Apo Ana de Hagonoy

Apo Ana de Hagonoy Maaari po kayong maglahad ng mga himalang nagawa ni Apo Ana sa inyong buhay.

Kung may paghihimala po sa inyong buhay si Apo Ana aaari nyo pong ilahad sa page na ito ang inyong kwento.

01/05/2026

Mayo, mes de María, es un tiempo lleno de devoción. 😇

Te compartimos algunas de las fiestas más importantes para vivir este mes. 👇

Cuéntanos en los comentarios: ¿cómo celebran estas festividades en tu parroquia o familia?

https://dlf.desdelafe.mx/4uiU46G

| PANALANGIN KAY SANTA ANA| PARA SA MGA MAG-ASAWA| LinggoO pintakasing Santa Ana, tulungan mo po ang lahat ng Kristyanon...
01/05/2026

| PANALANGIN KAY SANTA ANA
| PARA SA MGA MAG-ASAWA

| Linggo

O pintakasing Santa Ana, tulungan mo po ang lahat ng Kristyanong mag-asawa, na makapamuhay sila nang ayon ng plano sa kanila ng Diyos. Tulungan mo silang tunay na magmahalan sa lahat ng araw, sa kalusugan at karamdaman, sa kasiyahan at kalungkutan.

Santa Ana, turuan mo ang mga mag-asawa kung paano dapat maganap ang pagtawag sa kanila sa buhay mag asawa, para sa bawat isa sa kanila at sa kanilang mga supling. Bilang mga tagapagtotoo ng pananampalataya kay Kristo at bilang kinatawan ni Kristo sa pamilya.
Amen

---------------------------------------------

Tuwing Linggo ipagdasal natin ang mga MAG ASAWANG KATOLIKO sa ating patrona na si SANTA ANA




I PALAGIANG PANALANGIN KAYI NUESTRO PADRE JESUS NAZARENOI BiyernesKatamis-tamisang naming mahal na Poong Jesus Nazareno,...
30/04/2026

I PALAGIANG PANALANGIN KAY
I NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO
I Biyernes

Katamis-tamisang naming mahal na Poong Jesus Nazareno, Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo.
Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan.
Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig kita nang higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga utos diyan sa Iyong langit na kaharian. Siya nawa.


30/04/2026
Panalangin sa Mahal na Poong Santo Niño( Tuwing Biyernes)O Hesus, ang aming bunying Santo Niño,Kapuri-puri ka sa iyong d...
30/04/2026

Panalangin sa
Mahal na Poong Santo Niño
( Tuwing Biyernes)

O Hesus, ang aming bunying Santo Niño,
Kapuri-puri ka sa iyong dakilang pag-ibig sa taong nagupuling sa kadiliman. Nagpakumbaba ka lubos upang iligtas ang tanan. Naging tao ka at ipinakita mo na ang Diyos ay kasama namin.
O Hesus, ikaw na nagbigay ng bagong mukha, bagong tinig bagong puso sa taong masuwayin. Sa iyong pagkakatawang-tao ay binigyan Mo kami ng katangalan na maging mga anak ng Diyos at tawagin siya na "Ama, Ama ko". Sa iyong Espiritung bigay kami nawa ay makilala bilang mga anak ng Diyos sa isang matuwid na buhay at pag-ibig sa kapwa.
Ikaw ang masunuring Anak na nagbalik sa tao na maging kalugod-lugod sa Diyos.
Sa iyong buhay ay ipinakita Mo na naghahari ang Diyos. Patuloy Mo kaming akayin sa kaliwanagan upang mabuhay kaming tapat sa mga itinuro Mo. Sa wakas ng aming paglalakbay ay masapit namin ang kaluwalhatian na Iyong inilaan sa aming mga tagapagmana ng langit na aming tahanan, ikaw na doon ay naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Mula sa Palagiang Nobena sa Santo Nino ng Tondo.

Devotion to the SACRED HEART OF JESUS P R A Y E RO Most Sacred Heart of Jesus, pour down Thy blessings abundantly upon T...
30/04/2026

Devotion to the
SACRED HEART OF JESUS

P R A Y E R

O Most Sacred Heart of Jesus,
pour down Thy blessings
abundantly upon Thy Church,
upon the Supreme Pontiff, and
upon all the clergy;
give perseverance to the just,
convert sinners,
enlighten unbelievers,
bless our parents, friends
and benefactors,
help the dying,
free the souls from Purgatory,
and extend over all hearts
the sweet empire of Thy love.
Amen.

(Pre-1968 Indulgence of 500 days)

I PANALANGIN KAY SANTA ANAI NG MGA MAYSAKITI Panalangin kay Sta. Ana - BiyernesSANTA ANA, kahabagan mo sana ako. Ang aki...
30/04/2026

I PANALANGIN KAY SANTA ANA
I NG MGA MAYSAKIT
I Panalangin kay Sta. Ana - Biyernes

SANTA ANA, kahabagan mo sana ako. Ang aking katawan ay laging pinapahirapan ng karamdaman. Laging akong nagdurusa’t nababagabag dahil sa aking sakit na dinaranas. Paginhawahin mo po sana ako’t pagalingin sa aking karamdaman. Santa Ana, pawiin mo ang aking sakit kung mamarapatin ni Jesus, sa tulong ng awa ng Diyos, kung ihalulugod Niya ito.

