12/08/2026
Kuha ngayong ikalawang araw [Miyerkules] ng 4.9 na taas ng tubig kasabay ang tubig baha mula sa nagdaang Bagyo at Habagat na nagdulot ng pagbaha sa buong Bayan ng Hagonoy at mga kalapit Bayan.
Lumibot sa buong Parokya ang ating Kura Paroko upang tingnan ang kalalagayan ng Simbahan at bawat bisita na sakop.
Maging alerto at mag-ingat sa lahat ng pagkakataon, patuloy pa rin ang mga paglaki ng tubig dahil sa hightide at kasabay ang panaka-nakang pag-ulan.
‼️Paalala: Huwag na po i-download o i-save ang mga litrato, i-share na lamang po ang post ng Page. Salamat po.