17/06/2026
๐๐๐ซ๐๐ฎ๐ฆ ๐๐๐ข ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐
๐ข๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ซ
โ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ต ๐๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ.โ
Kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria ngayong ika-13 ng Hunyo 2026, taos-puso naming pinasasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng isang makabuluhang Banal na Misa para sa mga Aspirants ng Lectors and Commentators (LECCOM) ng Archdiocesan Shrine & Parish of St. James the Greater, Ibaan Batangas at Capilia dela Sagrada Corazon de Maria, Sabang Ibaan, na pinamunuan ng Kagalang-galang na Reb. Padre Eduardo P. Carandang (Kura Paroko)
Sa araw na ito ng pananampalataya at pagninilay, muling pinaalalahanan ang bawat aspirant na ang paglilingkod sa Simbahan ay hindi lamang isang tungkulin kundi isang natatanging pagtugon sa tawag ng Diyosโupang maging tapat na tagapagpahayag ng Kanyang Salita at mabuting saksi ng Ebanghelyo sa ating panahon.
Buong galak din naming ipinapaabot ang aming pagbati at pasasalamat kina Bro. James Caiga, Sis. Alexly Gift Untalan, at Sis. Angelica Alvarez sa kanilang masigasig na paglilingkod, dedikasyon, at patuloy na pagtugon sa misyon ng Simbahan. Nawa'y lalo pa kayong pagpalain ng Panginoon at maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga lingkod ng Salita.
Sa pagkalinga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria at ng ating patron na si Santiago Apostol, nawa'y manatiling nag-aalab ang ating puso sa pananampalataya, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod.
In Omnibus Amare et Servire.