St. Augustine Cathedral Parish - Roman Catholic Diocese of Iba

St. Augustine Cathedral Parish - Roman Catholic Diocese of Iba This Official page of St. Augustine Cathedral Parish - Diocese of Iba

Mga Larawan | Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon o Corpus ChristiAting sambahin, paran...
07/06/2026

Mga Larawan | Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon o Corpus Christi

Ating sambahin, parangalan, bigyan ng papuri at tanggapin si Hesus, ang Tinapay ng Buhay at ating kaligtasan.

PANALANGIN SA KABANAL-BANALANG SANTISIMO SAKRAMENTO

Panginoong Hesus, ibinigay Mo po sa amin ang Eukaristiya upang palagian naming mapagsaluhan ang Iyong Kabanal-banalang Katawan at Dugo na Siyang mag-dudulot sa amin ng kaligtasan. Kami po ay nagpapasalamat sa kalakasan, kagalingan at pag-asang dulot ng aming pagtanggap sa Iyong Katawan at Dugo. Manahan Ka po sa aming mga puso upang maisabuhay namin sa araw-araw ang Iyong mga Salita na mahalin Ka at ang aming kapwa-tao. Pinupuri at sinasamba ka po namin, O aming Manunubos! Amen.

Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

O Sakramentong Mahal na sa langit buhat ang puri ng kinapal Iyong iyong lahat Iyong-iyong lahat




JUNE 7 | ๐“๐ก๐ž ๐’๐จ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ โ€”๐ญ๐ซ๐š๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ง ๐š๐ฌ ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ขToday, we celebra...
06/06/2026

JUNE 7 | ๐“๐ก๐ž ๐’๐จ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ โ€”๐ญ๐ซ๐š๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ง ๐š๐ฌ ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข

Today, we celebrate the Solemnity of Corpus Christi, honoring the true presence of our Lord Jesus Christ in the Holy Eucharistโ€”the source and summit of our Christian life.

As we gather in faith before the Blessed Sacrament, let us remember the reverence due to Christ truly present among us. When passing before or entering the presence of the Blessed Sacrament, let us kneel or genuflect as a sign of adoration, humility, and love for our Eucharistic Lord.

"I am the living bread that came down from heaven; whoever eats this bread will live forever." โ€” John 6:51

May this sacred feast deepen our devotion to the Eucharist and draw us ever closer to the heart of Jesus.

Kneel before the Blessed Sacrament, for there is our King, our Savior, and our God.

Schedule of Masses:
6:30 AM
8:00 AM
5:00 PM


TINGNAN: Pinangunahan ni Iba Bishop Bartolome Santos Jr., vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang banal...
05/06/2026

TINGNAN: Pinangunahan ni Iba Bishop Bartolome Santos Jr., vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang banal na misa sa ikalawang araw ng First National Youth Directors Assembly sa Sagrada Familia Chapel sa Quezon City. Katuwang ng obispo si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, chairperson ng komisyon.| Via News Advocate Norman Dequia

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐’๐ญ. ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐‚๐š๐ญ๐ก๐ž๐๐ซ๐š๐ฅ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก!With grateful hearts and renewed hope, we warmly welcome our new Parish Priest...
01/06/2026

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐’๐ญ. ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐‚๐š๐ญ๐ก๐ž๐๐ซ๐š๐ฅ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก!

With grateful hearts and renewed hope, we warmly welcome our new Parish Priest, ๐‘๐ž๐ฏ. ๐…๐ซ. ๐†๐ž๐ซ๐š๐ฅ๐ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐จ ๐Œ. ๐๐š๐ฌ๐œ๐ฎ๐š๐ฅ, and our new Parochial Vicar, ๐‘๐ž๐ฏ. ๐…๐ซ. ๐‘๐š๐ฎ๐ฅ ๐ƒ. ๐‚๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐ข๐š, to our parish family.

