22/11/2024
Hi mga Ka MP! First of all, nais po lamang namin i-appreciate ang lahat ng “Pastor’s Wife” sa ating mga ministries. Maraming salamat po sa inyong mga sakripisyo para sa ating mga simbahan! Ikalawa po ay nais namin magbigay ng bagong title para sa inyo. kakaiba ang pagiging asawa ng pastor dahil yung “identity” mo ay naka-kabit kung sino yung pinakasalan mo. Nag-asawa ka ng pastor kaya ikaw ay “Pastor’s Wife!” Interesting kasi tayo lang po ang may ganyan dahil wala kang makikita na”doctor’s wife” or “engineer’s wife.” Higit pa po kayo sa “identity” na “Pastor’s Wife” kayo po ay “CO-PASTORS” ng ating mga Pastor kahit hindi po kayo full time sa church o paid staff dahil po Kayo ay katuwang ng ating mga Pastors sa pag lead ng ating mga churches at higit na mahalaga po ay ang pag-alaga sa ating pamilya. Nag-cocompliment po kayo sa mga bagay na hindi nagagawa ng ating mga Pastors lalo na sa ating tahanan. Maraming beses din ay kayo po ang mas nasusugatan at nasasaktan sa mga bagay na binabato sa ating mga asawang pastor at minsan yung hindi kayang sabihin o gawin ng ating mga members sa ating mga pastor ay kayo muna ang nag-aabsorb na talagang minsan ay nakaka-ubos ng lakas, nakaka-discourage at nakaka drain ng saya. Alam po namin na sa iba ay hindi naman mahalaga ang title ngunit sa marami po ay makakatulong ito para maitaas ang tingin ng mga congregation sa mga “pastor’s wife” at ma realize natin na sila ay “CO-PASTORS” ng ating mga Pastor and they deserve the same respect na binibigay natin sa ating mga pastors. We are declaring a new level of passion and strength to all wives who are co-pastoring with their husbands! God’s grace is sufficient to all of you! Grace wins! - Ptr. A