Cofradia delos Camareros de Hermosa

Cofradia delos Camareros de Hermosa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cofradia delos Camareros de Hermosa, Religious organisation, National Road, Hermosa, Bataan, Hermosa.

25/03/2023
31/12/2022

β€œWith sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible.”

Statement of Matteo Bruni
Director of the Holy See Press Office

17/04/2022
24/02/2022

URGENT appeal for prayer and fasting for Ukraine by Pope Francis.
πŸ‡ΊπŸ‡¦

11/08/2021

Sa pagsapit ng ika-12 ng tanghali ngayong Agosto 11, sa pagtugtog ng ating kampana. Ang lahat ng mananampalataya ay inaanyayahan sa π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—”π— π—•π—”π—¬π—”π—‘π—”π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š π—£π—”π—‘π——π—˜π— π—¬π—”

Narito po ang ating dadasalin:

π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—”π— π—•π—”π—¬π—”π—‘π—”π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š π—£π—”π—‘π——π—˜π— π—¬π—”

Makapangyarihang Diyos, aming Mapagmahal na Ama,
kami ay lubos na nagpapasalamat sa Iyong patuloy na
pagbibigay ng aming pangangailangan. Nagpapasalamat
kami sa Iyong patnubay sa amin laban sa kapahamakan
at sakuna. Kami ay tunay na pinagpala na Iyong kinukuha
ang mga mahirap na kalagayan at panibaguhin ito para
sa aming kabutihan at para sa Iyong kaluwalhatian.

Itinataas namin sa Iyo ang mga sarili; ang pamayanan at ang
probinsya ng Bataan sa panahong ito ng pagsubok dulot
ng Covid19. Kami nawa ay maging tapat sa pagsamo sa Iyo
at pamumuhay para sa iyo. Kami nawa ay makahawak sa Iyo
nang mahigpit habang aming isinasamo na Ikaw ang aming
pag asa at kagalingan. Kami ay lalong nagtitiwala sa Iyo
habang aming itinutuon ang aming sarili sa Iyo.

Para sa kaayusan ng lahat, kami nawa ay mag-
tulungan at hindi sumalungat; sumunod at hindi
lumabag sa batas; maging mahinahon at totoo at
hindi nagkakalat ng kasinungalingan at pangamba.
Gawin Mo kaming tagapagkalinga ng aming mga
kapatid at hubugin kami na maging Mabuting
Samaritano sa bawat isa.Turuan Mo kami na maging
mapagpasalamat sa lahat ng mga biyayang aming
natatamo at pagkalooban Mo kami ng taimtim na puso
upang aming maibahagi kung ano ang mayroon kami.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus.
Amen.

Maligayang Araw ng Camarero sa ating lahat! πŸ₯³πŸ˜‡πŸ™πŸ»
12/07/2021

Maligayang Araw ng Camarero sa ating lahat! πŸ₯³πŸ˜‡πŸ™πŸ»

01/05/2021

Mamaya na po! Witness the live performances of the HOM and the Hands of Mary as they perform for the first time.

Watch also the performances of our Parish Priest - Fr. Tony Quintos, Parish Priest of the Diocesan Shrine of St. John Paul II - Fr. Ton Sibug, Vice President of St. Peter of Verona Parish Pastoral Council - Mr. Jelo David, SPVA Principal - Mr. Joselito Mariano, and the Mayor of the Town of Hermosa - Hon. Jopet Inton.

You can have the chance to win the following:
- 2 Sacks of Rice
- P1000 worth of Gift Check from Certeafy Milktea
- 2 Dozens of Cupcakes (for any occasion)

Sama-sama tayong magbaliktanaw sa pamamagitan ng Facebook Live at Zoom, alas-7 ng gabi sa bansang Pilipinas.

πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
26/03/2021

πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ

Lenten Exhibit 2021March 21 to 31, 20218:00 am to 12:00 pm3:00pm to 8:00 pm
26/03/2021

Lenten Exhibit 2021
March 21 to 31, 2021
8:00 am to 12:00 pm
3:00pm to 8:00 pm

21/03/2021

Muli po namin kayong inaanyayahan para ating "Exhibit of Religious Images" na nagsimula na ngayon, ika-21 ng Marso at magtatagal hanggang sa ika-31 ng Marso.

May kaunting PAGBABAGO po sa oras. Ito po ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali at muling magbubukas sa ika-3 ng hapon hanggang ika-8 ng gabi. Ang mga imahe ay itatanghal sa loob ng ating simbahan.

Mahigpit pa din po naming ipatutupad ang pagsusuot ng face mask, pag-scan sa temperatura ng katawaan, ang pag-sanitize ng sapatos sa footbath at ng kamay gamit ang alcohol.

Gayun din po ay hindi po papayagan na pumasok ang mga babaeng nagdadalang tao at ang mga taong may karamdaman. Lagi po natin sundin ang tamang distansya sa bawat isa at sumunod sa alituntunin ng simbahan. Higit sa lahat IWASAN DIN PO NATIN ANG PAGHAWAK sa mga imahe.

Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa.

Salamat po.

Address

National Road, Hermosa, Bataan
Hermosa
2111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia delos Camareros de Hermosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share