As they begin their pastoral ministry among us, may the Lord bless them with wisdom, strength, and abundant grace as they shepherd God's people. Let us accompany them with our prayers, support, and active participation in the life and mission of the Church.

May the guidance of St. Augustine inspire us to grow together in faith, unity, and service as one parish community.

"๐’€๐’๐’– ๐’‰๐’‚๐’—๐’† ๐’Ž๐’‚๐’…๐’† ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’€๐’๐’–๐’“๐’”๐’†๐’๐’‡, ๐‘ถ ๐‘ณ๐’๐’“๐’…, ๐’‚๐’๐’… ๐’๐’–๐’“ ๐’‰๐’†๐’‚๐’“๐’•๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’“๐’†๐’”๐’•๐’๐’†๐’”๐’” ๐’–๐’๐’•๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’š ๐’“๐’†๐’”๐’• ๐’Š๐’ ๐’€๐’๐’–." โ€” ๐‘บ๐’•. ๐‘จ๐’–๐’ˆ๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’๐’†

๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ, ๐—™๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€! ๐—ช๐—ฒ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐˜๐—ผ ๐—ต๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜‚๐˜€.

31/05/2026

Ang kumpisal ay daan pabalik sa biyaya ng Diyos. ๐Ÿค
Linisin ang puso, at muling magsimula.

KAPISTAHAN NG VIRGEN DE LAS FLORES Mayo 31 โ€“ Huling Linggo ng Buwan ng MayoSa pagtatapos ng Buwan ng mga Bulaklak, buong...
31/05/2026

KAPISTAHAN NG VIRGEN DE LAS FLORES

Mayo 31 โ€“ Huling Linggo ng Buwan ng Mayo

Sa pagtatapos ng Buwan ng mga Bulaklak, buong galak nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Mahal na Virgen de las Flores, ang ating mapagmahal na Ina na huwaran ng kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Tulad ng mga bulaklak na iniaalay natin sa kanyang paanan, nawaโ€™y maialay rin natin ang ating mga puso bilang tanda ng ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Panalangin sa Virgen de las Flores

Mahal na Virgen de las Flores,
mapagmahal naming Ina at Reyna ng mga Bulaklak,
lumalapit kami sa iyo nang may pananampalataya at pag-ibig.
Ialay mo sa iyong Anak na si

Hesus ang aming mga panalangin,
mga pangangailangan, at mga pasanin sa buhay.
Tulungan mo kaming mamuhay nang may kababaang-loob,
kalinisan ng puso, at tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Katulad ng mga bulaklak na namumukadkad sa tamang panahon,
nawaโ€™y mamukadkad din sa aming buhay ang mga biyaya ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.
Ingatan mo ang aming mga pamilya, gabayan ang aming mga kabataan,
at akayin kaming lahat patungo sa kabanalan.

Virgen de las Flores, aming Ina at Tagapagtanggol,
ipanalangin mo kami ngayon at magpakailanman.

Amen.

Virgen de las Flores, ipanalangin mo kami!

MAYO 31 | DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA SANTATLOAng Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo ay nagpapaalala sa atin n...
31/05/2026

MAYO 31 | DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA SANTATLO

Ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo ay nagpapaalala sa atin ng isang mahalagang katotohanan ng ating pananampalataya, may iisang Diyos na umiiral sa tatlong Personaโ€”ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Bagama't ito ay isang hiwagang higit sa ganap nating pag-unawa, ipinakikita nito ang walang hanggang pag-ibig at pagkakaisa ng Diyos na patuloy na gumagabay sa Kanyang bayan.

