Parokya ng San Pedro Martir de Verona

Parokya ng San Pedro Martir de Verona This is the Official page of
Saint Peter Martyr of Verona Parish - Hermosa, Bataan. AYON SA PATOTOO NG MARAMI, AY NAGISNAN NA NILANG MAITIM. REV. FR.

KASAYSAYAN NG ITIM NA LARAWAN NG SAN PEDRO MARTIR DE VERONA PINTAKASI SA HERMOSA BATAAN

ANG MAPAGHIMALANG LARAWANG ITIM NG SAN PEDRO MARTIR DE VERONA, PINTAKASI NG HERMOSA BATAAN NA NAKATAWAG SA PANSIN NG LAHAT DAHIL SA KULAY NA TUTOONG MAITIM. LAHAT NG TAGA HERMOSA AY ITO ANG KINIKILALANG LARAWAN NG SAN PEDRO MARTIR, NA GAYA DING NAMAN NG MGA TAGA-KALAPIT NA BAYAN KAILANMAN AT MAGDAOS NG PISTA A

NG PATRON AY SADYANG MAIITIM. ISANG GINANG SA BAYAN NG HERMOSA, SI DRA. URSULA SANTOS, BALO NI TANTIANGCO NA SA GULANG NA 83 TAON ANG SIYANG NAG-ULAT AT NAGPATUNAY KUNG BAKIT ITIM ANG MATANDANG LARAWAN NI SANPEDRO MARTIR.SA EDAD NIYANG 12 TAONG GULANG, NABASA NIYA SA ISANG MATANDANG AKLAT NA SULAT KAMAY NG KANYANG MGA NINUNO NA NOONG UNANG PANAHON NA PAWID PA ANG SIMBAHANG KATOLIKO NA ANG KURA AY KASTILA AT DOMINICO, DOON SA MAY WAKAS NG ILOG NA NGAYON AY KILALA SA NGALANG ALMACEN, NAKITA NG MARAMING TAO ANG ISANG LARAWANG MAIITIM NA NAKALULAN SA ISANG BANGKANG PUTOL AT BATID NG MARAMI AT AKALA’Y BANGKAY. NATIYAK NG MARAMI NA ITO AY ISANG LARAWAN NG P**N AT IPINAGBIGAY ALAM SA PARI. KINILALA NG PARI NA ITO AY LARAWAN NI SAN PEDRO MARTIR

ISANG PRUSISYON ANG KANILANG GINAWA AT DINALA ANG IMAHE SA SIMBAHAN NG HERMOSA. MULA NOON ITO AY HINIRANG NA PATRON NG BAYAN NG HERMOSA.SA PAMUNUAN NG MISYON NG MGA PARING DOMINIKANO TAONG 1757NA KUMABILA NA SA DALAWANG DAANG TAON ANG BANDA NG ITIM NA LARAWAN NA ITO NI SAN PEDRO MARTIR. MALAKI ANG KANILANG PAGTITIWALA IDINARAOS ANG KAARAWAN NG PATRON SA TUWING IKA-29 NG ABRIL SAPAGKAT SA KANILANG PAMIMINTUHO MARAMING BIYAYANG NAKAMTAN SA DIYOS ANG MGA MANANAMPALATAYA NG BAYAN NG HERMOSA. ANTONIO M. QUINTOS JR. KURA PAROKO

01/05/2026

LIVE | Ikawalong Araw ng Misa-Nobenaryo para sa ating Pintakasi, San Pedro Martir de Verona | 5:00 ng Hapon

Punong Tagapagdiwang:
Reb. Padre Ernesto B. De Leon

San Pedro Martir ng Verona, Ipanalangin mo kami.
Virgen Del Rosario De Hermosa, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Tagapagtangkilik ng Diyosesis ng Balanga, Ipanalangin mo kami.

Paggunita kay San Jose, manggagawaMayo 01, 2026Ngayong araw ay ginugunita natin ang kapistahan ni San Jose, Esposo ni Ma...
01/05/2026

Paggunita kay San Jose, manggagawa
Mayo 01, 2026

Ngayong araw ay ginugunita natin ang kapistahan ni San Jose, Esposo ni Maria, sa kanyang taguri bilang San Jose Manggagawa. Siya ang huwaran ng sipag, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod, isang Amang nagtaguyod sa Banal na Pamilya sa pamamagitan ng marangal na paggawa sa Nazaret.

Itinatag ng Simbahan ang kapistahang ito upang bigyang-dangal ang lahat ng manggagawa at itampok ang kahalagahan ng paggawa na nakaayon sa diwa ng Ebanghelyo. Noong Mayo 1, 1955, ipinahayag ni Papa Pio XII ang araw na ito bilang kapistahan ni San Jose Manggagawa, bilang pagkilala sa dangal ng paggawa at bilang gabay ng mga manggagawa sa buong mundo.

Ipinapaalala sa atin ni San Jose na ang paggawa ay hindi lamang tungkulin, kundi isang bokasyon, isang paraan ng pakikibahagi sa plano ng Diyos. Sa kanyang tahimik ngunit makabuluhang buhay, siya ay naging tagapagtanggol, pastol, at ama hindi lamang ng Banal na Pamilya kundi ng lahat ng manggagawa.

Nawa’y sa kanyang pamamagitan, patuloy nating igalang ang dignidad ng paggawa at isabuhay ang pagiging tapat, masipag, at maka-Diyos sa ating mga gawain.