Higit sa lahat, mahabag ka sa aking kaluluwa. Nawa ang pagbabata ng hirap ay maging bukal ng kapakinabangan sa aking kaluluwa nang higit sa aking kalusugan ng katawan.Kung ang pagsubok at mga tiisin ay lubhang makapaglalapit sa akin sa pagbabalik loob ng mga makasalanan, hindi ko hinihiling sa iyo na “ibsan mo ako sa mga pagdurusang ito.” Ang hinihiling ko sa iyo ay lawitan mo ako ng wagas na kataimtiman at banal na pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos.
Amen





I PAMAMANATA KAY SAN JOAQUINI Sa araw ng HuwebesTuwing Huwebes - alalahanin sa pananalangin si APO AQUINPANALANGIN KAY S...
29/04/2026

I PAMAMANATA KAY SAN JOAQUIN
I Sa araw ng Huwebes

Tuwing Huwebes - alalahanin sa pananalangin si APO AQUIN

PANALANGIN KAY SAN JOAQUIN

Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa Iyo. Sa iyong pagkalinga, pinuno Mo ang mga magulang ni Maria ng Iyong kagandahang loob at karilagan sa mga gawaing kabanalan. Sa kanilang piling at pagsasamang matapat, umusbong at namulaklak ang kalinis-linisan nilang anak, ang Mahal na Birheng Ina ng Diyos.

San Joaquin, banal naming tagatangkilik, katangi-tangi ka sa mata ng Diyos. Ang kabutihang loob ng Makapangyarihang Diyos ay nasa iyo. Ang iyong tahanan ay tunay na "bahay dalanginan," pugad ng pananampalataya at paggawa, silid-aralan ng karunungan, kadluan ng kapayapaan at pag-ibig. Mula roon, ang daloy ng biyaya ang umapaw sa buong mundo. ipanalangin mo ang mga ama ng tahanan. upang tularan nila ang diwa ng iyong matibay na pananampalataya, maalab na pagmamahal sa katarungan at pagtitimpi sa sarili nang sumagana ang bunga ng kaligtasan. Nawa ang bawat pamilya ay mamunga ng kabanalan at mapalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan. AMEN





I  PANALANGIN PARA SA MGA ANAKI  Tuwing Huwebes(Tuwing Huwebes ipanalangin natin kina Apo Ana at Apo Aquin ang ating mga...
29/04/2026

I PANALANGIN PARA SA MGA ANAK
I Tuwing Huwebes

(Tuwing Huwebes ipanalangin natin kina Apo Ana at Apo Aquin ang ating mga anak)

SANTA ANA, Iikaw ang pinakamalapit sa dalawang bukod tanging anak, na nabuhay sa balat ng lupa, sina Jesus at Maria. Kapag nakakita ka ng isang bata, bumabalik sa iyong gunita ang mga ala-alang kaaya-aya.

Ang pangunahing pangarap mo noon ay imulat ang iyong anak ayon sa pamantayang halimbawa ni Kristong Sanggol at ng batang Birheng Maria.

Ang mga bata ay laging itinatangi ng Diyos. Ang pagmamahal ni Kristo ay ipinamalas sa kanila at ang sabi niya, “Hayaang ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagka’t sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumulad sa maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Ditos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian Niya (Lukas 18: 16)

SANTA ANA Ipinagdarasal ko ang aking mga anak. Ang daigdig sa araw ng bukas ay magiging mundong katulad ng kaayusang gagawin ng mga anak sa ngayon. Puspusin nawa nila sa pag-ibig ng Diyos ang kanilang magulang. Turuan mo silang tumahak sa mga yapak ng Nino Jesus, umiibig at sumusunod sa ating Ama at Panginoon, magmahal at dumamay sa kapwa at sa isa’t isa. Turuan mo silang maging kasangkapan ng Diyos sa pagpapairal ng Kanyang pag-ibig at kapayapaan. AMEN

anak


| Panalangin sa La Nina Maria| tuwing MiyerkulesManalangin tayoSa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, AmenPan...
28/04/2026

| Panalangin sa La Nina Maria
| tuwing Miyerkules

Manalangin tayo

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Panginoon, nagpapasalamat kami Iyo dahil sa pagbibigay Mo sa amin ng iyong ina upang maging Ina din namin. Pakinggan mo kami O Batang Maria maging taga-pamamagitan ka po namin.

La Nina Maria, alam namin na ikaw kay tunay namin na Ina. Sa iyong makainang pagmamahal sa bawat isa sa amin ay nag-aalay ka ng panalangin sa ngalan namin at ginagawa mo ang lahat ng magaggawa para sa aming paglalakbay patungo sa langit.

Pinapamanhik naming na dalhin mo ang aming panalangin sa harap ng lulukan ng iyong anak. At ngayon ay hinihiling naming na basbasan kami ng iyong anak at tulungan ang lahat ng mga ina.

Ipagdasal mo kami na gayahin namin ang iyong perpektong mapagkawang gawa na pag-ibig para sa lahat ng tao at sa iyong anak. Ipagdasal mo na kami ay lumago sa kabutihan na kailangan namin tungo sa kabanalan.

Aba Ginoong Maria . . .

La Nina Maria, ipanalangin mo kami.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Address

Hagonoy
3002

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apo Ana de Hagonoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Apo Ana de Hagonoy:

Share