24/11/2021
SIYAM NA ARAW PANALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN NG KALULUWA NI ATE FE
IKASIYAM NA ARAW
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
O Panginoon naming muling nabuhay. Dinarakila sa namin sa pagbibigay sa amin ng biyaya na maglakbay dito sa daigdig na ito. Kasabay din nito ay ipaunawa mo sa amin na kami ay uuwi pa rin sa langit naming bayan. Gawin mong dapat sa biyaya ng buhay na walang hanggan si Ate Fe na naging kaibigang uliran, alang alang sa kanyang mga mabubuting bagay na ginawa dito sa lupa ay mag-ani nawa ito ng biyaya sa iyong piliping sa kalangitan. AMEN
PANALANGIN SA IKA-SIYAM NA ARAW
Dakilang Diyos na hindi malirip ng aming isip ang karunungan. Ipinagmamakaawa namin sa iyo na tanggapin mo sa banal na piging ng kalangitan ang aming kapatid na si Ate Fe. Ang naging paghihirap nya nawa dito sa lupa ay maging katiyakan ng kanyang pakikibahagi sa iyong mapagligtas na kamatayan. Liwanag, ang siyang bumalot sa iyo at ikaw ay nagbagong anyo. Dalangin din naming yakapin mo ng iyong liwanag ang kaluluwa ng aming kapatid na pumanaw at isugo ang mga anghel na maghahatid sa kanya sa harap ng iyong dambana. AMEN
PANALANGING PANGWAKAS
Pagpalain nawa ang yumao nating mahal sa buhay ng Panginoon at ingatan! Paliwanagin nawa ng panginoon ang kanyang mukha sa iyo. Pagkalooban ka ng kanyang biyaya at tunghayan ka nawa ng Panginoon. Gawaran ka nawa ng kapayapaang walang hanggan.
Panginoon, nagpapasalamat kami sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob mo sa yumao naming mahal sa buhay noong panahong siya ay nabubuhay pa. Idinadalangin namin na nawa’y nakapagpuri at nakapagpasalamat siya sa buhay na ipinagkaloob mo sa kanya.
Mga anghel, mga banal, tanang nasa kalangitan, halikayo at samahan,
-Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.
Si Kristo ang mag-aakay sa kandungan ni Abraham, upang doon ang humimlay,
-Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.
Sa ilaw na walang hanggan, kapayapaan Kaylan ma’y pagkamitin ng Maykapal,
-Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.
KAPAYAPAAN KAILANMAN ANG IGAWAD NG MAYKAPAL KAY ATE FE NA AMING MAHAL!
SIYA NAWA AY SILAYAN NG ILAW NA WALANG HANGGAN!
Mapanatag nawa siya sa kapayapaan. AMEN