Panalangin sa Ikawalong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de VeronaO Diyos at Panginoong mga hukbo, sandata at ...
01/05/2026

Panalangin sa Ikawalong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de Verona

O Diyos at Panginoong mga hukbo, sandata at lakas ng dumudurog sa mga kaaway ng ating pananampalatayang Katoliko, dinggin ang lakas at tinig ng inyong kawal na si San Pedro Martir, na dahil sa inyong kaluwalhatian ay nagtamo sa mga tao, nagpabalik loob ang mga pusakal na erehe at inakit sa loob ng Iglesia Katolika, na hindi nabawasan ang ningas ng pananampalataya sa kanyang puso sa malakas niyang pamamagitan. Ipagkaloob aming Panginoon ang pananatili sa pananampalatayang Katoliko, upang magtagumpay sa mga kaaway ng aming kaluluwa na gaya ng hinihingi dito sa pagsisiyam. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.


Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at nag-organisa ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating Kura Paroko, Reb. ...
30/04/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at nag-organisa ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating Kura Paroko, Reb. Padre Ernesto B. De Leon.

Ang inyong presensya at pakikibahagi sa espesyal na araw na ito ay lubos na pinahahalagahan at ipinagpapasalamat ng ating Kura.

30/04/2026

LIVE | Ikapitong Araw ng Misa-Nobenaryo para sa ating Pintakasi, San Pedro Martir de Verona | 5:00 ng Hapon

Punong Tagapagdiwang:
Reb. Padre Ernesto B. De Leon

San Pedro Martir ng Verona, Ipanalangin mo kami.
Virgen Del Rosario De Hermosa, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Tagapagtangkilik ng Diyosesis ng Balanga, Ipanalangin mo kami.

Grand Santacruzan 2026Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, ang ating Simbahang Parokya ay magkakaroon ng Gra...
30/04/2026

Grand Santacruzan 2026

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, ang ating Simbahang Parokya ay magkakaroon ng Grand Santacruzan, na tampok ang mga Mutya ng Binibining Hermosa 2026.

Kaugnay nito, magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng hapon, na susundan ng nasabing aktibidad sa ating simbahang parokya.

Halina’t ating alalahanin ang pagkakahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus na pinagpakuan kay Hesukristo.


Panalangin sa Ikapitong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de VeronaO mapagpaumanhin naming Hesus! Na upang turu...
30/04/2026

Panalangin sa Ikapitong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de Verona

O mapagpaumanhin naming Hesus! Na upang turuan kaming magtiis at magbata ng mga upasala at paratang, ay nagtitiis kayo ng walang bilang na pagpapakasakit at paghamak ng daigdig, dinggin ang walang katulad na pagpapaumanhin ng inyong karapat dapat na aliping San Pedro Martir de Verona, na sa pagbabata ng lahat ng paratang at pagpapakasakit ay nagpakita ng katuwaan tuwina na walang imik; ipagkaloob po ninyo alang-alang sa kanyang mga karapatan at malakas na pamamagitan, na kung mapagtitiisan ko ang hirap sa mga gawain sa buhay na ito, ay makamtam namin ang kabanalang hinihingi sa pagsisiyam na ito. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apo San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.


Happy Birthday to our beloved Parish Priest, Fr. Ernesto “Ernie” De Leon!May the Lord continue to bless you abundantly w...
29/04/2026

Happy Birthday to our beloved Parish Priest, Fr. Ernesto “Ernie” De Leon!

May the Lord continue to bless you abundantly with grace, strength, courage, knowledge, and wisdom as you faithfully proclaim His Word. We thank you for your continued pastoral care and guidance.

“The Lord bless you and keep you” - Psalm 37, 4

– Warm greetings from Saint Peter Martyr of Verona Parish.

29/04/2026

LIVE | Kapistahan ng ating Pintakasi, San Pedro Martir De Verona | 5:00 ng Hapon

Punong Tagapagdiwang:
Reb. Padre Ernesto B. De Leon

San Pedro Martir ng Verona, Ipanalangin mo kami.
Virgen Del Rosario De Hermosa, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Tagapagtangkilik ng Diyosesis ng Balanga, Ipanalangin mo kami.

Aming Pintakasi, Apo San Pedro Martir de Verona, ipanalangin mo kaming mapagpakumbabang dumudulog sa iyo.
29/04/2026

Aming Pintakasi, Apo San Pedro Martir de Verona, ipanalangin mo kaming mapagpakumbabang dumudulog sa iyo.


Ngayong kapistahan ng ating Mahal na Pintakasi, San Pedro Martir ng Verona, ating alalahanin ang kanyang matibay na pana...
29/04/2026

Ngayong kapistahan ng ating Mahal na Pintakasi, San Pedro Martir ng Verona, ating alalahanin ang kanyang matibay na pananampalataya at walang takot na paninindigan sa katotohanan. Sa kabila ng panganib at pag-uusig, pinili niyang ipahayag ang kanyang pag-ibig sa Diyos hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Nawa’y maging huwaran siya sa atin upang manatiling tapat sa ating pananampalataya, maging matapang sa gitna ng pagsubok, at patuloy na ipahayag sa gawa at salita ang ating pagsasampalataya: “Credo in Unum Deum” (Sumasampalataya ako sa iisang Diyos).


TINGNAN | Ang mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang para sa Kapistahan ng ating Pintakasi, San Pedro Martir de Ve...
29/04/2026

TINGNAN | Ang mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang para sa Kapistahan ng ating Pintakasi, San Pedro Martir de Verona.

San Pedro Martir ng Verona, ipanalangin mo kami.


Address

National Road, Bataan
Hermosa
2111

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng San Pedro Martir de Verona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parokya ng San Pedro Martir de Verona:

Share