โœ  Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

30/05/2026

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan โ€” pag-ibig na handang magsakripisyo upang tayoโ€™y maligtas. Manampalataya tayo kay Kristo at mamuhay sa Kanyang liwanag. ๐Ÿ™

30/05/2026
๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐…๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐‘๐ข๐œ๐จ ๐š๐ง๐ ๐…๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ง๐ง๐ฒ! ๐Ÿ’›Sa paglipas ng panahon, ang isang parokya ay hindi lamang binubuo ng mga...
30/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐…๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐‘๐ข๐œ๐จ ๐š๐ง๐ ๐…๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ง๐ง๐ฒ! ๐Ÿ’›

Sa paglipas ng panahon, ang isang parokya ay hindi lamang binubuo ng mga pader at bato, kundi ng mga kuwento ng pananampalataya, paggabay, at pagmamahal na itinanim ng mga pastol na ipinagkaloob sa amin ng Diyos. Ngayong araw, buong-pusong nagpupugay at nagpapasalamat ang buong sambayanan ng Parokya at Katedral ni San Agustin sa dalawang tapat na lingkod ng Panginoon.

Sa aming Rektor at Kura Paroko, Reb. Pd. Rico D. Fagela. Sa loob ng anim (6) na taon na pagiging Lingkod, Pastol, at Ama ng aming Parokya't Katedral...

Father Rico, hindi sapat ang salitang "maraming salamat" para tumbasan ang anim na taon ng iyong walang-pagod na pag-aalaga sa aming kawan. Sa loob ng higit kalahating dekada, hindi ka lamang naging isang administrador ng simbahan; naging tunay ka naming Ama na nakikinig, Pastol na umaakay, at Lingkod na laging nakahandang mamuno nang may kababaang-loob.

Sa iyong pamumuno bilang Rektor, naramdaman namin ang isang buhay at nagkakaisang simbahan. Ang iyong presensya sa bawat Banal na Misa at sa mga ordinaryong araw ng parokya ay naging bukal ng pagpapala at lakas para sa aming lahat.

Aming ikinagagalak at ipinagmamalaki na ikaw ang naging pari at gabay namin sa mahabang panahon. Kasama ng buong Sambayanan ng Bayan ng Iba, baunin mo po ang aming walang-katapusang pasasalamat at walang-patid na mga panalangin. Saan ka man dalhin ng iyong susunod na misyon at paglilingkod, alam naming patuloy kang magiging liwanag.

Ang aming butihing Parochial Vicar, Reb. Pd. Manuel A. Ebuengan,

Sa loob ng isang (1) taon na pagiging Mabuti at Tapat na Pastol...

Father Manny, bagaman isang taon lamang ang ipinagkaloob na panahon para sa inyong pamamalagi sa aming piling, lubos na tumagos sa aming pamayanan ang inyong wagas na malasakit at pagmamahal. Salamat sa inyong matiyagang paggabay, sa mga pangaral na nagbigay-lakas sa aming espirituwal na pamumuhay, at sa laging pag-alalay sa aming mga gawain.

Sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa, ang inyong mga salita ay naging daluyan ng pag-asa at inspirasyon. Ang inyong magaan na pakikitungo sa bawat parishioners ay naglapit sa amin upang higit na makita ang ganda ng pagkakaisa.

Ang inyong kababaang-loob at tapat na paglilingkod ay magsisilbing magandang halimbawa na aming iingatan. Baunin po ninyo ang aming walang-bawas na panalangin para sa inyong kalusugan, kaligtasan, at sa mga susunod ninyong tatahaking misyon.

Mananatili kayo sa puso at panalangin ng Parokya ni San Agustin. Humayo kayo nang may kagalakan sa bago ninyong misyon, Father Rico at Father Manny! Gabayan nawa kayo ng ating mahal na Patrรณn Ama San Agustin! ๐Ÿ’›

Address

Zone 5, St. Augustine Cathedral Parish โ€” Roman Catholic Diocese Of Iba, Olongapo Gapan Road, Zambales
Iba
2201

Telephone

+639476107008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Augustine Cathedral Parish - Roman Catholic Diocese of Iba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Augustine Cathedral Parish - Roman Catholic Diocese of Iba:

Shortcuts

Share