18/03/2026
βπ²ππππ πππππππππ ππππ ππ π«ππππ, πππππ ππππππ πππππππ ππ ππππππππ π
ππππ πππ ππππππ ππππ ππ πππ π«ππππ ππ πππ π«ππππ πππ ππππππ ππππ.β
Hango mula sa Homilya ni Reb. P. Wilfredo A. Lucas, kura paroko ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo.
Kapag tinatawag tayo ng Diyos, natural lamang na makaramdam ng takot at pag-aalinlangan, lalo na kung hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng Kanyang plano. Ngunit paalala sa atin na ang Diyos ay hindi basta pumipili; pinipili Niya tayo dahil may layunin Siya sa ating buhay. Hindi Niya tayo pababayaan sa gitna ng ating kahinaan at kakulangan.
Ang pagtugon sa Kanyang tawag ay hindi nangangahulugang wala nang takot, kundi pagpili na magtiwala sa kabila nito. Dahil ang Diyos na tumawag sa atin ay Siya ring gagabay, magpapalakas, at mag-aalaga sa bawat hakbang na ating tatahakin. Kaya sa halip na mangamba, matuto tayong sumagot nang may pananampalataya: βNarito ako, Panginoon.β