang ghuluw o pagmamalabis sa pagmamahal at paggalang?
-Saan nagtatapos ang tamang pagmamahal at nagsisimula ang religious excess?
-Paano natin mas mapapalalim ang ating love for the Messenger ﷺ through knowledge, obedience, and righteous action?

Whether you are a lifelong Muslim, a revert, a new Muslim, or someone who simply wants to learn, you are warmly invited. Walang kailangan ikahiya kung may mga bagay na hindi pa natin alam learning is part of our journey in Islam.

Date and Time:
August 26, 2026
1:00PM - 4:00PM
AAI Lecture Hall Quezon Avenue Extension, Palao, Iligan City

Halina’t matuto. Magtanong. Magmuni-muni. At alamin kung paano natin mamahalin ang Rasulullah ﷺ sa paraang minamahal at itinuro ng Islam.

Pagmamahal na may kaalaman.
Paggalang na may hangganan.
Pagsunod na ayon sa Sunnah.

True brotherhood in Islam is not only shown when we agree with one another, but also in how we treat each other when dis...
23/08/2026

True brotherhood in Islam is not only shown when we agree with one another, but also in how we treat each other when disagreements arise. We should never allow anger, pride, or personal conflicts to become a reason to wrong, abandon, or despise our fellow Muslims.

When disagreements happen, choose forgiveness over revenge, reconciliation over division, and respect over contempt. A Muslim has rights over his fellow Muslim, so let us protect the bond of brotherhood and never allow personal differences to destroy what Allah has commanded us to preserve.

Hindi lahat ng pagtutulungan ay kabutihan.Minsan, nagkakaisa ang mga tao sa isang bagay na mali nagkakalat ng kasinungal...
23/08/2026

Hindi lahat ng pagtutulungan ay kabutihan.

Minsan, nagkakaisa ang mga tao sa isang bagay na mali nagkakalat ng kasinungalingan, nagbubulungan laban sa iba, o sumusuporta sa kasalanan. Ngunit bilang mga Muslim, hindi sapat na kasama lang tayo, kailangan nating tiyakin na kung ano ang ating sinusuportahan ay kalugud-lugod kay Allah.

Ang tunay na pagkakaisa ay ang pagtutulungan sa kabutihan at taqwa, at ang pagtanggi sa anumang humahantong sa kasalanan.

At magtulungan kayo sa kabutihan at takwa, at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag. (Surah Al-Ma’idah 5:2)

Maging bahagi ng solusyon, hindi bahagi ng kasalanan.

Address

Quezon Avenue Extension
Iligan City
9200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+63634020299

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Al-Jalis As-Salih The Good Companion, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Al-Jalis As-Salih The Good Companion, Inc.:

Shortcuts

Share