25/05/2026
Kapag dumating sa buhay mo ang ating Panginoong Hesukristo, walang problemang masyadong mabigat na hindi Niya kayang dalhin. Walang pamilyang wasak na hindi Niya kayang ayusin, at walang relasyong sirang-sira na hindi Niya kayang baguhin. Sapagkat kay Jesus, may pag-asa, may kapatawaran, at may bagong simula.