22/11/2025
SERVE THE LORD THROUGH MUSIC
Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Santa Cecilia bilang Patron ng mga musikero at ng musika. Importante ang maringal na musika sa liturhiya lalo na sa mga malalaking kaganapan, sa seminaryo man o sa diyosesis, at isa sa mga inaasahang katuwang dito ang ating mga seminarista mismo. Sa seminaryo pa lamang ay puspusan na ang paghubog sa mga korista, dahil balang araw ay sila rin ang gagabay sa mga kapwa korista ng kanilang mga parokya o institusyon.
Member ka din ba ng Music Ministry ng inyong seminaryo sa Parokya mismo? Saan man umaawit, sa pang-araw-araw na misa man, ay paraan din ng paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pinakamahalaga at pinakamagandang instrumento, ang boses mismo.
Ano ang assignment mo sa choir? Tenor 1 or 2, o Bass 1 or 2? Soloist ka na din ba? O marahil isa kang instrumentalist ng koro: organist, guitarist, violinist, flutist, sa percussions, o anuman ang iyong itinutugtog, share mo na din. Comment na!