21/05/2026
Paalam, Ate Joy, Maraming Salamat po, sa lahat ng tulong mo sa aming lahat sa Vox Crucis Chorale. Hinihiling namin ang iyong maayos na paglalakbay kasama ang Panginoon. You may now rest in peace, Ate. ๐๐ป๐ค๐๏ธ
Taos-pusong nakikiramay ang San Pedro City Tourism, Culture, and Arts Office sa mga kapamilya at kaibigan ng isa sa ating local heritage bearers na si Gng. Joy Amante Machado, na pumanaw noong Martes, 19 Mayo 2026 sa edad na 69 taong gulang.
Isa sa mga inapo ni dating Municipal Mayor Jose Amante, si Gng. Machado ay isa sa mga homegrown artists ng San Pedro. Naging bahagi siya ng ilang programa ng ating Tanggapan, kung saan itinanghal niya ang ilan sa kanyang mga gawa sa isinagawang eksibit patungkol sa sining at kultura. Kilala rin siya sa kanyang mga proyekto na may kinalaman sa interior design, kung saan naging kliyente niya ang ilan sa ating mga kababayan.
Bilang layko ng San Pedro Apostol Parish, nagsilbi siyang custodian ng isa sa mga mahahalagang dokumentong pangkasaysayan ng ating Lungsod, ang 1873 Cofradia del Santisimo Rosario Record Book. Ang nasabing dokumento ay ang ang talaan ng mga naging kasapi ng pinakamatandang samahang pangrelihiyon sa San Pedro, ang Cofradia del Santisimo Rosario. Sa iba't ibang pagkakataon ay Ibinahagi niya sa ating Pamahalaang Lungsod ang kuwento at detalye ng talaang ito, na siyang nagresulta sa pagkakasama nito sa isinagawang 2024 San Pedro City Cultural Mapping Project. Kalaunan, napasama ang Cofradia del Santisimo Rosario Record Book sa Local Cultural Inventory ng Lungsod ng San Pedro dahil sa kahalagahan nito sa ating kultura at kasaysayan.
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.